KH 20

720 31 1
                                    

"Hey, Ashley, it's 6:30 AM. First day mo sa Kaisei High, kaya bumangon ka na d'yan."

"Five more minutes, Dad," ungol ko habang pilit kong sinisiksik ang sarili ko sa comfort ng aking kumot.

"Cold water or five more minutes?" banta ni Dad mula sa labas ng kwarto.

"'Eto na nga eh, babangon na nga po!" Reklamo ko habang tumayo nang matamlay mula sa kama at dumeretso sa C.R. Napakalamig pa ng sahig kaya napakagat-labi ako. I can't believe I'm transferring to that school full of weirdos. Gusto ko lang ng normal na buhay, tapos eto ako ngayon, papasok sa mundo ng mga immortals. Kasalanan 'to ni Dad!

Naalala ko 'yung nangyari kahapon, sa office ni headmistress:

"Ms. Grey, would you like to study here?" tanong ng headmistress. Nakaupo kami sa office niya matapos akong magpaalam kay Claire, 'yung weirdo na 'yun.

I was about to say no, pero hindi na ako nakaimik nang biglang sumagot si Dad. "Of course, my daughter will." Aba, aba!

"Dad, ako 'yung tinatanong!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Ako naman talaga 'yung tinatanong, tapos bigla siyang sasagot para sa'kin?

"Alam ko namang 'yun din ang isasagot mo," sagot ni Dad na para bang siya na ang may hawak ng buhay ko. Alam kong nasabi niya na sa'kin ito in advance, pero iba parin pala kapag naandito na. Gusto ko na agad umatras.

"My God!" na lang ang nasabi ko, dahil alam kong kahit ano'ng gawin ko, pipilitin pa rin ako ni Dad na dito mag-aral.

"Okay, here's your schedule." Iniabot ng headmistress ang isang envelope habang tumatawa.

"Nand'yan na rin 'yung dorm number, mapa, at susi. Heto 'yung uniform," dagdag pa niya sabay abot ng isang paper bag.

"Good luck," bati n'ya na parang napaka-excited niya sa mangyayari sa'kin.

"P'wede bang 'di muna ako sa dorm matulog?" tanong ko, umaasang hindi ako pipilitin agad.

"Of course. But bukas dapat sa dorm ka na. Tomorrow is your first day, iha," sagot niya nang walang kaabog-abog.

"Thanks," wala na akong nagawa kundi tanggapin ang kapalaran ko.

"Welcome," sagot niya na para bang ang gaan-gaan ng sitwasyon.

Napapailing na lang ako. Nung nasa mortal world pa ako, gusto ko lang talaga makapunta rito para makita sila Yelena, pero hindi para mag-aral dito, for Pete's sake! Ang hirap maging anak ng isang professor.

"NILAMON KA NA BA NG INIDORO, ASHLEY?" Sigaw ni Dad mula sa kusina, pilit akong binabagsakan ng sense of urgency.

"YES, DAD! MALAPIT NA!" sagot ko, pilit na tinatago ang inis habang tinatapos ang paghahanda sa sarili.

Lumabas ako ng C.R. at isinuot ang uniform ng school. Tumapat ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Mukha namang okay 'yung uniform. White blouse, yellow vest, black skirt, at black socks na below the knee. Medyo classic ang dating, pero decent. Napansin ko rin ang nameplate na nakadikit sa vest ko, nasa may chest part, "Ashley Grey."

Bakit nga ba pinili ni Dad ang pangalang ito? Maganda naman 'yung una kong pangalan, pero siguro kailangan ng bagong identity.

"Morning, Dad!" bati ko kay Dad nang bumaba ako sa kusina. Nandoon siya, umiinom ng kape, mukhang chill na chill habang ako, stressed na agad-agad.

"Good morning, princess! Kumain ka na, at anong oras na!" sabi niya na parang walang urgency sa boses niya kahit na 7:42 na.

"Bye, Dad!" Kinuha ko na 'yung bag ko at lumabas ng bahay. Nagmamadali na ako, pero at least malapit lang 'yung school sa office ni Dad. He works here, after all, so may konting advantage sa akin.

Naglalakad ako ngayon sa hallway, tahimik, at may iilang estud'yante akong nakakasalubong. 'Yung iba, mukhang nasa rooms na nila dahil konti lang 'yung nakikita kong dumadaan. I decided to pass by the library muna para hanapin 'yung history book ng school. Na-memorize ko na 'yung mapa na binigay sa'kin ni headmistress, kaya hindi ako maliligaw.

Mahirap na lalo na't hindi ko palaging makakasama sila Yelena. Ayokong mag-depend sa kanila, kaya better na aralin ko na agad ang pasikot-sikot dito.

Pagkatapos kong hiramin ang libro, pumunta na ako sa room na nakalagay sa schedule ko: 4A7.

Naglakad ako papunta sa 4th floor.

4A3... 4A4... 4A5... 4A6...

"At last." Nakatayo na ako sa harap ng room at kumatok nang marahan.

"Yes?" tanong ng teacher na nasa harapan. Mukhang nasa early 30's na siya, reminding me of my first day at Wenester University. Parang deja vu.

"New student po," sagot ko.

"Class, meet your new classmate. Kindly introduce yourself, iha," sabi niya kaya humarap ako sa mga magiging classmates ko, inhaling deeply before speaking.

"Ashley Grey, 20." Diretso at seryoso kong pagpapakilala. Grabe, ang tanda ko na pala! Most students here look much younger.

Maya-maya pa, may nagtaas ng kamay. "Alam na po ba ni Ms. Grey 'yung Meiz n'ya?" tanong nito. "Meiz" is their term for magic here in the immortal world.

"Not yet, Ms." sagot ko, kahit deep down alam ko naman. Hindi ko lang pwedeng ipaalam sa kanila, too dangerous, and I don't want to drag unnecessary attention.

"Okay, you may take your seat, Ms. Grey."

"Thank you, sir."

Naghanap ako ng pwesto at umupo sa bandang kanan, sa tabi ng bintana, sa pinakadulo. May mga bakanteng upuan pa rito—anim, plus 'yung katabi ko, kaya seven in total.

First day ko ngayon dito sa Kaisei High, and I hope I can survive this strange new world.

~

Kaisei High: Not So Ordinary School [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon