Chapter 25

1K 16 1
                                        

Chapter 25

RAMDAM NA RAMDAM ni Light ang malamig at ang nakakailang na simoy ng hangin sa loob ng kwarto nila ni Xenon habang isa-isa niyang inilalagay ang kanyang mga gamit sa bagahe.

"Mawawala ka na talaga sa buhay ko." malungkot na wika sa kanya ni Xenon habang pinapanuod nito ang ginagawa niyang pag-iimpake.

Hindi niya magawang tumingin kay Xenon dahil hindi niya kayang makita ang lungkot na nakabalatay sa mukha nito na siya ang may kagagawan.

Nang wala itong narinig na salita mula sa kanya ay naglakad na ito papalabas ng kwarto at amoy na amoy niya ang alak sa buong katawan nito ng dumaan ito sa kanyang tagiliran.

Nais man niya na ito ay habulin, pagsabihan na wag ng uminom ng alak ay hindi niya iyon ginawa dahil sigurado siya na kapag ginawa niya iyon ay mas lalo lang itong masasaktan dahil mararamdaman nito ang pag-aalala niya.

"Makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sa iyo ng totoo." bulong niya sa hangin at ng matapos niya ng ilagay ang kanyang mga gamit sa kanyang bagahe ay lumabas na siya ng kwarto at naglakad patungo sa salas kung saan naghihintay ang malaking pintuan sa kanyang pag-alis.

Nilinga-linga niya ang paligid ng kanilang bahay at sinariwa ang mga masasayang alaala na nabuo nila ni Xenon.

Napahinga siya ng malalim bago siya tuluyang lumabas ng bahay.

Paalam Xenon, salamat dahil naging parte ka ng buhay ko.. wika niya sa kanyang isipan habang isinasara ang pinto na kanyang nilabasan.

ILANG ORAS na simula ng umalis ng bahay si Light ay narinig ni Xenon ang malalakas na katok mula sa pinto ng kanyang salas. at sa isipin na si Light iyon, ay kaagad siyang naglakad patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa taong bumungad sa kanya pagkabukas niya ng pinto. na walang iba, kung hindi ang lalaking ipinagpalit sa kanya ni Light.

"Where is she?" tanong nito sa kanya.

Umiling-iling siya pagkatapos ay nginisian niya ito. "I don't know, she left me an hour ago."

"What?!" namimilog ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Don't tell me, hindi mo alam na umalis na siya dito sa bahay ko? poor man." sarkastisko niyang wika.

Akmang susuntukin siya nito ngunit nagsalita siya kaya ibinaba nito ang nakakuyom na kamao. "Pwede kitang kasuhan kapag ginawa mo iyan.. inagaw mo na nga ang asawa ko, pagkatapos susuntukin mo pa ako? how could you."

"Where did she go?" kalmado nitong tanong sa kanya.

"Ewan ko. maybe she realized that she doesn't want you anymore, that's why she left.." sabi niya pagkatapos ay malakas niyang isinarado ang pinto.

NAG-UUMIGTING ang panga ni Lux ng padabog siyang pinagsarhan ng pinto nang asawa ni Light. correction, ex husband.

Sinipa niya ng malakas ang pinto bago siya umalis sa harapan noon at naglakad na patungo sa kanyang sasakyan.

"Nasaan ka ba Light?" tanong niya sa kanyang sarili bago niya pinausad ang kanyang kotse patungo sa restaurant ng babaeng kanyang minamahal.

Ilang minuto lang ang iginugol niya sa byahe ay kaagad siyang nakarating sa restaurant ni Light.

Kaagad siyang bumaba ng kanyang kotse pagkatapos ay lumapit siya sa guwardiya. "Excuse me manong, itatanong ko lang po kung nandyan sa loob ang owner nitong restaurant?"

"Ayy naku sir! wala po eh, ano po bang kailangan niyo kay ma'am?"

Tipid niya itong nginitian. "Nothing, alam niyo po ba kung saan ko siya maaaring matagpuan?"

Tumingala ang guwardiya, anyong nag-iisip. "Try niyo po sir sa Watsons, doon po siya madalas tumambay dahil bumibili po ng pang-make up si ma'am o di po kaya ay sa baywalk, madalas po iyong manuod ng sunset eh."

Nginitian niya ang guwardiya pagkatapos ay mahina niyang tinapik ang balikat nito. "Sige manong, salamat po." sabi niya at nagtungo na siyang muli sa kanyang sasakyan at pinasibad niya iyon patungo sa SM na malapit sa restaurant ni Light.

Nang makarating na siya sa may SM ay ipinarke niya lang ang kanyang kotse pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa loob ng mall.

"Miss, saan dito ang Watsons?" tanong niya sa babaeng nasa may information area.

"Ah, eh sir.. doon po sa tees." sagot sa kanya ng babae at halatang nagpapa-cute ito sa kanya.

"Thanks." sabi niya at naglakad na siya patungo sa ikalawang palapag ng mall kung saan naroon ang Watsons store.

"Ayy! am pogi naman niyan!"

"Kuya! may try me din ba yang lips mo?"

Dinig niyang wika ng ilang babaeng costumer sa loob ng Watsons ng makapasok na siya.

Nilinga-linga niya ang paligid sa pagbabaka-sakali na makita niya doon si Light. at ng hindi niya makita doon ang babaeng mahal ay bagsak ang kanyang balikat ng naglakad siya palabas ng mall.

Pagkalabas niya ng building ay kaagad siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot iyon patungo sa may baywalk.

Sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ay mabilis siyang nakarating doon.

Lumabas siya mula sa loob ng kanyang kotse at naglakad patungo sa isang bakanteng upuan na katapat ng papalubog na araw.

Nilinga-linga niya ang paligid sa pagnanais na makita si Light habang dinadama ang amihang hangin na dumadampi sa kanyang mukha.

Ngunit kagaya kanina, ay hindi niya muling nakita si Light. napahinga siya ng malalim at napahawak sa kanyang batok.

"Maaaring mapagod ang katawan ko, pero hindi susuko ang puso ko sa pagmamahal sa iyo, hahanapin kita Light.. mahal ko, at sana sa pagkakataong ito ay mahintay mo ako." wika niya sa kanyang sarili habang hinihintay ang paglubog ng araw.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon