Jema's POVbiglang syang bumitaw sa pagkakayakap nya sakin
Hiniwakan nya magkabilang balikat ko
Tinignan nya ko ng makabulahan parang ang lalim ng iniisip nya
"But you have a boyfriend" sabi nya
Kinagat ko ang labi ko, tyak magagalit sya pagsinabi kong pinagpanggap ko lang si jake
"Deans kasi ano" tinaasan nya ko ng kilay
"He's gay" nanglaki naman mga mata nya
"Bakla ang boyfriend mo?" Natawa naman ako
"Bakit may nakakatawa ba?" Hay naku sobrang seryoso talaga nitong ni deanna
"Wala! Ano kasi oo bakla sya but ano" arrrrggg hindi ko masabi alam ko magagalit sya
"Ano?!!" Napapikit ako sa tanong nya
"Hindi ko sya boyfriend" binitawan nya balikat ko
"Pero boyfriend mo pakilala nya?" Humawak ako sa noo ko
"Don't tell me pinagpanggap mo syang boyfriend mo?" Kumagat ulit ako sa labi ko
Ayan na nagbabago na expression ng mukha nya
Kumukunot na noo nya nagsasalubong na ang makakapal nyang kilay
Ganyang-ganyan sya pag nag-uumpisa na syang magalit sakin eh
Anong gagawin ko?
"Ano? Sumagot ka?" Pumitlag naman ako sa paglakas ng boses nya
"Sorry deans" iniiwas ko ang tingin ko sakanya, ang sakit eh!
"Syet so totoo nga?" Sumigaw sya
"Hindi mo alam kung ano klaseng sakit nararamdaman ko kanina habang tinitignan ko kung gaano ka kaproud habang nagkukwento sya sa achievement nya na kahit kelan hindi mo pinakita sakin? Tapos sasabihin mo ngayon pinagpanggap mo lang sya? Para ano? Para saktan ulit ako?hanggang kelan mo ba ko balak saktan? Hanggang kelan ba ako makakalaya sa sakin na binibigay mo sakin jema?" Tumulo bigla luha ko
Ramdam na ramdam ko lahat ng sakit na dala-dala nya
Hindi ko naman ginusto at sinadya pero hindi ko sya masisisi dahil yon talaga naparamdam ko sakanya
"Hindi naman yon ganun deans" hinahawakan ko kamay nya pero iniiwas nya
"Baka kasi may iba kana kaya gusto ko lang sana isalba sarili ko sainyo, sayo para hindi nyo isipin na hanggang ngayon hinihintay parin kita at ayaw kong magmukhang tanga kasi may girlfriend ka na pala" umiling sya
"Bullshit hanggang ngayon selfish ka parin" aray naman masyado naman akong tinamaan dun
Pero bata pa ko noon wala akong choice kung hindi piliin ang sarili ko
Hindi ko pa kaya tumayo sa sarili kong mga paa
"You know what jema, dapat pinanindigan mo nalang wala rin naman magbabago kung boyfriend mo nga sya o hindi eh kasi hanggang ngayon nandito parin lahat ng sakit na binigay mo sakin" sabi nyang dinuduro ang puso nya
Pinagmamasdan ko lang sya hindi na sya yong deanna na sobrang understanding pagdating sakin
Makikita mo sa mga mata nya lahat ng bigat at sakit ng pinagdaanan nya
Hindi ko naman sya masisisi dahil ako ang isa sa dahilan bakit sya nagkaganyan
"All this years napaka selfish at napaka insensitive mo parin" kinagat ko ang pang-ibabang labi ko
BINABASA MO ANG
I Love You , Goodbye
FanfictionMangangarap ka pa ba? Kung yung kaisa-isa mong pangarap, nawala na?