Prologue

8.4K 93 2
                                        

Prologue

"LIGHT! umalis ka na!" Madiing utos sa kanya ni Lux.

Nangangatal ang mga kamay ni Light habang nakahawak sa kumot na nakapulupot sa hubad niyang katawan.

"P-pero paano ka?" Naiiyak niyang tanong sa kanyang kasintahan.

Sinapo ni Lux ang kanyang mukha. "I'll be okay; I am going to be okay." Sabi nito pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang noo. "Umalis ka na, Light.'' Utos nito sa kanya at itinuro nakabukas na sliding window.

"Sumama ka na sa akin Lux!'' Pagkumbinsi niya sa kasintahan.

Umiling-iling si Lux. "Wanted ako, ikaw hindi.. Hindi ko hahayaang magulo ang buhay mo." sabi ni Lux pagkatapos ay itinulak siya nito palabas sa sliding window.

"Tandaan mo, mahal na mahal kita Light.. Babalikan kita." Punung-puno ng pagmamahal na wika sa kanya ni Lux bago nito tuluyang isinarado ang sliding window.

Kinatok niya ng kinatok ang bintana ngunit mukhang walang balak si Lux na buksan iyon..

Tumigil lang siya sa pagkatok sa bintana ng may pumasok na pulis sa kwarto. Isiniksik niya ang kanyang sarili sa may halamanan upang hindi siya makita ng mga ito.

"Mahal na mahal din kita... At hihintayin ko ang pagbabalik mo, mahal ko…" Bulong niya sa hangin at kasabay ng pag-alis ng mga sasakyan sa labas ay ang pamumuo ng likido sa kanyang mga mata.



Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon