Chapter 15

3.7K 140 13
                                    

Sakit ng ulo ko kaya nakayuko lang ako sa desk ko lunch na pero hindi ako makatayo para pumunta sa likod ng school kung san ako kumakain

Naramdaman ko may umupo sa tabi ko bumalik na siguro si tots naglunch siguro sya with celine

Si jema kaya kumain na? Isang linggo ko na rin sya hindi nakikita kasi masyado ata silang busy hindi rin sya tumatambay sa tambayan namin

"Bakit hindi ka pa kumakain?" Inaangat ko mukha ko para makita yong nagsalita

"Masakit ulo ko" yumuko ulit ako

Naramdaman ko naman hinamplos nya leeg ko

"Mainit ka deans umuwi ka na muna kaya?" Sabi nyang hawak parin leeg ko

"Kaya ko pa jema" mahina kong sabi

"Bakit kasi pumasok ka? Masama pala pakiramdam mo"

"Di ba sabi mo seryosuhin ko pag-aaral ko?" inangat ko na mukha ko para harapin sya

Nailing sya sabay irap sakin

Tumayo na ko pero pinigilan nya ko

"Saan ka na naman pupunta?" Hawak nya sa kamay ko

"Kakain na ko" tinignan ko lang sya

"Dito ka na kumain sabayan mo na ko" kumunot na lang noo ko

Bakit ba bigla nalang bumabait sakin si jema? Sana naman walang ibang ibig sabihin to kasi ayoko ng umasa at baka masaktan na naman ako

Umupo nalang ako ulit sya na kumaha nang baonan ko sa bag ko binuksan nya yon at nilagay sa harapan ko

Nilabas na rin nya baon nya at ulam nyang adobong manok tapos nilagyan nya ng ulam yong kanin ko

Pinahawak nya sakin yong kutsara ko

"Kain na" sabay ngiti sakin

Nakatulala lang ako sakanya hindi ko talaga alam bakit nya to ginagawa

Sumubo nalang din ako at nag-umpisa kumain

"Dito ka lang ubusin mo yan bibili lang ako ng gamot" sabay tayo nya

"Jema" pigil ko sakanya tinignan nya lang ako at yong kamay ko nakahawak sa kamay nya

Ako ba yong may sakit? bakit parang namumula rin sya?

"Ayos ka lang?" Imbis na may itatanong ako yon tuloy nasabi ko

"O-oo naman! sige na babalik agad ako" pero hindi ko parin binibitawan kamay nya

"Bakit ba kasi ang bait mo sakin ngayon?" Naguguluhan na ko! Gusto ko sana idagdag

Ngumiti sya

"Mabait naman talaga ako sayo ah?" Tapos hinamplos nya pisngi ko napa-upo tuloy ako ng deretso

"Sige na babalik ako promise" sabi nya bago umalis sa harapan ko

Tinuon ko nalang ulit ang pansin ko sa pagkain ko at niligpit ko iyon pagkatapos pati yong kay jema pinasok ko na rin sa lunch box nya

Hinahanap ko yong tubig ko wala pala akong dala kaya napatingin ako sa inumin ni jema iinumin  ko ba?

Wag baka magalit sya

Nakikipag-titigan ako sa tumbler nya hanggang sa may dumampot nun at binuksan

I Love You , GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon