Chapter 2

3.1K 59 9
                                        

Chapter 2

Hindi maiwasan ni Lux na mapangiti habang nakatingin sa restaurant niya na nagkakaroon na ulit ng buhay.

Limang taon na ang nakalipas simula nang mabilanggo siya kasama ang kan'yang mga kasamahan sa gang.

Isang gabi, ni-raid ang kanilang hideout at wala siyang nagawa kundi ang kusang isuko ang kan'yang sarili dahil alam niyang wala siyang laban.

Nabilanggo siya ng limang taon upang linisin ang mga kasalanan na kan'yang nagawa at hindi niya pinagsisihan ang pangyayaring iyon, kasi dahil doon, may natutunan siyang leksyon sa buhay. 'Yun ay ang mas masarap mabuhay kapag alam mong wala kang naaagrabyado.

At dahil sa kagustuhan niyang makalaya, nagpakabuti siya sa loob hanggang sa nabigyan na nga siya ng pardon. At heto na siya ngayon, patuloy na lumalaban... patuloy na inaayos ang kan'yang buhay.

"Babe, where am I going to put this?" pukaw sa kan'yang atensyon ng babae na ngayon ay nakaangkla ang kamay sa kan'yang braso.

Tiningnan niya ito tsaka nginitian. "Doon na lang siguro sa may counter," sagot niya sa babae habang nakatingin sa hawak nitong pusa na nagbababa-taas ang kamay.

"Okay, babe," sagot nito sa kan'ya at pagkatapos ay naglakad na ito patungo sa may counter.

Napatitig siya sa babae na naglalakad papalayo sa kan'ya, sa kan'yang kasintahan.

She is Asyneth Miranda. Cute, mabait at maalalahanin. Binago nito ang buhay niya, pero kahit ganoon, hindi nito magawang baguhin ang nilalaman ng kan'yang puso.

He met her in a grocery store, one year ago. Nakita niya itong pilit na kinukuha ang isang pack ng napkin na nakalagay sa may pinakamataas na bahagi ng isang stall.

Hindi kasi katangkaran si Asyneth kaya malabo talagang makuha niya iyon, at dahil naaawa siya sa hitsura nito no'ng mga oras na iyon, siya na lang ang kumuha sa napkin.

Bilang pasasalamat nito sa kan'ya, niyaya siya nitong kumain ng lunch at dahil naghihirap pa siya noon at dahil may taglay din siyang kalandian, pumayag siya.

Syempre, tatanggihan niya ba naman ang grasya? E, hikahos na hikahos pa siya nang panahong iyon dahil halos kalalaya pa lamang niya sa kulungan, dumagdag pa ang pagbagsak ng restaurant niya kaya hirap na hirap talaga siya noon.

At mukhang hulog talaga ng langit si Asyneth sa kan'ya, dahil tinulungan siya nitong makabangon. Nag-invest ito sa restaurant niya, nagpa-advertise sa radyo at pati na rin sa diyaryo, at hindi na nga naiwasan na magkapalagayan sila ng loob.

Niligawan niya ito at kaagad din naman siyang sinagot ng dalaga. Hanggang sa ito na nga, magkasintahan na sila. Pero kahit ganoon, hindi niya magawang sabihin sa kan'yang kasintahan ang salitang 'Mahal kita' at alam niya ang dahilan kung bakit hindi niya iyon masabi kay Asyneth, 'yun ay dahil nasa puso pa rin niya si Light.

Ano na kayang balita sa kan'ya?
Iwinaksi niya sa kan'yang isipan si Light at tinitigan niya si Asyneth. Sa ngayon, sa kan'ya ko muna ibubuhos ang buong atensyon ko.

"Babe, tingnan mo oh! Ang dami na nating customer," masayang wika sa kanya ni Asyneth habang nakatingala sa kan'ya.
Nginitian niya ito pagkatapos ay bahagya niyang ginulo ang kulot nitong buhok.

"Dahil kasi sa 'yo, ikaw ang swerte ko... at ng restaurant na ito," sabi niya pagkatapos ay inakbayan niya ito at iginiya papunta sa loob ng kitchen.

"Ang sweet talaga nina sir at ma'am, 'no?"

"Oo nga, bagay na bagay talaga sila."
Dinig ni Asyneth na usapan ng kanilang mga restaurant crew. Mapakla siyang napangiti. Sana nga ganito kami palagi.

Ramdam niya kasi na hindi buo ang pagmamahal sa kan'ya ni Lux, nadarama niya na nasa puso pa rin nito ang dati nitong kasintahan.

"Babe, is there a problem? Parang lumungkot ka bigla," tanong sa kan'ya ni Lux.

Tipid niya itong nginitian. "I'm just so in love with you, kaya ganito ako... I love you, babe," sabi niya sa binata ngunit isang tipid na ngiti lang ang itinugon nito sa kan'ya.

Napahinga siya nang malalim at mapait siyang napangiti. I'm acting this way, because I love you. Hindi niya maiwasang malungkot sa isiping may posibilidad na iwanan siya ni Lux kapag nakita muli nito ang dating kasintahan.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon