Chapter 13
Nagising si Light nang maramdaman niya na may sumusuklay ng kan'yang buhok. Marahan niyang iminulat ang kan'yang mga mata at sumalubong sa kan'yang paningin ang gwapong mukha ni Lux.
"Good morning, beautiful," malambing na wika sa kan'ya ng binata.
"Good morning, handsome," sabi niya. Sabay naman silang napangiti pagkatapos.
Ganito rin silang dalawa dati, masaya at walang iniisip na kung ano-anong bagay, pero iba na ang sitwasyon nila ngayon.
Napalis naman ang ngiti sa mga labi ni Light nang bigla niyang maalala ang kan'yang asawa.
"Ómorfi, what's wrong?" tanong sa kan'ya ni Lux nang mapansin nito ang pagkawala ng ngiti sa kan'yang mga labi.
Umiling-iling naman si Light bilang tugon.
"Wala, naisip ko lang na limang araw na lang pala ang mayroon tayo," pagsisinungaling niya.
Hinaplos naman ni Lux ang kan'yang pisngi.
"Kaya sulitin na natin, bumangon ka na. May pupuntahan pa tayo."
"Saan naman? Tinatamad pa akong bumangon, e," tinatamad niyang wika tsaka sumiksik sa dibdib ni Lux.
"Kapag hindi ka bumangon, magbe-breakfast in bed tayong dalawa" pananakot sa ka'nya ni Lux, kaya dali-dali siyang bumangon sa kama.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Sa batis," tipid na sagot ni Lux sa kan'ya sabay bangon sa kama.
"Talaga? May batis dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Light.
"Yep, kaya halika na, όmorf," wika ni Lux sabay buhat kay Light. "Pero kakain muna tayo ng breakfast, ayokong magutom ang prinsesa ko, at pagkatapos nating kumain ay pupunta na tayo sa batis," dagdag pa nito, hindi naman maitago ang kasiyahan na nadarama ni Light habang buhat siya ni Lux palabas ng kwarto.
---
"Sir, nandito na po ang board of members," abiso ng sekretarya ni Xenon sa kan'ya.
"Sige, susunod ako. Tatawagan ko lang ang asawa ko," aniya tsaka idinial ang numero ng kan'yang asawa. Ngunit hindi niya ito makontak, puro 'Cannot be reached' ng operator ang kan'yang naririnig.
Bakit kaya?
"Sir, hinihintay na po nila kayo," muling paalala ng secretary ni Xenon.
"Susunod ako," sagot ni Xenon tsaka nagsimula nang lumakad papalabas ng kan'yang opisina. Nang makalabas na ang sekretarya ay muli niyang tinawagan ang kan'yang asawa ngunit hindi niya pa rin ito makontak. Dati naman ay palagi niya itong nako-kontak kapag magkalayo sila, tulad ngayon na nasa ibang bansa siya.
What if something bad happened to her? Naisip niya. At upang mabawasan ang kanyang pag-aalala ay tinawagan niya ang kapatid nito.
"Xenon, bakit ka napatawag?" bungad ni Night sa kan'ya.
"I just want to ask, alam mo ba kung nasaan ang asawa ko? Wala ba siya diyan sa inyo?" tanong niya rito. Alam niyang mahahanap nito ang kan'yang asawa dahil may tracking device ang suot nitong wrist watch na ito mismo ang naglagay.
"Wala siya rito. Wait, I'll check her location," sabi ng kapatid ni Light sa kan'ya, dinig na dinig niya pa ang pagtipa nito sa keyboard ng computer.
"Nasa Laguna siya, what is she doing there?" nagtatakang tanong sa kan'ya ni Night.
Biglang nabitawan ni Xenon ang kan'yang cellphone dahil sa sinabi ni Night, bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot habang iniisip niya ang kan'yang asawa na malayo ngayon sa kan'ya.
"Sir, kanina pa po kayo hinihintay ng board of members," sabi muli ng kan'yang sekretarya na hindi niya na namalayan na nasa loob na pala muli ng kan'yang opisina.
May tiwala ako sa asawa ko, alam kong hindi niya ako magagawang lokohin.
---
"Paano? Aalis na ako, mag-enjoy kayo," nakangiting wika ni Zetter sa kanilang dalawa ni Lux, kumaway-kaway pa ito bago sila tuluyang iniwan sa batis.
"Ano ang gagawin natin dito, Lux?" tanong niya sa lalaking nakayakap ngayon sa kan'ya.
