Chapter 23
PALAKAD-LAKAD sa loob ng kwarto ni Light sa loob ng ospital si Xenon kung saan naka-admit ang kanyang asawa na bigla na lamang nawalan ng malay kanina sa gitna ng kanilang komosyon.
Mabuti na lamang at mabilis ang kilos niya kanina, kaagad niya itong nasalo bago pa ito tuluyang bumagsak sa sahig.
"Sir, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" tanong sa kanya ng doktora na tumingin sa asawa niya.
"I am her husband." pagpapakilala niya at tumingin siya sa asawa niyang natutulog.
Nginitian siya ng doktora. "Wag po kayong mag-alala mister, your wife and your little one is safe.."
Namilog ang kanyang mga mata sa tinuran ng doktora. "She's pregnant?!"
"Yes sir, she's almost two weeks pregnant.. excuse me mister, I've got to go." sabi nito at naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Maybe she is not really for me..
Maybe she just pass by in my life..
Maybe we are not really meant for each other..
Nawika niya sa kanyang isipan at naihilamos niya na lang ang dalawa niyang palad sa kanyang mukha.
"X-xenon.."
Ibinaba niya ang kanyang kamay at malungkot siyang tumitig sa kanyang asawa na kagigising lang. "You're awake."
"A-anong nangyari? bakit ako nandito sa ospital?"
"Hinimatay ka kanina."
"Bakit ako nawalan ng malay? anong sabi ng doktor?"
Huminga siya ng malalim at hinilot niya ang kanyang sentido. "You are pregnant Light." sabi niya at kitang-kita niya sa ekspresyon ng mukha nito kung paano ito nagulat sa rebelasyon niya.
So, all this time she doesn't know she is pregnant huh?
"And I know, I am not the father of your child.." dagdag niya pa at akmang babangon si Light mula sa pagkakahiga sa kama ng pigilan niya ito.
"Don't stress yourself, I will be fine.. just take care of the baby inside your womb." sabi niya at malungkot niya itong nginitian.
Humagulhol sa pag-iyak si Light sa kanyang harapan.
And seeing the love of his life, crying in front of him, makes his heart breaks even more..
"Light, stop crying." sabi niya pagkatapos ay lumapit siya dito at marahan niyang hinagod ang likuran nito.
"X-xenon, sorry.. sorry sa ginawa ko." paghingi nito ng tawad sa kanya.
"I'll be fine, I will try my best to be fine.." sagot niya at mapakla niya itong nginitian.
"S-sorry sa sakit na dulot ko sa iyo." sabi ni Light at niyakap siya nito.
Niyakap niya ito pabalik. "Alam mo namang hindi ko kayang magalit sa iyo, mahal na mahal kasi kita.."
Kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya si Light. "You don't deserve a woman like me, I shattered you in so many pieces."
"Atleast I am the one who's bleeding, not you.."
Malungkot siyang tinitigan ni Light. "Bakit ang bait mo pa rin?"
"Because, I love you."
"I am letting you go Xenon, please.." pagtataboy nito sa kanya at tila dinudurog ang kanyang puso habang unti-unti itong dumidistansya sa kanya.
Ngunit kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang tibayan ang kanyang loob.. kailangan niyang patuloy pa rin siyang lumaban sa hamon ng buhay kahit pa nga pilit siyang inaapi ng mundo.
Umalis siya sa tabi ni Light pagkatapos ay kinuha niya ang brown envelope na nakapatong sa may couch. pagkatapos ay muli siyang lumapit kay Light at iniabot dito an brown envelope.
"A-annulment papers." sabi niya pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin dito.
Ganito pala ang pakiramdam ng makipaghiwalay sa taong ayaw mong mawala sa buhay mo.. ngunit kailangan mong palayain ito dahil alam mo na hindi siya sa iyo sasaya. malungkot na wika niya sa kanyang isipan.
Tumingin si Light sa kanya. "Pinapalaya mo na ako?"
Humugot siya ng malalim na hininga. "O-oo, ng maramdaman ko na wala na talaga akong pag-asa sa iyo.. ng maramdaman ko na mahal mo pa talaga ang ex mo, ipinaayos ko kaagad ang annulment papers natin sa abogado ko. kahit masakit Light," sabi niya pagkatapos ay itinuro niya ang tapat ng kanyang dibdib. "Handa akong palayain, para maging maligaya ka lang." dagdag pa niya.
"X-xenon.."
"P-pirmahan mo na, ako na ang bahalang magproseso.. p-para tuluyan ka ng maging malaya." sabi niya at kitang-kita niya na walang pag-aalinlangan na pinirmahan iyon ni Light.
Napakasakit.. sobrang sakit..
Nang mapirmahan ni Light ang annulment papers ay iniabot na iyon nito sa kanya.
Malungkot niya itong nginitian pagkatapos ay hinalikan niya ang noo nito. "Tandaan mo, mahal na mahal kita.. siguro kaya ka mabilis na mawawala sa akin, kasi mabilis ka ding napunta sa akin. dapat pala noong unang pagkikita natin hindi kaagad kita niyayang magpakasal, sana'y akin ka pa hanggang ngayon." sabi niya at akmang lalabas na siya ng kwarto ng hawakan ni Light ang kanyang kamay.
"A-ang wedding ring natin.." sabi nito sa kanya.
"Keep it, para sa iyo talaga iyan.. iyan na lang ang maiiwan kong ala-ala sa iyo, kaya please.. wag mo ng ibalik sa akin." sabi niya at parang may mabigat na bagay ang nakalagay sa kanyang paa ng talikuran niya si Light at ng mag-umpisa na siyang maglakad papalayo dito.
"Mahal kita, pero alam kong hindi ka sa akin liligaya.." bulong niya sa hangin at hindi niya napigilan ang pagtulo ng likido mula sa kanyang mga mata ng mapatingin siya sa hawak niyang brown envelope.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
