Dedicated to miyawmiyawski thankyou for reading my story!
Chapter 8
Namulatan ni Light ang kan’yang asawa na si Xenon na nakatulala habang nakatingin sa hawak nitong cellphone. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at nagtungo sa kan’yang asawa na nakaupo sa upuan sa may veranda ng kanilang kwarto.
“Mister ko, ano ang problema?” tanong niya nang mapansin niya na malungkot ang mukha nito.
“I have a business meeting in Malaysia, I will be gone for a week,” matamlay na sagot nito sa kan’ya.
“Wala namang bago doon ah! Minsan nga umaabot pa ng buwan, e.”
“Sana, pagbalik ko, akin ka pa rin,” sambit nito, bigla namang nakaramdam si Light ng kaba.
“S-Syempre naman! Ano ka ba naman, mister ko?” Nginitian siya ng kan’yang asawa at hinaplos ang kanang pisngi ng kan’yang mukha.
“I love you so much, Light. I’m willing to do anything… just for you,” sabi ni Xenon, parang matutunaw si Light habang matamang nakatitig ito sa kan’ya.
“Mister ko naman! Ang aga-aga, hinaharot mo na agad ako!”
“Hindi kita hinaharot, nagsasabi lang ako ng nararamdaman ko.”
“Hindi mo naman kailangang sabihin, alam ko at ramdam ko na mahal mo ako,” sabi ni Light tsaka hinalikan ang tungki ng ilong nito.
“Kailan nga pala ang alis mo?” dagdag pa niyang tanong.
“Mamaya na, misis ko. H’wag ka magpapalipas ng gutom, ha? Alagaan mo ang sarili mo hangga't wala ako rito.”
Ngumuso si Light at malungkot na tinitigan ang mga mata ni Xenon.
“Aalis ka na pala agad.” Sinapo naman bigla ni Xenon ang kan’yang mukha.
“Kailangan, misis ko, sulitin na natin ang araw na ito hangga't magkasama pa tayo.”
“Mister ko naman! Kung makapagsalita ka parang hindi na tayo muling magkakasama!” natatawa niyang wika, hindi na lang nagsalita ang kan’yang asawa, bagkus ay niyakap siya nito nang mahigpit na animo'y ito na ang huling araw na ganito sila kalambing sa isa't isa.
---
Naalimpungatan si Lux nang maramdaman niya na wala na si Asyneth sa kan’yang tabi. Bumangon siya sa kan’yang kinahihigaan upang hanapin ang kan’yang girlfriend. Natagpuan niya ito sa may kusina na umiiyak habang kumakain ng wheat bread.Kinabahan siya bigla, naisip niya kasi na baka kaya ito umiiyak ay dahil alam na nito na muli niyang sinusuyo ang kan’yang dating kasintahan.
Napabuntong-hininga siya bago niya tuluyang nilapitan si Asyneth upang alamin ang dahilan ng pag-iyak nito.
“Babe, what's wrong? Ang aga-aga, lumuluha ka,” nag-aalala niyang tanong dito. Pugtong-pugto ang mga mata nito nang tumingin ito sa kan’ya, senyales 'yon na kanina pa ito umiiyak.
“Ano ang problema, babe? Tell me,” tanong niya, hindi mawala-wala ang kaba na kan’yang nararamdaman hangga't hindi pa nito sinasagot ang katanungan niya.
“Si Mama kasi, nasa hospital… inatake sa puso, kailangan kong umuwi sa Tarlac, babe,” sumisinok-sinok na sagot nito sa kan’ya, nakahinga naman nang maluwag si Lux dahil sa sinabi ni Asyneth.
Thanks, god.
“Papayagan naman kitang umuwi sa Tarlac, babe. If you want, I'll go with you.” Umiling-iling naman ang kan’yang kasintahan.
“No! Hindi pwedeng dalawa tayong aalis. Paano ang restaurant mo?”
“Restaurant natin,” pagtatama niya sa sinabi nito.
“Ako na lang ang pupunta sa Tarlac, babe,” sabi nito habang malungkot na nakatingin sa kan’ya.
“Hanggang kailan ka doon?”
“I don't know, maybe one week? Bakit mo tinatanong?”
“Mami-miss ko kasi ang babe ko na kasing laki lang ng grade five student dito sa bah– ” Hindi niya na naituloy ang kan’yang iba pang sasabihin dahil kinurot siya ni Asyneth sa kan’yang tagiliran.
“Babe naman, e!” pagmamaktol nito sa kan’ya na para bang isa itong batang nagta-tantrums habang nakasimangot at masamang nakatingin sa kan’ya.
“I'm just kidding, babe, anyways, mag-iingat ka sa Tarlac, ha?” paalala niya rito, hinalikan niya ito sa noo pagkatapos.
“Ikaw din, ha? H’wag kang magpapagutom.”
“Yes, ma'am!”
“At dapat sa pagbalik ko, ako pa rin ang babe mo, ha?” tanong nito sa kan’ya, hindi naman kayang sagutin ni Lux ang katanungan ng kan’yang kasintahan.
Dahil hindi siya sigurado kung sa pagbalik nito… ay ito pa rin ang babe niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/197068679-288-k681851.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."