Chapter 27
NAGISING si Light ng maramdaman niya na may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang beywang. dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata pagkatapos ay inaninag niya ang kanyang beywang upang alamin kung anong nakapatong doon.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya na kamay pala iyon! na ang ibig sabihin ay mayroon siyang katabi sa pagtulog!
Nilingon niya an kanyang tabihan upang alamin kung sino ang katabi niya.. at hindi niya napigilan ang panlalaglag ng kanyang luha ng makilala niya kung sino ang kanyang katabi.
"Lux.." usal niya at hindi niya maiwasan ang malungkot habang nakatitig sa pasa-pasa at sugatang mukha ng kanyang kasintahan.
Akmang babangon na siya dahil balak niya sanang kumuha ng bimpo at gamot para sa mukha nito ngunit narinig niya na nagsalita ito.
"Stay όmorfi," mahina nitong wika at bahagya itong nagmulat ng mata at tipid itong ngumiti habang nakatingin sa kanya.
"Kailangang magamot yang sugat mo, yang mga pasa---"
"Ikaw ang kailangan ko, Light.. please stay with me, don't leave me." nagsusumamo nitong wika sa kanya.
Marahan niyang hinaplos ang mukha nito. " Hindi naman kita iiwan eh, kukuha lang ako ng bimpo at Betadine."
"Ikaw ang gamot ko όmorfi.."
"Lux naman! bugbog sarado ka na nga, ang landi mo pa rin!" sabi niya pagkatapos ay mahina niyang hinampas ang braso nito.
Mahinang tumawa si Lux pagkatapos ay kinabig siya nito papalapit sa katawan nito.
"Alam mo bang hindi na tutol sa atin ang papa at kuya mo?" tanong nito sa kanya habang magkatitigan silang dalawa.
"Talaga?"
"Oo όmorfi, kaya wala ka ng kawala sa akin.. hindi na kita hahayaang lumayo." sabi ni Lux pagkatapos ay dinampian nito ng halik ang tungki ng kanyang ilong.
"Hindi naman ako lalayo sa iyo eh.."
Nginitian lang siya ni Lux pagkatapos ay sinuklay nito ang kanyang buhok gamit ang sariling daliri. "P-paano si Asyneth?" bigla ay naitanong niya kay Lux.
"Hiwalay na kaming dalawa." tipid na tugon ni Lux sa kanya.
"Mapatawad kaya niya tayo? mapatawad kaya tayo ni Xenon?" tanong niya dito at hindi niya maiwasan ang malungkot para kay Xenon.
Pero wala siyang magagawa, hindi niya na kasi kayang pigilan ang kanyang nararamdaman para kay Lux.
"When the right time comes, and when the right person for them came.. mapapatawad din nila tayo." sagot sa kanya ni Lux at niyakap siya nito ng mahigpit.
"Hindi ko inakalang darating tayo sa ganitong punto, Lux." sabi niya pagkatapos ay tipid niya itong nginitian.
"Ako rin naman, hindi ko inakalang mangyayari ang ganito sa atin.. pero alam mo όmorfi, inaasahan ko talaga na magiging akin ka muli."
"Paano kung hindi ikaw ang pinili ko?"
"Hindi pa rin kita susukuan, lalandiin at lalandiin pa rin kita hanggang sa manawa ka at pumayag na maging akin kang muli."
"Ang landi mo talaga!" sabi niya pagkatapos ay mahina niyang kinurot ang braso nito.
"Sa iyo lang ako malandi, ikaw lang ang lalandiin ko."
Iniikot niya ang itim ng kanyang mata. "Dapat lang! isinugal ko ang dignidad ko para sa iyo."
"Wag kang mag-alala, hindi ko ipapatalo ang isinugal mo.. mahal na mahal kita."
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
