Tinanggal ko pagkakayakap nya sakin hinawakan ko magkabilang pisngi nya at pinunasan luha nya
"Ano sinabi mo? Totoo ba narinig ko?" Ilang beses syang tumango
"Gusto din kita deanna" niyakap ko sya hindi ko napigilan luha ko
"Hindi ko na yata kakayanin kung hinayaan kita umalis ngayon tapos bukas may isang ponggay na naman magtatapat sayo tapos papatulan mo na naman" sabi nya sa pagitan ng hikbi nya
Napangiti ako nilayo ko sarili ko sa kanya para makita ko sya
"Anong ngingiti-ngiti mo jan" sabay irap sakin
"Hindi lang talaga ako makapaniwala na gusto mo rin ako jema" hinaplos ko pisngi nya
"Alam mo may namimiss akong tawag mo sakin" sabi nya
"Ano yong vice?" Tumango sya
"Mas masarap pakinggan kung may special na tawag ka sakin" ngumiti sya
"Ok tatawagin na ulit kita nang vice! Vice Ganda ko" sabay tawa
Kaya napalo nya ko at ngumuso pa sya
"Wag na nga inasar mo na naman ako" sabay talikod sakin
Ang pikon naman talaga ng baby ko
Wait baby ko na ba sya?
Paano magpigil ng kilig? Hahaha
Niyakap ko sya patalikod
"Thank you vice" bulong ko sakanya
"Saan naman?" Tanong nya
"Kasi gusto mo na ko" huminga sya ng malalim
"Sa totoo lang deanna hindi ko alam tong nararamdaman ko sobrang bago nitong lahat sakin! Basta ang alam ko lang ngayon ayaw kitang mawala na naman sakin! Kaya please dahan-dahanin lang natin ah?" Nirarub nya braso ko nakapulupot sa bewang nya
"Hmmm hihintayin kita! Hindi naman ako magmamadali e" siniksik ko mukha ko sa pisngi nya
"I love you, vice" tumango lang sya
Ok na sakin yon basta alam ko gusto nya din ako at inaalam pa nya sa sarili nya kung ano ba talaga nararamdaman nya sakin at kung ano sya
Ano yon pag-eexperimentuhan ka nya?
Ewan
"Vice Ganda ko" biro ko sakanya para matuon dun ang mga iniisip ko
Lumayo sya sakin at hinampas ako
"Ewan ko sayo! Uuwi na ko" sabay irap sakin
"Hehehe hatid na kita" umiling sya
"Sasakay ako baka kasi hinahanap na ko sa bahay e" tumango nalang ako
"Bye" sabay kiss sakin sa pisngi tapos bigla syang tumakbo
Napahawak nalang ako sa pisngi ko habang tinatanaw sya palayo
Nangiti nalang ako
-----------------------
"May kailangan ba kaming malaman? Dahil sobrang creepy na nyang mga ngiti mo" untag sakin ni jaycel magkatabi kami kumakain ng lunch
Wala pa kaming pinagsasabihan ni jema kung ano man meron samin ngayon
Umiling lang ako sakanya at sumubo nalang ng kanin ko
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?