After ng accidental kiss namin ni pongs hindi na sya nagparamdam sakin
Umiwas rin sya sakin kanina ng nakasalubong ko sya sa hall way ng school
Enrollment kasi ngayon maaga nagpadala si nanay ng pera kaya maaga din ako makakapag-enroll
Nagclearance muna ako bago mag enroll
Kaya pala kailangan ng pera kasi yong mga titser kung ano-ano pinapabili bago pirmahan clearance mo
May walis may floor wax at kung ano-ano pa
Nung napapirma ko na lahat ng teacher ko dumiretso na ko sa advicer ko at kinuha ang card ko
Pagkakuha ko ng card ko pumunta na ko sa enrollment desk
Nagulat ako kasi andun si ate madz
Medjo mahaba pa pila kaya hindi pa nya ko napapansin
Nung malapit na ko sakanya ,ngumiti na sya, pagkakita nya sakin
"Next" sabi nya kaya sumunod na ko
Binigay ko yong card ko sakanya at tinatakan naman yon at binigay sakin ang section ko sa pasukan
IV-NARRA
Aalis na sana ako kaso pinigilan nya ko sa kamay
"Sabay na tayo kumain?" Umiling ako
"Uuwi na ko" tanggi ko
"Dali na! Hintayin mo na ko" pilit nya
Pinagtitinginan na kami ng mga studyante kaya tumango na ko
Iniwan ko na sya at umupo malapit sa kinaroroonan nya para madali nya ko makita
Maglalunch na rin naman kaya hindi narin siguro yon magtatagal
Ang problema ko lang wala akong dalang pagkain kasi saglit lang sana ako dito uuwi din agad sana ako
Kinapa ko bulsa ng pants ko may natira pa naman sa pera na bigay ni nanay
Kinuha ko iyon sa bulsa ko at binilang may 50 pesos pa ko,ok na siguro pang lunch to
"Tara na?" Tumingala ako sakanya at tumango
Tumayo ako at nagstart na kami maglakad papuntang canteen
"Start na OJT mo?" Tanong ko kay ate madz
"Next week pa sana kaso may gagawin ako kaya pinaaga ko nalang" tumango nalang ako
Pagpasok namin sa canteen medjo puno na walang na mauupuan
May napansin akong kumakaway sakin
Si tots kasama ang buong barkada
Hinila ko si ate madz papalapit sa kanila
"Akala namin late ka na magpapaenroll kaya hindi ka na namin dinaanan" sabi ni jaycel paglapit ko sakanila
"Maaga kasi nagpadala si nanay kaya maaga din ako nagpaenroll, saka baka may magalit na naman sakin kapag late na naman ako mag enroll at mapunta na naman ako sa lower section" sabi ko na nakatingin lang kay jema, pero sya umiwas ng tingin
Natahimik naman kaming lahat pagkatapos ko sabihin yon
"Wongskie ano gusto mo? Ako na oorder upo ka na dito" basag ni ate madz sa katahimikan namin
"Kanin lang saka gulay pagkasyahin mo nalang to" sabay abot sakanya ng 50 pesos ko
"Ako na bahala" sabi nyang hindi pinansin ang pera ko
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?