Thankyou LaarniSarino for reading my story!
Chapter 5
“Misis ko, h’wag masyadong mabilis ang pagda-drive, ha?”
“Sa main road ka dumaan, ha? H’wag sa shortcuts dahil maraming bangin doon .
Umuwi ka rin kaagad, kasi mami-miss agad kita,” sunod-sunod na paalala ng maalalahaning asawa ni Light sa kan’ya.
Hindi niya tuloy maiwasan na kiligin dahil sa mga sinabi nito.
Ibinaba niya muna ang dala niyang envelope sa upuan ng sasakyan tsaka niyakap ang kan’yang asawa na ngayon ay nakapameywang habang matamang nakatingin sa kan’ya.
“Mister ko naman! Taal lang ang pupuntahan ko, hindi America,” natatawa niyang saad dito. Hinagkan naman siya ni Xenon sa kan’yang noo.
“Bakit ba naman kasi sa Taal pa?” naiinis na wika ni Xenon. Inarkuhan naman siya ni Light ng kilay.
“Sino ba ang nagsabi na sa Taal ang meeting? Hindi ba't ikaw, mister ko? Hindi na natin pwedeng baguhin ang location ng meeting, baka nando’n na ang kliyente natin, e.”
“I know, sige na, misis ko. Umalis ka na, mag-ingat ka sa pag-drive, ha?” Kumalas si Light mula sa yakap ng kan’yang asawa.
“See you later, mister ko,” paalam niya at tuluyan nang pumasok sa loob ng kotse, pero bago pa niya pausadin ang sasakyan, narinig niya na muli itong nagsalita.
“Always remember that I love you so much.” Nginitian na lang ni Light si Xenon tsaka pinaandar na ang kan’yang sasakyan.
---
Pakiramdam ni Lux, nag-iinit na ang puwetan niya, dahil kahit may higit kalahating oras na siyang nakaupo sa upuan ay hindi pa rin dumadating ang kan’yang ka-meeting. Kung hindi lang talaga ito isang malaking kompanya at kung hindi niya ito kailangan, kanina pa siya umalis.“Sir, drinks po?” pukaw ng waitress sa kan’ya.
“One red wine and please get me a magazine, I need something to read,” sabi niy, tumango na lang ang waitress bilang tugon tsaka nagsimula nang lumakas papalayo sa kan’ya.
Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na rin sa wakas ang kan’yang magazine at wine.
“Thank you,” pasalamat niya sa waitress.
“You are welcome, sir,” tugon nito sa kan’ya, nang umalis na ito sa harapan niya, inumpisahan niya nang basahin ang magazine habang iniinom ang kan’yang wine.
“Good morning, madame. Welcome to Restorante De Taal,” bungad ng babaeng nasa front desk kay Light.
“Good morning, reservation for Montemayor,” maikli niyang tugon sa babae habang panaka-nakang tumitingin sa kan’yang wrist watch. Napatingala naman siya no’ng may babaeng lumapit sa kan’ya.
“This way, madame, kanina pa po kayo hinihintay ni sir,” wika nito tsaka itinuro ang kanilang daraanan.
Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa huling sinambit ng babae.
“Sir? I have a meeting with a woman, not with a man.”
“Ahh, madame, lalaki po kasi ang dumating,” kinakabahan na sagot sa kan’ya ng babae.
“Anyways, nasaan ‘yung spot na ipina-reserve ng asawa ko? Kakausapin ko lang ‘yung lalaking sinasabi mo.”
“Dito po, madame.” Iginiya siya nito patungo sa isang table kung saan may isang lalaki na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine. Hindi niya makita ang mukha ng lalaki dahil nahaharangan iyon ng magazine kaya pinukaw niya ang atensyon nito.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Любовные романы"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."