Chapter 20

540 21 1
                                    

Chapter 20

Nakahiga sa sofa sa salas ng kan'yang bahay si Lux habang hawak-hawak ang bote ng Johnnie Walker nang padabog na lumapit sa kan'ya si Asyneth, inagaw nito sa kan'ya ang bote ng alak na hawak niya.

"Ayusin mo naman 'yang sarili mo, Lux!" singhal nito sa kan'ya at itinapon ang alak sa may labas ng bintana.

Malungkot naman siyang tiningnan ni Lux, naaawa siya kay Asyneth dahil patuloy pa rin itong nanatili sa tabi niya, ngunit ano bang magagawa niya? Mahal niya si Light, sobrang mahal niya, at alam niya sa sarili niya na hindi niya mapipilit ang kan'yang puso na ito na lang ang mahalin.

"A-Asyneth, please love yourself. Don't let me ruin your life," malungkot na pakiusap niya sa dalaga ngunit umarte ito na parang hindi siya naririnig. "A-Asyneth, please."

"Hindi kita kayang iwan sa ganitong sitwasyon," malungkot na sabi nito sa kan'ya habang hinahaplos ang kan'yang pisngi.

"Bakit?"

"Dahil hindi ko kayang nakikita kang  nahihirapan, mas gusto kong ako na lang ang nasasaktan keysa ikaw."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal kita, Lux, pero pagod na ako. Nananatili lang ako sa tabi mo dahil gusto kong makita na maging better ka."

Hinawakan naman ni Lux ang kamay ni Asyneth na humahaplos sa kan'yang pisngi.

"Hindi mo dapat nararanasan ito, napakabuti mong tao, Asyneth."

"Alam kong mabuti akong tao, at sa sobrang buti ko, handa akong magparaya, lumigaya ka lang."

"Asyneth."

"I'm okay, Lux, stop acting like you care for me."

"I really cared for you, I really do."

"If you really care for me, then why did you let me suffer into this kind of pain? And why can't you love me back? Bakit hindi na lang ako, Lux?"

"Asyneth... you already know the answer."

"You love her? At ako? Gusto mo lang ako," sarkastiko nitong sabi sa kan'ya.

"Asyneth, please go away from me. I am just a pain in the a*s, I'm setting you free. Babe, please," sabi ni Lux tsaka inalis ang kamay ni Asyneth na nakahawak sa kaniyang pisngi.

"Thank you for setting me free," sabi ni Asyneth habang nakangiti.

Hindi rin maiwasan ni Lux na mapangiti dahil sa sinabi nito. Kahit pala nasaktan niya ang puso ni Asyneth, hindi niya naman nasira ang pagkatao nito, birhen pa kasi si Asyneth at kahit ilang beses siyang nagkaroon ng pagkakataon na angkinin ang katawan nito ay hindi niya ginawa.

"Please be happy without me in your life."

"I'll try," bagsak ang balikat na sagot ni Asyneth. "May ball nga pala ang Montemayor next week, and the love of your life is expecting you to be there."

Ngumiti na lang si Lux at ngumiti, ngumiti rin naman si Asyneth at tsaka nagsimula nang lumakad papalayo kay Lux.

---
Nakakunot ang noo ni Xenon habang nakatingin sa kan'yang asawa na ngayon ay kumakain ng hilaw ng mangga, nangasim pa ang kan'yang mukha nang makita niya na isinasawsaw nito iyon sa gatas.

Mukhang sarap na sarap ito sa kinakain, habang siya naman ay parang masusuka habang pinapanuod ang ginagawa nito.

"You're weird," puna niya sa kan'yang asawa, tinapunan naman siya nito ng masamang tingin.

"Paano mo nasabing weird ako?" tanong ni Light kay Xenon.

"Dahil diyan sa kinakain mo," sagot niya naman. Lumapit sa kan'ya si Light at iniuumang nito sa kan'yang mukha ang hilaw na mangga na may gatas.

"Try mo, m-mister ko, masarap," sabi nito, napansin ni Xenon na naiilang na ito na tawagin siyang 'Mister ko.'

"No thanks, misis ko," sabi niya, sinimangutan na lang siya nito tsaka lumakad na papalayo sa kan'ya.

She's very weird.

"Sir, mukhang naglilihi si ma'am, ah," sabat ng kanilang hardinera na nasa gawing likuran niya. Umikot siya paharap dito at inarkuhan niya ito ng kilay.

"Paano mo naman nasabi?"

"Ganyan din po kasi ako noong ipinagbubuntis ko ang panganay ko, madami akong pagkain na napapagtripan kong pagsama-samahin. at ang mood ko po, sir! Ay nako! Kahit ako, hindi ko rin maunawaan."

Nahigit niya ang kan'yang hininga dahil sa tinuran nito, napatulala na lamang si Xenon sa kan'yang naisip.

Paano mabubuntis ang asawa ko? Gayong hindi naman kami nagsiping simula nang umuwi ako galing Malaysia? Posible kayang...

Napasabunot siya sa kan'yang buhok dahil sa kan'yang naisip.

"No! This can't be!" sigaw niya, napamaang naman sa kan'ya ang kanilang hardinera at ang kan'yang driver.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" tanong sa kan'ya ng hardinera, naihilamos ni Xenon ang dalawa niyang palad sa kan'yang mukha.

Hindi... hindi buntis ang asawa ko.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon