Chapter 25

3.8K 144 11
                                    

Nagkakagulo na naman sa labas, nagtitilian pa

Nagpapractice kasi ang 3rd year at 4th year ng kutilyon for JS prom

Pero ako dito lang sa room mag-isa mas gusto ko mag-aral kesa manood ng walang kwentang bagay

Nagbabasa nalang ako ng libro ko Aralin Panglipunan Mag-advance reading nalang ako para hindi ko na kailangan mag review sa final exam

Si fhen at tots kaya sasali? Hahaha naiimagine ko na sila na nangangati sa gown nila

"Eiiiihhhhhh bagay talaga si jessica at jerome" rinig kong tilian sa labas

Napalingon naman ako at tumayo sabay labas ng room namin

Pumwesto ako sa tabi ni tots katabi naman nya sa kabila si fhen

Nakita ko na ang dahilan bakit sila nagtitilian

Napaka sweet naman ng sayaw na yan halos magpalit na ng mukha si jema at yong asungot na yon kaya todo ngisi eh

"Easy boy hahaha" sabi ni tots

Sobrang sama kasi ng tingin ko dun sa dalawa

Hindi ko pinansin si tots at bumalik sa room namin kinuha ko gamit ko uuwi nalang ako

Ang problema kung palalabasin ako sa gate dahil school hrs pa

Bahala na hanap nalang ako ng lugar na tahimik

"Hey wong saan ka pupunta?" Sigaw ni tots nang nakita na nya ko papalayo na sa room namin

"Sa lugar na walang asungot" sigaw ko rin kasi nagtitilian parin ang putek na mga studyante na yan mga letse sila

Natawa nalang si tots

Alam ko napag-usapan na namin yong tungkol sa selos na yan pero hirap e yong tipong inaaasar yong girlfriend mo sa iba pero wala kang magawa? Kundi masaktan nalang ng palihim dahil hindi mo pwede sabihing sakin yan!

Hindi naman nila alam na naooffend ka or nasasaktan ka kasi wala naman silang alam at kung may alam man sila wala din silang paki-alam dahil hindi naman tanggap sa society na to ang gantong relasyon

Nakaka inis lang talaga

"Kuya raul pwede na ba umuwi? Wala naman ginagawa e?" Tanong ko sa guard namin

"Naku hindi pa pwede mapapagalitan ako kung magpapalabas ako ng school hrs" tumango nalang ako at tumalikod palayo sa sakanya

Umupo nalang ako sa bench para dito nalang magbasa

Medjo tanaw ko parin yong nagpapractice pero hindi ko na naririnig yong tilian kasi malayo ako

Habang tumatagal pagbabasa ko bumibigat ang talukap ng mata ko

Naghihikab na ko at napapapikit na, bumibigat na din ulo ko

Hinubad ko yong bag ko, humiga ako sa bench at ginawa kong unan ito

Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa hanggang napapikit na ko nang tuluyan

"Baby your my destiny
You and I were meant to be
With all my heart and soul
I give my love to have and hold
And as far as I can see
You were always meant to be my destiny"

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon