Chapter 21

583 21 2
                                        

Chapter 21

Pretty and perfect!" pagpuri sa kan'ya ng asawa niyang si Xenon, punung-puno ng paghanga ang mga mata nito habang nakatingin sa kan'ya.

"T-Thank you," tipid niyang tugon dito. She's now wearing a long red evening gown with a low neckline, showing her cleavage and has a long slit up to her thigh.

Asyneth was right, the gown really suits her.

"Let's go?" pagyaya sa kan'ya ni Xenon, nginitian niya ito pagkatapos ay iniangkla niya ang kamay niya sa braso nito.

Habang naglalakad sila patungo sa may entrance hall ng kompanya kung saan gaganapin ang ball ay pasulyap-sulyap niyang tinitingnan ang kan'yang asawa.

"Misis ko, wear your half mask," utos nito sa kan'ya kaya isinuot na niya ang maskara at ganoon din naman ang ginawa nito.

"Ma'am and sir, this way please," bungad sa kanila ng receptionist at iginiya sila nito patungo sa may stage.

"Magsasalita ka sa harap ng maraming tao?" tanong niya sa kan'yang asawa. Umiling-iling naman si Xenon.

"You know I can't do that." Malungkot naman siyang tiningnan ni Light.

"Sorry," sabi niya pagkatapos ay naupo na sila sa may upuan sa may harap ng stage.

"Hello, ma'am and sir," nakangiting pagbati sa kanila ng sekretarya ng kan'yang asawa. Marahil ay ito na naman ang magbabasa ng speech ng asawa niya.

Minsan, kapag masyadong maraming kliyente ang kailangang kausapin ng kan'yang asawa, itong secretary niya ang nakikipag-meeting, pero kapag kakaunti naman ay ang asawa niya na ang nakikipag-meeting.

Kagaya noong dapat ay ito ang makikipag-meeting kay Lux, ngunit siya ang nakipag-meeting dahil inakala niyang babae ang magiging ka-meeting nito.

Napahinga siya nang malalim nang maalala niya na naman si Lux.  Nilinga-linga niya ang paligid sa pagbabaka-sakali na makita niya doon ang binata.

Dadalo kaya siya?


---
Malungkot na nakangiti si Asyneth habang nakatingin kay Lux na ngayon ay inaayos ang kurbata nito.

"You look good," papuri ni Asyneth sa binata, nginitian na lang siya ni Lux bilang sagot.

"Let's go?" sabi ni Lux at iniabot niya na ang kanilang invitation sa guwardiya bago tuluyang pumasok sa loob. "Asyneth."

"Oh?" nagtataka niyang tanong kay Lux.

"You look beautiful in your long black gown," papuri ni Lux sa kan'ya, kahit natutuwa si Asyneth sa sinabi nito ay pinigilan niya pa rin ang sarili na kiligin.

Nakakapagod na kasing umasa.

"...For the closing remarks, our CEO wants to say thank you to all of you, because you attended this event. God bless and enjoy the night, everyone," anang nagsasalita sa may stage, nagpalakpakan na rin naman ang mga tao sa loob ng hall.

Hindi naman magawang alisin ni Lux ang kan'yang paningin sa babaeng nakasuot ng pulang long gown na ngayon ay bumababa mula sa may entablado.

Hindi siya maaaring magkamali, kilalang-kilala niya ang babaeng iyon.

Si Light iyon.

"Lux, kain muna tayo," pagyayaya sa kan'ya ni Asyneth, ngunit nanatili pa rin siyang nakatitig kay Light na ngayon ay inaalalayan ng isang nakamaskarang lalaki. Marahil ay iyon ang asawa ng babaeng mahal niya.

Napabuntong-hininga na lang siya at napayuko, pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ni Asyneth.

"Sige, kain na tayo," sabi niya at lumakad na nga sila patungo sa reception area kung saan nandoon ang buffet.

