Chapter 16
Nagising si Light dahil sa malakas na tawanan na naririnig niya mula sa unang palapag ng mansyon. Iniunat niya ang kan'yang mga braso, pagkatapos ay nilingon niya ang kan'yang tabihan upang tingnan kung nandoon si Lux, ngunit wala na doon ang binata.
"Hindi man lang ako ginising," naiinis niyang wika sa kan'yang sarili tsaka tinatamad na lumakas patungo sa banyo.
Nang makapaghilamos na siya at nakapag-toothbrush ay bumaba na siya sa unang palapag, naabutan niya na nagtatawanan sina Giorgio, Zetter, Kate at ang Desiderio brothers, samantalang si Lux naman ay nakasimangot at hindi na maipinta ang mukha.Nilapitan niya si Lux tsaka hinalikan ang pisngi nito at umupo sa tabi nito.
"Ang tagal pa ng holy week, pero biyernes santo na agad 'yang mukha mo." Naiiyak na tumingin sa kan'ya si Lux, para bang nagpapaawa ito sa kan'ya.
"Bwisit kasi 'yang si Z! Ikinwento sa mga ito 'yung nangyaring entrapment operation dati." Nagtatakang tumingin sa kan'ya si Light.
"Oh? Wala namang nakakatawa doon, ah."
"Mayroon, baby, naka-brief lang kasi ako nang mahuli ako ng mga pulis," sumbong sa kan'ya ni Lux.Natawa naman bigla si Light nang maalala niya ang gabing iyon. Akalain mo nga naman, ang mapait na alaala ay may naidudulot rin na saya.
"Ómorfi naman! You're laughing at me!" wika ni Lux sa kan'ya tsaka ngumuso.Yumakap si Light sa braso nito para naman makabawi siya kahit kaunti.
"Love naman kita, okay lang 'yon," paglalambing ni Light kay Lux.
"Eut na 'yan!" sabat ni Zetter, bigla naman siyang siniko ni Kate sa kan'yang tiyan kaya tumigil na siya.
"Bakit nga pala ang aga niyong nagising?" tanong ni Light sa kanila.
"Naamoy kasi namin ang mga pagkaing niluluto ni Kate," magkasabay na sabi ng magkapatid na Desiderio.
"Me too. Naamoy ko rin ang niluluto niya," sabi naman ni Giorgio.
"Ako, tinulungan ko naman itong maganda kong asawa sa pagluluto," sagot ni Zetter tsaka iniyakap ang beywang ni Kate.
"Ako, nagising ako dahil sa sobrang lakas ng hilik mo," wika sa kan'ya ni Lux habang pilyo itong nginitian.Tiningnan naman siya nang masama ni Light dahil sa sinabi nito. "Joke lang, baby, nagising ako nang maaga dahil tumulong ako sa pagluluto. Syempre, ako ang nagluto ng mga kakainin mo."
"Ano naman ang niluto mo?"
"Ginataang hipon," proud na proud na sabi sa kan'ya ni Lux. Sumimangot si Light at umarteng dismayado sa niluto nitong pagkain.
"Iyon lang?"
Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ni Lux dahil sa sinabi niya. Akmang babawiin niya ang kan'yang sinabi ngunit naunahan siya nitong magsalita.
"Umakyat pa ako sa puno ng niyog para kumuha ng niyog na panggata, pagkatapos kinayod ko pa, pero hindi mo pala magugustuhan," malungkot na wika nito sa kan'ya.Ngumisi si Light at hinalikan ang tungki ng ilong nito.
"Aysus! Tampo naman agad? Syempre na-appreciate ko ang niluto mo. Nagpapabebe lang ako, ano ka ba?" sabi ni Light. Bigla namang sumilay ang ngiti sa mukha ni Lux.
"Ikaw talaga!" sabi sa kan'ya ni Lux tsaka mahigpit na niyakap si Light.
"Kumain na tayo, baka lumamig na ang pagkain," sabat ni Kate, nagsitayuan na rin silang lahat at sumunod kay Kate patungo sa may dining table na may nakahaing napakaraming pagkain.
"Bakit ang daming pagkain?" nagtataka niyang tanong kay Lux. Nagkibit-balikat naman ang binata.
"Hindi ko alam, baby. Kumain ka ng mga niluto nila, pero mas damihan mo ang kain doon sa niluto ko, ha?" nakangiting wika nito sa kan'ya.
"Opo, mahal na hari," nakangiti niyang tugon dito, ginulo naman ni Lux ang kan'yang buhok tsaka pinaghila siya ng upuan.Mag-uumpisa na sana silang kumain nang biglang tumunog ang doorbell ng gate ng mansyon.
"Mine, are you expecting someone today?" tanong ni Kate kay Zetter habang iniuupo nito sa high chair ang anak nila.
"No. Wait, I'll check it," sagot ni Zetter at tuluyan na ngang lumabas sa kusina.
---
Bumalik din naman kaagad si Zetter sa kusina pagkatapos ng ilang minuto.
"Sino ang pumindot ng doorbell?" tanong ni Kate sa kan'yang asawa. Pagkawika ni Kate ay may lalaking sumulpot mula sa likuran ni Zetter na naging sanhi ng pangangatog ng tuhod ni Light.
"K-Kuya," nangangatal niyang wika, bigla namang tumayo si Lux mula sa kinauupuan nito sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni Light.
"I'll bring you home, Light. Let's go," maawtoridad na wika ng kuya ni Light, kitang-kita niya sa mga mata nito ang nagsusumidhing galit.
"K-Kuya," naiiyak na wika ni Light tsaka mahigpit na kumapit sa braso ni Lux.
"Tresspassing 'yang ginagawa mo," sabat naman ni Zetter na naging dahilan kung bakit siya tiningnan nang masama ng kuya ni Light.
"Pwede ko rin kayong sampahan ng kaso dahil hinayaan niyo ang kapatid ko at ang kabit niya na magsama rito," sagot ni Night. Hindi na rin naman sila nakakibo.
Lumapit si Night sa kanilang dalawa ni Lux tsaka hinawakan ang kamay ng kan'yang kapatid.
"Umuwi na tayo, Light. Hinihintay ka na ng asawa mo," mariin na sabi ng kapatid ni Light.
"Hindi siya sasama sa 'yo," sabat ni Lux habang nakikipagsukatan ng tingin dito.
"May asawa na ang kapatid ko."
"Ako ang mahal niya," pagmamatigas ni Lux. Tinapunan naman ni Night ng tingin ang kan'yang kapatid dahil sa sinabi ni Lux.
"Is this the life you want, Light?! 'Yung marami kayong masasaktan?!"
Hindi ganito ang gustong buhay ni Light, pero hindi niya naman kakayanin na malayo pa sa taong mahal niya.
"K-Kuya, hindi ko na kayang bumitaw kay Lux," mahinang wika ni Light habang nakayuko.
"Utang na loob, Light! May asawa ka na! Ano ba namang katangahan iyan?!" sigaw ng kapatid ni Light, ramdam na ramdam ni Light ang pagkadisymaya sa boses nito."Hindi mo na inisip ang mga magulang natin, napaka-selfish mo."
Unti-unting lumuwag ang pagkahawak ni Night sa kamay ni Light, natamaan naman ng konsenya si Light dahil sa mga katagang binitawan ng nakakatanda niyang kapatid.Tama ang kuya niya, hindi niya man lang naisip ang kalagayan ng mga magulang niya at ng mga taong nasa paligid niya.
"Kuya..."
"Pinili mo ang lalaking iyan, wala ka ng pamilyang babalikan," dagdag pa ni Night at tuluyan nang binitawan ang kamay niya.Parang isang plaka na paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang huling katagang binitiwan ng kan'yang kuya.
"Pinili mo ang lalaking iyan, wala ka ng pamilyang babalikan."
Kakayanin niya kung magagalit sa kan'ya ang buong angkan ng Montemayor, pero ang kamuhian siya ng pamilya niya? Iyon yata ang hindi niya makakaya.
Ilang minuto niyang pinag-isipan ang kan'yang magiging desisyon. Isang desisyon na sobrang sakit at mahirap, pero walang siyang magagawa kundi gawin ang desisyon na iyon.
---
Halos mabingi si Lux sa lakas ng kabog ng kan'yang dibdib nang bumitaw si Light sa pagkakahawak sa braso niya at nang dumistansya ito sa kan'ya.
"L-Light," tawag niya sa pangalan ng babaeng mahal niya ngunit nag-iwas ito ng tingin sa kan'ya.
"S-Sorry, Lux. Mahal kita, pero mahal ko rin ang pamilya ko," sabi ni Light. Parang gumuho naman ang mundo ni Lux dahil sa narinig niya.Hindi siya nakakilos at nakapagsalita. Nanatili lang siyang nakatingin kay Light na ngayon ay nakayuko.
"Let's go, Light," sambit ng kuya ni Light at nang lumakad na papalayo sa kan'ya si Light ay noon lamang siya nakakilos.
"L-Light, sabi mo... mahal mo ako," naiiyak niyang wika, saglit namang huminto si Light sa paglalakad. Nilingon ni Light si Lux tsaka umiling.
"Mahal kita, p-pero tama si Kuya. Mali itong ginagawa natin, maling-mali."
Hindi na napigilan ni Lux ang mga luha niya nang tuluyan na siyang tinalikuran ni Light at nagsimula nang lumakad papalayo... papalayo sa kan'ya.
"No! Light! Please, h'wag mo namang gawin sa akin 'to!" pagmamakaawa niya kay Light, ngunit patuloy pa rin ito sa paglalakad. Akmang hahabulin niya ito ngunit mahigpit na hinawakan ni Zetter at Giorgio ang magkabila niyang braso.
"Tama na, Lux. Panahon na para tanggapin mo na hindi ikaw ang pinili ni Light," sabi ni Zetter, at dahil sa lahat ng nangyari, tuluyan na ngang bumigay ang mga tuhod ni Lux, unti-unti na siyang nawawala ng lakas.
"S-Sabi mo mahal mo ako, pero bakit hindi mo ako ipinaglaban?" bulong niya sa hangin.At tuluyan na ngang bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipiglan... mga luhang puno ng sakit at paghihinagpis dahil tuluyan na siyang iniwan ng taong mahal niya.
__________________________________________
A/N: Hindi sana ako mag-update, kaso naisip ko na gusto ko kayong saktan ngayong gabi.. HAHAHA chaaroot lang!
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Любовные романы"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."