"Sisisidin kita," nakangising tugon sa kan'ya ng binata.
"Ano nga kasing gagawin natin?" tanong ni Light kay Lux sabay kurot sa tagiliran nito.
"Aray! Ang brutal mo naman, baby!" reklamo naman ni Lux tsaka kumalas sa pagkayakap sa kan'ya.
"Ano nga kasi ang gagawin natin dito, e!" tanong niya muli at bahagya pang pinatulis ang kan'yang labi.
"Mamimingwit, tapos susulitin ang buong araw na tayo lang dalawa ang magkasama," sagot ni Lux, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo!"
"Aayusin ko ang mukha ko? Gwapo na naman ako, ah."
"G*go ka, hindi 'yan ang ibig kong sabihin," sabi niya tsaka inilagay ang kan'yang hintuturo sa tapat ng labi ni Lux.
"Ngumiti ka, hindi tulad ngayon na nakabusangot pa ang mukha mo," dagdag niya, ibinaba niya na rin naman ang kan'yang kamay pagkatapos.
"Hindi ko naman kasi maiwasan na malungkot, kaunti na lang ang natitirang araw para sa ating dalawa."
"Kanina lang, ayaw mong makita na malungkot ako. Pero ikaw naman itong nalulungkot ngayon," sabi ni Light, inarkuhan niya pa ito ng kilay.
"Hindi na nga po ako malulungkot, mahal na prinsesa," nakangiting wika ni Lux, pagkatapos ay iniabot nito sa kan'ya ang isang timba.
"Ano ang gagawin ko rito?" nagtatakang tanong ni Light sa binata.
Aba, tinawag ba naman akong prinsesa! Tapos aabutan ako ng timba?!
"Paglalagyan ng mga mahuhuli natin," sagot ni Lux sa kan'ya habang inihahanda nito ang fishing rod na gagamitin.
"At ano naman ang mahuhuli natin dito?"
"Puso ko," nakangising sagot ni Lux, kumunot naman ang noo ni Light upang itago ang kilig na kan'yang nararamdaman.
"Hipon tsaka tilapya ang mahuhuli natin dito, mahal na prinsesa."
"Talaga?"
"Yep, όmorfi. 'Yung hipon dito may sipit, para silang lobster."
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Light.
"Oo nga, halika rito sa tabi ko at panoorin mo ang omorfos mo kung paano mamingwit," sabi ng binata, kaagad namang tumabi sa kan'ya ang kan'yang ómorfi.
"Hindi tayo makakahuli nito," sabi niya at bahagya pang umiiling.
"Bakit naman hindi?" nagtatakang tanong ni Light sa binata.
"Dahil hindi ka nakayakap sa akin, όmorfi, sa 'yo kasi ako kumukuha ng energy upang maigalaw ko itong fishing rod," malanding wika ni Lux, at dahil may taglay din siyang harot, yumakap siya rito.
"Bakit gano'n? Kapag masaya tayo... ang bilis-bilis ng oras, pero kapag malungkot naman, ang bagal-bagal," sambit ni Light.
"Masaya ka ba ngayon?" tanong sa kan'ya ni Lux.
"Oo," pag-amin niya. Ibinaba naman ni Lux ang hawak nitong fishing rod tsaka humarap kay Light.
"Ako rin, masaya rin ako, at iniisip ko na sana... sana wala tayong hangganan," malungkot na sabi nito sa kan'ya habang nakatitig sa kan'yang mukha.
"Wala naman tayong hangganan e, pero may dulo."
"Hindi ako handa, Light, hindi ko kayang mawala ka sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin kapag narating natin ang dulo," malungkot na sabi nito sa kan'ya.
"Lux naman! Ito na naman tayo," malungkot na sabi ni Light, ngunit hindi pinansin ng binata ang sinabi niya.
"Mahal na mahal kita, Light," sinserong wika nito sa kan'ya. Gusto niya sanang tugunin ang binata, ngunit ayaw niyang gawin.
Iniisip niya pa rin kasi ang maaaring kahinatnan nilang dalawa kapag tinugon niya ang kataga nitong binitawan.
"Ómorfi, parang ayaw ko nang mamingwit. Parang mas gusto ko na lang sumisid," sabi ni Lux sa kan'ya habang kumikislap ang kan'yang mga mata.
"Sisidin mo na 'ko," tugon niya at kaagad na siniil ng halik ng binata, pagkatapos ay naramdaman niya na binuhat siya nito at inihiga sa madamong bahagi ng batis.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
