Dedicated to kwin_zel happy reading!
Chapter 9
MAAGANG UMALIS si Light sa kanilang bahay upang pumunta sa kanyang restaurant tutal ay isang linggo na wala ang asawa niya, ay itutuon niya na lang muna ang kanyang atensyon at oras sa restaurant niya.
"Good morning ma'am." nakangiting pagbati sa kanya ng guard ng kanyang restaurant.
"Good morning din ho." ganti niyang pagbati dito pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa kanyang opisina.
Nang makapasok na siya sa loob ng kanyang opisina ay ini-lock niya kaagad ang pinto at akmang iikot na siya paharap upang pumunta sa kanyang mesa ng may tao na nagsalita mula sa kanyang likuran.
"Geia sou agάpi mou.." Hello, my love. anang tinig mula sa kanyang likuran at kilalang-kilala niya kung sino iyon!
"Mou leίpeis όmorfi.." I miss you, beautiful. dagdag pa nito at nagsitayuan ang lahat ng balahibo niya sa kanyang katawan ng tumama ang hininga nito sa kanyang batok.
"L-lux.." sambit niya sa pangalan ng taong nasa likuran niya.
"The one and only Greek who loves to make love with you all night and day." mahinang wika nito sa kanya pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang magkabilang balikat upang iikot siya paharap dito.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata at dinig na dinig niya ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib habang magkaharap sila ngayon ng dati niyang kasintahan.
"Checking on you, όmorfi.." malambing na wika nito sa kanya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang kanang pisngi.
Hindi niya naman lubos na maunawaan ang kanyang sarili. dahil sa halip na magalit siya sa ginawa nitong paghalik sa kanyang pisngi ay tila gusto niyang gawin ulit iyon sa kanya ng binata.
"U-umalis ka na. baka madatnan ka pa ng asawa ko dito." sabi niya pagkatapos ay naglakad na siya patungo sa kanyang mesa.
"You can lie to everyone, but not to me.. baby." sabi nito habang nakatalikod sa kanya.
"I know your husband is not here, I know he is in Malaysia." dire-diretsyo nitong wika pagkatapos ay nakangisi itong humarap sa kanya.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "H-how did you know?"
"I have my ways, όmorfi." sagot nito at komportable itong naupo sa gilid ng kanyang mesa.
"Lux, utang na loob umalis ka na!" pagtataboy niya sa binata habang kino-compose niya ang kanyang sarili dahil naamoy na naman niya ang pabango nito na nakakapagpabaliw sa kanya.
"Why would I leave?"
"Dahil iyon ang gusto ko at iyon ang tama." madiin niyang sagot dito.
"Binibisita lang naman kita ah?" sarkastiko nitong sabi sa kanya.
"Wag mo nga akong paandaran ng kalandian mo Lux!" sigaw niya dito ngunit hindi man lang natinag sa kanya ang binata.
"Hindi kita nilalandi ah, ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan." nakangisi nitong sabi sa kanya.
"Lux, ano ba?!"
"Light, ano ba?" paggaya nito sa tanong niya at para na siyang maiiyak habang iniinis siya nito.
"Lux, ang gago mo!" nanggagalaiti niyang sabi sa binata at nagngangalit na ang kanyang ngipin dahil sa pang-iinis nito sa kanya.
"Alam ko."
"Nakakagalit ka na! bakit ba ayaw mo akong tigilan ha!" naiiyak niyang sigaw dito habang nakakuyom ang kanyang dalawang kamao.
"Alam kong galit ka, pero sa akin ka pa rin." sabi nito habang nakakalokong nakangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