"Please, Lux. H'wag kang sumimangot," sabi sa kan'ya ni Asyneth habang kumukuha sila ng pagkain sa may buffet area. "I sacrificed my happiness for you. So please, h'wag ka nang sumimangot."

"Fine," malungkot niyang sagot dito bago sila nagtungo sa may bakanteng round table. Saktong pagkatapos naman nilang kumain ay tumugtog na ang isang malamyos na musika sa loob ng venue.

Hinanap ng kan'yang paningin si Light at nakita niya na pumunta si Light at ang asawa nito sa may dance floor. Humarap naman siya kay Asyneth at nahuli niya ang lungkot na nakabalatay sa mga mata nito.

Marahil ay naiisip nito ang nasa isip niya.

"Pwede ba kitang isayaw?" tanong niya kay Asyneth, matamlay naman siya nitong nginitian.

"Sige," sagot nito kaya inilahad niya na ang kan'yang kanang kamay at tinanggap naman iyon ng dalaga kaya iginiya niya na ito patungo sa may dance floor.

When I first saw you, I saw love
And the first time you touched me, I felt love
And after all this time, you're still the one I love

Looks like we made it
Look how far we've come, my baby
We might took the long way
We knew we'd get there someday

They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together, still going strong.

Malungkot silang magkatitigan ni Asyneth habang umiindayog sila sa tinig ng musika.
"I want you to be happy, Lux," usal sa kan'ya ni Asyneth at no'ng chorus na ay nagsi-palitan na ng kapareho ang nasa loob ng dance floor, and he was totally surprised, dahil ang kasayaw niya ngayon ay ang babaeng ipinapanalangin niya na sana'y mayakap, mahawakan at makasama niyang muli.

You're still the one
You're still the one I run to
The one that I belong to
You're still the one I want for life
You're still the one.
You're still the one that I love
The only one I dream of.
You're still the one I kiss good night

"Agάpi mou (my love)," bulong niya rito, ramdam niya ang paninigas ng katawan nito, marahil ay nagulat sa kan'yang presensya.

"L-Lux."

"Did you miss me? Kasi ako... namiss kita," tanong niya kay Light habang iginigiya niya ito papalayo sa asawa nito na kasalukuyang kasayaw ni Asyneth.

"I-I miss you too, Lux," sagot ni Light, hindi na maitatanggi na parehas talaga sila ng nararamdaman sa isa't isa.

"Why did you leave me?" tanong niya rito pagkatapos ay hinapit niya ang beywang nito papalapit sa katawan niya.

"Dahil iyon ang tama," sagot nito at nagsi-palitan na muli sila ng kanilang mga kapareho. Marami pa siyang gustong itanong kay Light, ngunit iba na ang kapares nito sa pagsasayaw. Nang matapos ang unang kanta ay nilapitan niya si Asyneth at niyaya niya itong maupo muna.

"Siya 'yung kasayaw mo kanina, diba?" mapait na tanong sa kan'ya ni Asyneth.

"H-How did you know?"

"Kasi ako ang pumili ng design ng gown niya. Sobrang tanga ko, 'no?" sarkastikong sabi nito sa kan'ya. "This is the last time na makikita mo ako, have a happy life. G-Goodbye," dagdag pa nito at tumayo na ito mula sa kinauupuan pagkatapos ay naglakad na papalabas ng hall.

Alam niyang nasaktan niya nang sobra si Asyneth, alam niya ang pagkukulang at ang pagkakamali niya sa dalaga. At tama lang talaga na umalis na ito sa buhay niya, dahil hindi siya ang karapat-dapat na lalaki dito.

Someday, you'll find a man who will love you endlessly and eternally.

Nakita niyang nakaupo si Light sa may sulok at nahuli niyang nakatingin rin ito sa kan'ya, ngunit kaagad siyang nag-iwas ng tingin dito nang makita niyang hinalikan ng asawa nito ang noo ng babaeng mahal niya.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon