Chapter 10

1.5K 20 1
                                        

Chapter 10

Nagising si Light dahil sa tunog ng cellphone niya na nakalagay sa ilalim ng kan'yang unan. Pupungas-pungas niyang iminulat ang kan'yang mga mata at inaninag kung sino ang nag-text sa kan'ya.

From: Omorfos
Good morning, όmorfi (beautiful)!

Simula nang mangyari ang mainit na tagpo nilang dalawa ni Lux sa loob ng kan'yang opisina ay kinuha na nito ang kan'yang cellphone number at ganoon din naman ang ginawa niya.

Pagkatapos ay pinangalan niya ito ng 'Omorfos' (Handsome) dahil iyon ang tawag niya dito noong sila pa at 'Ómorfi' (Beautiful) naman ang sa kan'ya.

Nagmamadali siyang bumangon sa kan'yang kama, hindi niya maitatanggi na masaya siya ngayon, dahil halos mapunit na ang kan'yang labi sa kakangiti.

Nang umiinom siya ng kape sa kanilang kusina ay muling tumunog ang kan'yang cellphone, muli s'yang napangiti nang makita niyang si Lux muli ang sender.

From: Omorfos
See you later at Lucero's Port., όmorfi (beautiful).

Mabilis niyang inubos ang kan'yang kape, pagkatapos ay umakyat na siya sa kan'yang kwarto upang ayusin ang mga gamit na kan'yang dadalahin. Aalis siya kasama si Lux at pupunta sila sa Laguna upang doon sulitin ang kanilang natitirang anim na araw.

Kung hindi siya nagkakamali, sa isang hacienda siya dadalhin ng binata, at sa anim na araw na iyon, kalilimutan niya muna na may asawa siya. Kay Lux niya muna ibubuhos ang kan'yang atensyon at pagkatapos ng anim na araw na iyon, tsaka niya muli bibigyan ng atensyon ang kan'yang asawa.

Nang matapos na niyang ilagay ang mga gamit sa kan'yang bag na dadalahin ay pumasok na siya sa loob ng kan'yang banyo upang maligo.

---
Hindi maiwasan ni Lux na mapangiti habang nakatanaw sa malawak na dagat sa may Lucero's Port habang hinihintay ang pagdating ng babaeng mahal niya.

"Dadating pa ba 'yung date mo?" tanong sa kan'ya ng tao na nasa kan'yang tabi, si Vale Lucero.

Nakilala niya si Vale sa isang bar sa may Quezon City, at dahil parehas silang brokenhearted, naging mag-kaibigan sila, pero magka-iba na sila ngayon, dahil unti-unti na muling nabubuo ang kan'yang puso.

"Oo, dadating iyon."

"Bakit ba naman kasi sa yate pa kayo sasakay? Mas madali naman kayong makakarating sa Laguna kung kotse gagamitin niyo," reklamo ni Vale.

"I wanna make our ride romantic, with the help of you."

"What the heck?! Kung ihulog ko kaya kayo ng ka-date mo sa dagat?"

"Sa loob ng anim na araw ko lamang siyang pwedeng makasama, pagkatapos ihuhulog mo pa kami sa dagat? Ang bait mo naman," sarkastiko niyang wika rito.

Nagtatakang tumingin naman sa kan'ya si Vale.

"Bakit six days lang?"

"Pagkatapos kasi ng anim na araw na iyon, hindi ko na alam kung may pagkakataon pa na magkasama kaming muli. Hindi ko alam kung ako ang pipiliin niya."

"Bakit nga?"

"Dahil uuwi na ang asawa niya," pag-aamin ni Lux. Namilog naman ang mga mata ni Vale dahil sa tinuran niya, naghugis 'O' pa ang bibig nito.

"What the f*ck? You fell in love with a married woman?" Kumunot ang noo ni Lux dahil sa sinabi ni Vale.

"Hiyang-hiya naman ako sa na-inlove sa sariling kapatid," sarkastiko niyang sabi kay Vale, bumalatay naman ang sakit sa mga mata ng kan'yang kasama. "Sorry, I didn't mean to offend you."

"Okay lang. Anyways, saan ko ba kayo ibababa mamaya?" pag-iiba ni Vale sa usapan.

"Sa may daungan sa Laguna bay, h'wag mo akong sisingilin ng pambayad sa gas, ha? Dahil wala akong planong bayaran ka," natatawang sabi ni Lux.

"What the? Kaibigan kita, pero abusado ka."

"Gan'yan talaga kapag pogi," sabi niya, napailing-iling na lamang si Vale bilang tugon tsaka tumingin sa bandang likuran niya.

"Iyan na yata ang date mo," sabi nito, umikot si Lux paharap sa kan'yang likuran.

"Light."

