Chapter 3

4.8K 142 7
                                    



Mabilis lang lumipas ang panahon.

Matatapos na ang 1st quarter.

Kaclose ko na rin lahat ng classmate ko.

Pero si cyrus talaga ang pinaka naging close ko.

Naging mag best of friends kami.

Tulad ng una naming pagkakakilala dun kami sa likod ng skul nag lalunch.

Sinasabayan n'ya na ko kahit madalas tuyo at itlog lang ulam ko.

Minsan nga wala, eh. Kaya binibigyan n'ya nalang ako.

Isa lang talaga ang 'di ko nilalapitan at kinakausap.

Yung Vice namin.

Ewan ko ba, lagi kasi ako kinakabahan pagnilalapitan n'ya ko.

Parang laging ambilis nang tibok ng puso ko. Kaya pag nandyan na s'ya, bigla nalang akong umaalis. Nagtataka naman sya.

Pero minsan, masyado ata mapagbiro ang tadhana.

May mga pangyayaring di na natin maiiwasan.

Nasali ako sa group n'ya, actually, kaming dalawa ni Cyrus.

At s'ya lang yung lalaki, hahaha.

Okay lang naman daw, kasi andun naman daw ako.

"Kela Emnas nalang tayo gumawa ng group project natin." Panimula ni vice.

Tumango naman kaming lahat.

Nauuna silang maglakad habang kami ni Cyrus naghaharutan dito sa likod.

"Ang cute nyo together, yieeee. Hahaha," pang aasar ni Jaycel samin.

"Baliw!!! Di kami talo." Sagot ko sakanya habang magka akbay kami ni Cyrus.

Dumako ang tingin ko kay vice nakangiti sya pero may makikita ka sa mata nya.

Selos ba 'yun?

Nagseselos ba s'ya?

Dati ko pa 'to napapansin, iba ang tingin nya dito sa lalaking naka akbay sakin.

At ang sakit nun para sakin!

Tinanggal ko pagkaka akbay ni Cyrus, tinulak ko sya.

Nagulat si Cyrus, nginitian ko s'ya at akmang susuntukin. Tumakbo si Cyrus, hinabol ko s'ya.

"Yieeeee!"

Sigaw pa ng mga barkada namin.

Di namin sila pinansin ni Cyrus, tinuloy lang namin ang harutan.

Hindi ko naman magawang magalit sakanya, eh.

Kahit nagseselos ako, to think na sya yung crush ng crush ko.

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon