Chapter 36

4.2K 157 20
                                    

Last day of school

Huling araw ko na bilang isang 4th year high school students

Ilang araw nalang gagraduate na ko at malapit ko na rin tahakin ang panibagong pagsubok sa pagpasok ko ng college

Nag exam narin ako sa university kung saan nag- inquire si jema yong university na balak naming pasukang magkasama

Nag-exam na rin kaya sya? Pero hindi ko sya nakita dun

Nakapasa rin ako sa scholarship nila yong mga usapan namin ni jema unti-unti ko nang tinutupad

Umaasa parin ako na kahit malabo na, tutupad parin sya sa pinangako nito

Na magkasama naming aayusin ang buhay ko

"Deans pirmahan mo uniform ko" tumatakbo sakin si cy

Paglapit nya binigay nya sakin ang pentel pen pinirmahan ko naman uniform nya

Ako naman isang white plain t-shirt suot ko ngayon dahil gagamitin ko bukas yong pangtaas kong uniform sa graduation iisa lang kasi yon kaya sa white t-shirt ko nalang sila papipirmahin bilang remembrance

Niyakap ako ni cy pagkatapos naming pirmahan ang damit ng isa't isa

"Mamimiss kita lodicakes" ginulo nya ang buhok ko

"Mamimiss din kita my one only guy bestfriend" palo ko sa braso nya

Kahit 2nd year lang kami nagsama at hindi na kami nagsasama ngayon pero thankful ako na hindi parin sya nagbabago sakin

"Haha sasabihin ko sana na ikaw lang din kaisa' isa kong girl bestfriend kaso baka magalit ka hahaha" sabi nya

"Sira!!!!" Sabi ko naiiling

Nagsidatingan na rin iba kong barkada at tulad nang ginawa namin ni cy nag exchange din kaming lahat nang pirma sa bawat isa

Nagpaalam naman si cy na mauuna na

"Deans nag-inquired ako dun sa school na pinasukan mo hehehe magkakasama na naman tayo" tuwang tuwa sabi ni ponggay

"Ako din tay dun din ako nag-inquired" sabi naman ni jaycel

"So mahihiwalay pala ako sainyo sa isang koleheyo lang kasi ako mag-aaral eh" sabi naman ni fhen

"Samahan ka namin dun din naman kami ni tots mag iinquired eh saka wag kang matakot mag-kasing utak lang naman kayo nito ni tots kapag ito pumasa papasa ka rin hahaha" sabi naman ni ced

"Aray naman" reklamo ni tots

So sa university din pala na balak naming pasukan ni jema sila papasok

Si jema nalang talaga ang kulang

"Nakapasa ka sa scholarship nila?" Tanong ni ced sakin

"Full scholarship napasa ko" napanga-nga sila

"Sana all" sabay sabay nilang sabi

"Ako half lang napasa ko kaya eto namomoblema kami sa pang dagdag" sabi ulit ni ced

"Buti ka nga half eh, kami kung hindi kami makakapasa sa scholarship mapipilitan kaming sa kolehiyo nalang mag-aral kung saan mababa ang tuition fee" palatak naman ni fhen

Tumango silang lahat hahaha akala ko pa naman sure na dun na din sila mag-aaral mga suntok sa buwan pala

"So ano na kukunin mong course? Di ba hindi ka pa nakapag-isip?" Sabi ni pongs na hinawakan ang kamay ko

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon