Chapter 1

6K 67 5
                                        

Dedicated to  rhazm0q0e03 thank you for reading and supporting my story!

Chapter 1

Pabagsak na umupo si Light sa sofa ng kanilang bahay pagkauwi niya mula sa kan’yang restaurant. Masyado siyang napagod ngayong araw dahil sa dami ng customer nila at idagdag pa ang kakulangan niya sa trabahador ngayon, kaya pati siya ay napilitang maging waitress, kahit na ang dami na ng kan’yang tinatrabaho.

“Misis ko,” anang tinig mula sa kan’yang likuran.

Nilingon niya ito pagkatapos ay tamad niya itong nginitian. “Mister ko,” tawag niya rito, lumapit naman ito sa kan’ya.

“Did you eat already? I cooked something for us to eat,” malambing na tanong nito sa kan’ya habang minamasahe ang kan’yang balikat.

Tiningala niya ito at nginitian, naisip niya na napakaswerte niya na s’ya ang kan’yang napangasawa.

Two years ago, nakilala niya ang kan’yang asawa sa isang restaurant, mag-isa itong nakaupo roon habang kumakain sa mesa at nagkataon naman na walang ibang bakanteng upuan sa restaurant maliban na lang sa isang upuan na nasa mesa nito.

Kaya kinausap niya ito at tinanong kung maaaring makiupo siya sa tabi nito… at kagaya ng inaasahan, pumayag itong ukupahin niya ang bakanteng upuan.

Pagkatapos ay nagkwentuhan sila at hindi naglaon ay nakapagpalagayan sila ng loob, hanggang sa niyaya siya nitong magpakasal.

At dahil sa kagustuhan niyang makalimutan si Lux– ang dati niyang kasintahan, ay agad siyang pumayag na magpakasal dito.

Mabilis, mabilis ang pangyayari sa kanilang dalawa. Ika nga ng iba ay whirlwind courtship, pero hindi niya na inisip iyon, dahil masaya naman siya sa piling nito at hindi niya pinagsisihan ang kan’yang naging desisyon.

“How’s your day, mister ko?” tanong niya rito.

“Good as usual. Ikaw ba, misis ko? Kumusta ang pagiging isang owner at manager ng isang restaurant?”

“Maayos din, mister ko, medyo masakit nga lang ang paa ko kasi madalas akong nakatayo,” daing niya sa kan’yang asawa at bahagyang itinaas ang kan’yang mga paa.

“I will massage it,” sabi ng kan’yang asawa, lumapit ito sa may paa niya at pagkatapos ay minasahe iyon.

“Thank you, mister ko,” nakangiting wika niya sa kan’yang asawa, hindi niya naman maiwasan na mapatitig sa gwapo nitong mukha.

Sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama ay hindi niya maipagkakaila na mahal niya na ito, ngunit kahit ganoon, alam niya na may puwang pa rin sa kan’yang puso ang dati niyang kasintahan… si Lux.

Hindi naman madaling kalimutan si Lux, lalo na at may pangako ito sa kan’ya na babalikan siya nito.

Pero nasaan na nga ba siya? Wala na akong naging balita sa kan’ya simula nang mangyari ang entrapment operation sa amin na kagagawan ng syota ni Zette, limang taon na ang nakakalipas.

Kabilang kasi siya dati sa isang grupo ng kilabot na magnanakaw dito sa Manila, ngunit hindi siya nakakasama ng mga ito sa pagnanakaw, dahil siya ay nanatili lamang sa kanilang hideout at nagsisilbing look out ng mga ito gamit ang kan’yang mga high technology gadgets.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon