Naalimpungatan ako nang may tumatapik sa balikat ko.
Nakahiga lang ako sa sofa namin gawa sa kawayan.
Kaya pagtayo ko, naiwan lahat ng marka sa katawan ko, pati din sa mukha.
Pupungas-pungas kong hinarap yung gumising sakin habang nirarub ang mata ko.
"May naghahanap sayo tatlong magandang babae." sabi ni kuya Luigi, pinsan ko.
Kumikinang pa ang mga mata n'ya, basta talaga babae.
"Sino daw?" Tanong ko.
"Mga kaklase mo daw," sagot n'ya.
Tumayo ako, pumunta sa labas ng bahay namin.
Napaayos ako bigla. Bigla rin akong naconscious sa itsura ko.
"Morning, hahaha!" Natatawang sabi ni Jaycel.
Hapon na kasi at halatang kagigising ko lang.
Sabog sabog pa ang buhok ko, hindi ako sigurado kung may muta at panis na laway sa mukha ko
"Anong ginagawa nyo dito? Saka, sabi ng pinsan ko tatlong magandang babae daw? Eh apat kayo d'yan?" Sabi ko habang sinusuklay ng daliri ang buhok ko.
Natawa naman sila tapos tumingin kay Emnas.
"Hindi daw kasi ako maganda brad, pogi daw kasi ako."
Natawa ako ng bahagya, "talaga? Sino may sabi?"
"Mama ko." Sabi ni Emnas, inirapan pa ko. Sabay sabay pang yung tatlo.
"Hindi mo ba kami papasukin Deans?" Tanong ni Pauline.
Kumamot ako sa ulo ko, hindi ko alam kung papasukin ko ba sila sa pangit naming bahay at madumi pa.
"Ano na? Nakakangalay kaya dito sa labas," sabi ni vice.
Ang taray talaga n'ya. Pero ewan, nakakadagdag yun ng appeal n'ya. Lalo syang gumaganda sa paningin ko.
"Nakakahiya kasi, pangit bahay namin. Saka,... madumi pa." Nahihiyang sabi ko, napayuko ako at napakamot sa ulo.
"Okay lang 'yan. Bahay parin naman 'yan." Sabi ni Paulin, hinawakan n'ya ang kamay ko sabay hila sakin papasok sa loob ng bahay. Bahay kubo kung tawagin namin.
Kumamot ako sa kilay ko nung pasadahan nila nang tingin ang buong bahay.
Pagpasok mo sa bahay namin, sala agad makikita mo. Yung sofang kawayan na ginawa ni tatay at may single na upuan din na gawa rin sa kawayan.
Isa lang ang kwarto, nandun lahat ngdamit namin. Si ate ko lang natutulog dun kasama ang baby n'ya.
Ako, sa sala natutulog. Kasama ang dalawang kapatid kong lalaki pati narin ang tatay namin.
Yung nanay ko naman, stay in s'ya sa maynila, kasama yung pangalawang ate ko. Kasambahay sila dun, minsan lang silang umuwi.
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?