"Ako na magsusulat deans" agaw ni pongs sa notebook ko
"Bakit tapos ka na ba magsulat?" Umiling sya at ngumiti
"Gusto ko lang ako magsulat sa notebook mo" nailing nalang ako tapos kinuha ko naman ang notebook nya at dun naman ako nagsulat
Magkatabi na ulit kami ngayon pagkatapos ko magpaalam sakanya na manliligaw ako pero sa totoo lang hindi ko naman alam kung paano manligaw
Hindi ko rin naman kasi alam kung kailangan ko pa ba mangligaw kasi may gusto naman sya sakin di ba?
Sinama narin nya ko sa bahay nila at pinakilala sa parents nya bilang special friend
Siguro MU na ang tawag sa relasyon namin yon kasi sabi ni kuya luigi e basta daw nagkakaintindihan kayo kahit walang label para kayo na daw
Bigla nyang inagaw yong notebook nyang sinusulatan ko
"Wag mo sulatan yan" sabi nya
Wala naman kaming titser pero may pinapasulat lang samin kaya malakas loob ni pongs mag-ingay e
"Ako na kasi wala naman ako ginagawa e" sabi ko hinihila na namin sa magkabilang gilid ng notebook nya
Tumawa lang kami pareho habang pinagpapatuloy lang yon
"Shhhh tahimik!" sabi ni jema tumingin samin at inirapan kami
Hinayaan na ni pongs yong notebook nya sakin at tuloy parin sa pagtawa ng mahina sininyasan ko naman sya ng tahimik habang ngingiti-ngiti
Nakarinig na naman kami ulit nang pekeng ubo kaya lumingon ulit kami kay jema na nakatingin lang sa board at nagsusulat lang sya
Siniko naman ako ni pongs na nagpipigil nang tawa kaya pinanglakihan ko sya ng mata
Harot talaga nito ni pongs e
Natapos na ang isang buong araw at nandito na naman kami sa tambayan pero kulang kami wala si jema
Ilang linggo narin nya kami iniiwasan pero hindi namin alam ang dahilan
"Hatid mo ba ko deans?" Tanong ni pongs habang nakasandal sya sa balikat ko
Malayo bahay nila hindi pwede lakarin kaya paghinahatid ko sya namamasahe kami tapos binibigyan nya ko pamasahe pabalik
Gusto ko na sana tumanggi kasi nahihiya na ko e nangliligaw ako pero ni pamasahe wala ako pero alam ko magtatampo sya
"Ok lang ba kung next time nalang? May pupuntahan kasi si ate e walang mag-aasikaso sa bahay" sabi ko
"Eh di sa bahay nyo nalang tayo? Tutulungan kita" umangat ang mukha nya para tignan ako
"Baka gabihin ka na naman"
"Para ayaw mo na naman" ngumuso sya
"Ok na nga po sumama ka na" nailing pa ko
"Wag na napilitan ka lang" maktol nya
"Hay naku" kiniliti ko sya kaya nangiti na rin sya
Lagi kasi sya ginagabi pag-pumupunta sya sa bahay tapos ganun din ako pag-ako naman naghahatid sakanya
"Alam nyo lagi nalang kayo magkasama nakakalimutan nyo na kami" nakangusong sabi ni jaycel
"Oo nga baka nakakalimutan nyo na kaibigan nyo parin kami tapos si jema lagi pang wala" singit naman ni fhen
Natahimik kami
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?