Chapter 27

3.5K 133 16
                                    


Recognition day

Tulad last year kasama ko rin si nanay at tatay! Mas masaya si nanay at mas proud sakin kasi 1st honor ako ngayon

Si vice naman ok naman na kami pero hindi na katulad dati na sobrang sweet nya madalas dumedistansya na sya

Nagalit pa nga sya sakin nung hinintay ko sya sa room nila nung last day of school

Nagkibit balikat nalang ako siguro nag-iingat nalang sya

"Ok ka lang ba anak?" Untag sakin ni nanay tumango lang ako

"Sige na dun lang kami sa upuan ng mga magulang ah?" Tumango lang ulit ako

Pumunta na ko sa upuan kung nasaan ang mga kaklase ko may honor din

Di ba dapat masaya ako? Kasi heto na yong bunga ng hard work ko at yong pangako ko kay vice pero bakit parang mas masaya pa ko last year na nakakuha lang ng special award?

Siguro kasi dati nararamdaman ko na proud sya sakin kahit na magkaibigan palang kami noon pero ngayon? Hindi ko na sya maramdaman

Nandyan nga sya pero parang sobrang layo naman nya

Tinignan ko sya nakaupo na sya dun sa nakaassign sakanila

Nasa harap nya si jerome asungot napa-ismid nalang ako

Masaya silang nag-uusap samantalang sakin hindi manlang nya magawa ngumiti

Nakakainis magiging kaklase ko na pala si asungot next school year

Kahit malate akong mag-enroll hindi nila ako pwede ilagay sa lower section dahil top 1 ako samin

Nagstart na ang event tinawag na ang top section special award muna tapos mga may honors na mula 10 hanggang 1

Nung si vice na,mama nya kasama nya dati kasi papa nya nung nag 1st honor sya

Sobrang disappointed nga siguro ng papa nya at hindi ko rin napansin kasama nila ito

Section naman namin ang sunod na tawag 5 special award muna tapos kaming dalawang top honors

Nung ako na tinawag nagpilit si tatay na sumama sa stage gusto daw nya dalawa sila ni nanay magsabit sakin

Kitang kita ko kung gano kaproud ang parents ko sakin kahit sobrang hirap na maglakad ang tatay ko pinilit nya parin sumama samin para lang ipakita kung gaano sya kasaya para sakin

Tinignan ko si vice nginitian ko sya pero iniwas nya tingin nya sakin

Masakit pero iintindihin ko nalang siguro masyado lang talaga sya nadadala ng emosyon nya ngayon dahil galit sakanya ang papa nya

Nung natapos na ang event pinuntahan ko agad si vice para icongrats

"Vice" ngiti ko sakanya pero sya nakapoker face lang

Yayakapin ko sana sya kaso tinukod nya siko nya sa dibdib ko kaya lumayo nalang ako

"Congrats nalang deanna! Kailangan na naming umuwi! See you nalang next school year magkaklase naman tayo" paalam nya sabay tap sa balikat ko

Pinigilan ko sya sa braso nya

"Gusto ka daw makita ni nanay magcocongrats lang daw sya" tumingin sya sakin pero hindi ko mabasa kung ano sinasabi ng mata nya nakapoker face parin kasi sya

"Next time nalang siguro" binitawan ko na yong braso nya at tumango nalang ako

Tinanaw ko sya papalayo sakin

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon