Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon na mahigit isang buwan ko ng kasintahan ang babaeng nasa harap ko habang karga si ava
"Alam mo matutunaw na ko kakatitig mo sakin tapos idadamay mo pa tong pamangkin mo" natatawa nyang sabi
"I love you" nagulat sya hahaha kung hindi nya hawak si ava napalo na naman ako
"I love you too" namumula pa sya ang cute talaga ng baby ko
"Wow tamis" ngiti ni ate pagkalabas nya ng kwarto kasama si peter binihisan nya kasi ito kasi pinaliguan nya
Lalong namula tuloy si vice ngumiti ako kaya nakatanggap ako ng irap sakanya hehehe
"Sachi kayo muna bahala sa dalawang bata pupunta muna ako sa kabilang bahay manonood lang ako, sasamantalahin ko na habang andito si jema para alagaan si ava" nakangising paalam ni ate
"Ate!!!!" Reklamo ko pa pero nakalabas na sya ng bahay
"Yaan mo na" nailing nalang akong tinignan si vice
"Ate jema laro tayo" singit ni peter
"Mamaya na karga pa nya si ava" saway ko
"Bigay mo nalang yong phone dito sa bulsa ko kunin mo" sabi ni vice
Lumapit sya sakin hinawak ko naman yong kamay ko sa hita nya habang kinukuha ko phone nya
Nirub ko muna yon bago ko tuluyang kinuha phone nya hahaha
Sobrang sama ng tingin nya sakin
"Jan ka magaling sa kamanyakan" sabay irap sakin
Inabot ko na kay peter yong phone tuwang tuwa naman yong bata
Natatawa ako habang hinahatak si vice paupo sa hita ko nakanguso parin kasi to
Niyakap ko sila ni ava nung nakaupo na sya sa pagitan nang mga hita ko patagilid
"Sachi ayaw bukas" sabi ni peter inaabot ulit sakin ang phone
Hahaha nakalimutan ko may password nga pala dati kasi wala e
Pero dahil kaming dalawa ang wallpaper nya nilagyan nya ng password pinapakialam daw kasi ni mafe yon
Combination ng name namin yong password nya pati narin mahahalagang araw sa buhay namin
Jedean3154 type ko sa phone nya para mabuksan ito at binigay ulit kay peter
Jema and deanna
july 3 yong araw na makilala ko sya yong tinamaan sya ng pinto? Hehehe august 15 naman yon yong nagkaaminan kami at nagstart sa mutual understanding namin at october 4 nung naging official na kamiWala pa naman nakaka-alam maliban sa pamilya ko at mga kaibigan namin bawal kasi sa side nya, naiintindihan ko naman atleast may label na kami di ba?
Hindi na rin naman na sya nahihiya na hawakan ako sa maraming tao pero nag-iingat parin kami kasi baka makarating sa family nya lalo na sa papa nya yari daw kami
Principal ang papa nya at the same time teacher din ito, kaya para sakanya imoral ang pakikipag-relasyon sa kapwa mo babae o lalaki
Halata rin daw ng papa nya na hindi ako straight kaya pala ganun sya makatingin sakin
"Lumilipad na naman isip mo b" untag sakin ni vice
Nginitian ko lang sya at hinigpitan ang yakap sakanila ni ava
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?