"Hello," nakangiting bati sa kan'ya ni Light. Nilapitan niya ito tsaka ipinulupot ang kan'yang kamay sa beywang nito.

"Ómorfi, this is Vale, he's my friend," pagpapakilala niya kay Vale. Nginitian lamang ito ni Light at ganoon din naman ang ginawa ni Vale.

"Let's go, guys," pagyaya sa kanila ni Vale, sinundan naman ito ng dalawa.

Dalawang emosyon ang nararamdaman ngayon ni Light habang kasama niya ngayon si Lux. Kaba at excitement.

Kaba, dahil ito ang unang beses na aalis siya ng Manila na walang nakakaalam sa kan'yang pupuntahan at ito rin ang unang beses na nagtaksil siya kay Xenon.

Excitement, dahil ngayon niya lang ulit mararanasan ang maging malaya at magawa ang bagay na gusto niyang gawin kasama si Lux.

"Omorfos, siya 'yung magda-drive nitong yate?" tanong niya kay Lux habang nakatingin sa lalaki na ipinakilala nito sa kan'ya kanina.

"Yep, όmorfi. Sasamahan niya tayo papuntang Laguna."

Inihilig ni Light ang kan'yang ulo sa matipuno nitong dibdib, at upang hindi sila matumba ay inihawak ni Lux ang kamay niya sa railings ng yate, lihim pa siyang napangiti habang ninanamnam ang kanilang bawat sandali.

"Inabala mo pa 'yung tao," sabi ni Light kay Lux.

"Hindi ah. Doon naman talaga siya nakatira, όmorfi, actually pinsan siya ni Zetter." Si Zetter ay kasamahan nila sa gang dati, at kagaya nila, nagbagong-buhay na rin ito.

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Light, tumango-tango naman sa kan'ya si Lux.

"Nakakamiss sina Zetter at Giorgio, sobrang saya natin five years ago."

Marahang hinaplos ni Lux ang balikat ni Light. "Makikita mo sila mamaya," malambing na wika ni Lux sa kan'ya.

"Paano ko sila makikita? Ano ang ibig mong sabihin?"

"Doon kasi tayo pupunta, sa Hacienda nila, sa Hacienda Desiderio, at nandoon rin si Giorgio."

"Talaga? Pati si Giorgio? Paano napadpad ang taong 'yun doon?"

"I sent him a message on Facebook, sabi ko, kung pwede tayong magkita-kita, at sinabi ko rin na sa Hacienda Desiderio tayo mag-get together."

"Pumayag naman si Zetter?" nae-excite niyang tanong kay Lux.

"Absolutely yes, na-miss daw tayo ng mokong, e," sagot ni Lux, hindi naman napigilan ni Light na yakapin ang binata.

"Thank you, omorfos."

"For what, όmorfi?"

"Dito... sa pagkakataon na makasama muli ang mga kaibigan natin."

"Basic, όmorfi," sagot nito sa kan'ya, iniyapos pa ni Lux ang beywang ni Light gamit lamang ang isan kamay. "Thank you, όmorfi."

"Para saan?"

"For allowing me to be with you in seven days."

"Six days, omorfos, dahil kahapon ang start ng bilang," pagtatama ni Light.

"Alam ba ng asawa mo na umalis ka sa inyo?"

"Hindi e, ikaw? Alam ba ng girlfriend mo na umalis ka?"

"Hindi rin," sagot nito kaya sabay silang mapaklang tumawa.

"Ang hirap ng sitwasyon nating dalawa," malungkot na wika ni Light. Parang binibiyak ang puso niya nang muli niyang tingnan si Lux na nanunubig na naman ang sulok ng mga mata.

"Nahuli ako ng dating. Kung maaga lang sana kitang natagpuan, wala tayo sa ganitong sitwasyon. Paano ba natin ito itatama? Kung mula umpisa pa lang ay alam natin na mali na," sabi ni Lux, damang-dama ni Light ang lungkot sa bawat salitang binibitawan nito.

"L-Lux."

"Dating gawi na naman tayo, gumagawa na naman tayo ng mali." Bahagya siyang dumistansya sa binata tsaka sinapo ang pisngi nito.

"Pwede bang h'wag na muna nating isipin 'yan? Meron tayong anim na araw upang maging malaya," sabi niya, sumilay naman ang malungkot na ngiti sa labi ni Lux.

"Yeah, I know, but I still hope that I can be with you forever. I'm still hoping." Hindi na muling nagsalita si Light, sa halip ay muli siyang yumakap sa binata.

"Mahirap magmahal ng patago, pero mas mahirap magmahal kapag alam mong hindi na pwede," usal ni Light habang hinahayaan na lamang na dumaloy ang kan'yang mga luha mula sa kan'yang mga mata papunta sa mga balikat ni Lux.



Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon