Chapter 17

551 17 3
                                    

Hello jawsaNOTdyosa thank you for reading my story 🤗 Happy reading!

Chapter 17

Walang tigil ang pag-agos ng luha ni Light simula nang umalis sila ng kuya niya sa Laguna hanggang sa maihatid na siya ngayon nito sa bahay nila ni Xenon sa Manila.

"I'm sorry," sabi ng kan'yang kuya nang iparada na nito ang kotse sa harap ng bahay nila. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng kotse at bumaba doon.

Hindi niya na kinausap ang kan'yang kuya dahil galit siya ngayon dito.

Nang tumapat na siya sa pinto ng salas ng kanilang bahay ay pinalis niya ang kan'yang luha sa mga mata at pilit na inayos ang kan'yang hitsura. Pagkatapos ay binuksan na niya ang pinto ng salas, akala niya'y makikita niya na si Xenon, ngunit wala namang Xenon ang sumalubong sa kan'ya.

"Niloko lang pala ako ni Kuya," naiiling niyang wika sa kan'yang sarili.

Tamad siyang naglakad patungo sa may sofa at pabagsak siyang naupo doon tsaka huminga nang malalim. Pumikit siya at inalala ang masasayang araw na kapiling niya pa si Lux.

Pinilit niyang pigilan ang pagbuhos ng kan'yang mga luha habang rumerehistro sa kan'yang isipan ang mukha ni Lux, ngunit hindi niya na kayang pigilan ang mapahagulhol.

Niyakap ni Light ang kan'yang sarili, pakiramdam niya ay namamanhid na ang kan'yang buong katawan dahil sa sakit na kan'yang nararamdaman.

Tumigil lang siya sa pag-iyak nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone niya na binuhay niya noong isang araw pa dahil balak niya sanang i-message si Xenon, ngunit hindi niya ito nai-message dahil walang signal ang sim na gamit niya sa may Laguna.

"Misis ko, I love you and I miss you."

"I hope you are okay, misis ko."

"Hey, send me a voice message please... I really miss you, misis ko."

Naaawa siya kay Xenon dahil napakabuti nitong asawa, at hindi nito deserve na masaktan at lokohin. Pero ano ang magagawa niya? Tumitibok ang puso niya para kay Lux. At hindi siya masaya sa desisyon niya na layuan ito.

Hindi siya masaya...

Napasabunot na lamang siya sa sarili niyang buhok tsaka humiyaw dahil sa lungkot at sakit na kan'yang nararamdaman. She is distraught right now, at walang anumang salita ang makakapagpaliwanag ng sakit na nararamdaman niya.

"Light? Nandiyan ka ba?" anang tinig ng isang babae mula sa labas ng salas. Tumigil siya sa paghiyaw at inayos ang nagulo niyang buhok.

"O-Oo, nandito ako," sagot niya, lumakad na siya patungo sa may pintuan ng salas at pinagbuksan niya ito ng pinto.

"A-Aneceta? Ano ang ginagawa mo rito?" nagtataka niyang tanong sa asawa ng kuya niya.

"Umiyak ka ba?" tanong nito sa kan'ya, umiwas naman siya ng tingin dito.

"Hindi ah, napuwing lang ako," pagsisinungaling niya.

"Sobrang laki naman yata ng nakapuwing sa 'yo at dalawang mata mo ang namula," sabi ni Aneceta, mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.

"Napuwing lang talaga ako." Tinitigan naman siya ni Aneceta na animo'y iniinspeksyon siya nito.

"You're lying, tell me, Light, ano ang problema mo?"

"W-Wala akong problema," sabi niya sabay lakad patungo sa sofa at umupo doon.

"God! Bakit ka may hickey? Hindi ba wala rito ang asawa mo?" tanong sa kan'ya ni Aneceta habang nakatingin sa leeg niya.  Kaagad niyang tinakpan ng kan'yang kamay ang leeg niya na minarkahan ni Lux.

"W-Wala ito." Umiling-iling na lang si Aneceta tsaka umupo sa tabi ni Light.

"Light, I'm willing to listen. Promise hindi ko sasabihin sa kuya mo kung anuman ang ike-kwento mo sa akin," sabi nito, naging dahilan naman ang mga ito para mapahinga siya nang malalim.

Kailangan niya talaga ng mapapagsabihan ng problema niya, dahil kung hindi niya ito mailalabas, baka mabaliw na siya.

"N-Nagkita kami ng ex ko," pag-aamin niya kay Aneceta, namilog naman ang mga mata ng asawa ng kan'yang asawa.

"I-Iyong ex-convict? Kaya ka ba may tsikinini? Light, bakit? Paanong?" sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya.

"M-Mahal ko pa rin siya, Aneceta," pumipiyok-piyok na wika ni Light tsaka napahilamos sa sarili niyang mukha.

"God, Light! I thought you love Xenon?" nagtataka nitong tanong sa kan'ya.

Yumuko naman si Light.

"A-Akala ko rin, pero nang magtagpo muli kami ni Lux, at nang makasama ko siya, napagtanto ko sa sarili ko na mahal ko pa rin si Lux. Mahal na mahal ko siya."

"Ano ang plano mo ngayon?"

"Mananatili ako rito sa bahay namin,"
malungkot na wika ni Light habang nagbabadya na namang tumulo ang luha mula sa kan'yang mga mata.

"Pinili mo si Xenon?" Umiling-iling naman si Light bilang tugon.

"Hindi, pinili ko lang kung alin ang makakabuti, kung alin ang tama."

Tinapik-tapik naman ni Aneceta ang kan'yang balikat.
"Masaya ako na pinili mo ang tama, pero mahirap mabuhay nang malungkot," malungkot na wika nito sa kan'ya.

"Alam mo, kung narinig ni Kuya 'yang sinabi mo... magagalit 'yon sa 'yo."

"Hindi 'yon magagalit sa akin, takot na lang no'n na iwanan ko siya," mayabang nitong wika sa kan'ya.

"Ang hangin mo!" sabi niya kay Aneceta, tipid naman itong ngumiti bilang tugon.

"Teka, bakit ka nga pala nandito?"

"Pumunta kasi ako kanina sa may grocery store, kaso sarado pa, kaya naisipan ko na dumaan muna dito." tumango-tango si Light pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay nito.

"H'wag mong sasabihin sa kahit sino ang sinabi ko sa 'yo, ha?" Nginitian naman siya ni Aneceta bilang tugon.

"Your secret is safe, don't worry."

"What secret?" anang baritonong boses mula sa kanilang likuran, sabay silang napalingon ni Aneceta sa kinaroroonan ng nagsalita.

Nanlaki ang mga mata ni Light at sobrang lakas din ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa lalaking nagtatakang nakatingin ngayon sa kanila ni Aneceta.

"X-Xenon."

"Misis ko, what secret is she telling about?" tanong muli nit Xenon, tumingin naman si Light kay Aneceta na animo'y humihingi ng tulong.

Mukhang nakuha naman ni Aneceta ang nais niyang ipahiwatig dahil nagsalita na ito.

"Ahh, Light is planning to throw a surprise party sa pagbalik mo," sabi nito sa kan'yang asawa.

"Is it true, misis ko?"

Tumayo si Light mula sa sofa tsaka lumapit sa kan'yang asawa.

"T-Totoo iyon, kaso dumating ka na... kaya wala na," sagot ni Light. Kinabig naman ni Xenon ang beywang niya upang ilapit ang katawan niya sa katawan nito.

"Namiss kita."

"A-Ako rin," sagot ni Light, parang may bumikig na tinik sa kan'yang lalamunan nang bitawan niya ang salitang iyon.

Niyakap siya ni Xenon pagkatapos, ramdam na ramdam niya ang pananabik nito sa kan'ya.

"Hey, misis ko, why aren't you hugging me back? Don't you miss me?" nagtataka na tanong ni Xenon sa kan'ya.

"N-Namiss din kita," sagot ni Light at pikit-matang niyakap pabalik ang kan'yang asawa na pinagtataksilan niya.

 

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon