Chapter 7

4.1K 139 4
                                    


Pagpasok ko ng classroom namin nagulat ako kay Fhen, nakapang lalaking gupit kasi sya.

Magkatabi na kami ng upuan simula nung maging close ko sila.

Si Cy ang unang tumabi sakin pero dahil umiiwas na sya sa barkada ngayon, hindi ko narin sya nakakasama.

Pero masasabi kong okay parin naman kami. Bestfriend ko parin sya, labas ako kung ano mang isyo nila ni Jema.

Minsan tumatabi parin sya sakin lalo na kung may quiz, hahaha. Alam nyo na ang ibig kong sabahin.

"Bakit ka naman nagpagupit ng ganyan brad, Hahaha." Tanong ko kay Fhen, umupo ako sa tabi n'ya.

"Bakit hindi ba bagay?" Tanong nya sakin tapos sinuklay ng diliri ang buhok n'ya.

"Ok, naman. Kaso mukha ka ng lalaki." Sabi ko habang nilalabas sa bag ang notebook ko.

"Yun nga ang dahilan bakit ako nagpagupit, eh."

"Pogi naman ni Emnas," agaw atensyon samin ni Carlos. "Papagupit din ako ng ganyan, hahaha."

"Lesbian ka rin?" Mangha tanong ko.

"Bakit hindi ba halata?"

Umiling kami parehas ni Fhen, natawa si Carlos. Linapit nya mukha n'ya samin tapos bumulong.

"Oo. Lesbian ako at syota ko si Domingo. Wala sanang makaka alam ah? Satin satin lang 'to ah?"

Nagtinginan kami ni Fhen, sabay na napatango.

Bumalik si Carlos sa upuan nya, katabi nito si  Domingo, Dumating na kasi ang titser namin.

Tumingin ako sa kanila, napangiti ako kasi ang sweet nila. Hindi mo aakalaing  may something sa kanilamg dalawa, lalo na't alam ng lahat, magbestfriend lang sila.

Napaka bata pa nila para sa gantong relasyon pero napakatapang din nila para harapin 'yon.

Sana may tapang din akong harapin yung babaeng gusto ko at sana, magustuhan n'ya rin ako.

Tumingin ako kay vice, seryoso lang s'ya sa pagsusulat ng lecture namin. Nakapalumbaba ito, napansin kong palagi ng nakalugay ang buhok n'ya. Dati kasi lagi 'tong nakapony tail. Kakaiba yung awra ni vice, parang......

Tumingin sya, nginitian n'ya ko. Bigla kong iniwas ang tingin ko sakanya. Pakiramdam ko nag init ang pisngi ko, letse!

Nakita ko sa gilid ng mata kong nailing s'ya, hindi rin naalis ang ngiti sa labi n'ya.

Natapos ang apat na subject namin mula umaga hanggang tanghali at ngayon lunch na.

Hindi rin ako nagbreak binigyan lang ako ni Ponggay ng bisquit na binili n'ya. Laging ganun eksena namin, tinatanggihan ko naman, pero syempre pinipilit n'ya.

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon