Chapter 14

679 19 3
                                        

Say hello to our new kumare precious102510 thank you for reading my story!

Chapter 14

"Tita Light! Tita Light!" pukaw ng batang nasa tabi niya, si Kaze. Naging malapit ang loob sa kan'ya ng bata simula nang ipagluto niya ito ng pancake.

Kaya ito ngayon si Kaze sa kan'yang tabi, hinahatak ang laylayan ng suot niyang damit at nagpa-puppy eyes dahil gusto muli nitong magpaluto sa kan'ya ng pancake.

"Kaze, anak, h'wag mong guluhin ang tita mo. Nagluluto siya ng food para kay Tito Lux mo, dito ka na lang sa akin," saway ni Kate sa bata habang nakaupo sa isang bar stool.

"E, Mommy!" pagmamaktol ng bata habang nakasimangot kay Kate.

"Kaze, h'wag matigas ang ulo," mahina ngunit mariing wika ni Kate sa anak.

Nagpapapadyak namang umalis sa kan'yang tabi ang bata, pagkatapos ay sinimangutan nito si Kate bago ito umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

"Tampuhin pala ang anak mong 'yon," sabi ni Light kay Kate habang hinahalo ang sinigang na hipon sa bayabas na niluluto niya para kay Lux.

"Nako! Sinabi mo pa!" wika ni Kate habang umiinom ito ng kape. "Teka, nasaan nga pala si Lux?"

"Tulog pa, ang tagal ngang gumising," sagot ni Light.

"Baka napagod kahapon, ano bang pinaggagawa niyo sa may batis?" tanong ni Kate, napatigil naman si Light sa paghahalo ng sinigang na hipon dahil sa tanong nito.

"N-namingwit," alanganing sagot niya.

"Iyon lang?" tanong sa kan'ya ni Kate, mukhang hindi ito naniniwala na iyon lamang ang ginawa nila ni Lux sa may batis. "Hindi kayo lumangoy? Hindi kayo sumisid?"

Hindi niya nakasagot sa katanungan nito, pero sapat na siguro ang pamumula ng kan'yang mukha upang malaman nito ang pinaggagawa nila ni Lux sa may batis.

"Oh my gosh! Don't tell me... sinisid niya ang tahong mo? Gosh! History repeats itself," sabi ni Kate, tiningnan naman siya ni Light habang nagtataka.

"H'wag mong sabihin na may nangyari rin sa inyong dalawa ni Zetter sa may batis?" tanong niya kay Kate, bigla namang natawa nang todo si Kate dahil sa tanong ni Light.

"Wala akong sinasabi na may nangyari sa amin ni Zetter doo, ha! Pero saan ka tinuhog ni Lux? Sa gilid ba ng batis o sa liblib na lugar doon?" mapang-asar na sabi ni Kate, nanlaki naman ang mga mata ni Light. Hindi niya alam kung dapat ba nilang pinag-uusapan ang mga bagay na ito.

"S-Sa gilid ng batis, ikaw?"

"Sa may liblib na lugar ako dinala ni Zetter, sa may maraming talahib."

"Sabi ko na nga ba, may nangyari rin sa inyo ni Zetter sa may batis, e! Pero ang kati ng pinagdalhan niya sayo, ha!" sabi niya tsaka pinatay na ang gas stove.

"Makati nga, pero mesherep. 'Yung sa inyo ba?"

"Mesherep din," natatawa niyang sagot kay Kate.

"Kumusta pempem?"

"Mesheket," sagot niya, sabay silang tumawa nang maisip nila ang kalaswaan ng kanilang pinag-uusapan. Natigil lang sila sa pagtawa ng magkakasunod na pumasok sa kusina si Lux, Zetter at Giorgio.

---
Nakahiga sa sofa sa loob ng kwarto ng nanay niya sa ospital si Asyneth habang nakatulala sa puting kisame ng kwarto.

Namomroblema kasi siya dahil dalawang araw niya nang tinatawagan si Lux, ngunit hindi niya ito makontak. Lagi niya ring tinatawagan ang manager ng restaurant nila pero palagi naman daw wala si Lux doon. Nag-aalala na siya sa kan'yang boyfriend, dati naman ay palagi niya itong nakokontak.

Napahinga siya nang malalim at sa halip na mag-isip ng kung ano-ano ay bumangon siya sa sofa at ipinagtalop niya na lang ng mansanas ang kan'yang ina.

"Anak, matanong ko lang... bakit ikaw lang ang nagpunta dito? Nasaan ang boyfriend mo?" tanong ng ina niya.

"Ah, sinabi ko sa kan'ya na ako na lang ang pupunta rito," sagot niya pagkatapos ay iniabot niya dito ang wala ng balat na mansanas.

"Bakit naman?"

"Dahil po sa restaurant namin, Mama, mahirap po kasi kapag walang magmo-monitor ng bawat galaw ng restaurant namin."

"Nandoon ba siya ngayon?" tanong ng kan'yang ina, hindi naman alam ni Asyneth kung magsisinungaling ba siya o magsasabi ng totoo.

"O-Opo, Mama, nandoon siya," pagsisinungaling niya.

"Bakit hindi pa kayo nagpapakasal? Hindi na kayo bumabata," biglang tanong sa kan'ya ng kan'yang ina, hindi niya naman maiwasan na hindi matamaan sa tanong na iyon.

"H-Hindi niya pa ako niyayayang magpakasal, Ma," pag-amin niya.

"Nako! Asyneth, kapag gan'yan na hindi man lang ninyo napapag-usapan ang tungkol sa kasal, lalo na at nasa tamang edad na kayo ay hiwalayan mo na agad! Aba? Ang tatanda niyo na! Kailan pa kayo mag-aasawa? Kapag patay na ako? Ang boyfriend mo, walang problema at ulila na. E, paano ka naman?"

"Mama! Ang puso mo, baka atakihin ka na naman."

"Sinasabi ko lang ang totoo, Asyneth! Pakiramdam ko hindi seryoso sa 'yo ang lalaking iyon!"

"Ma!"

"Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Alam ko na ang hilatsa ng bituka ng gan'yang lalaki," sabi ng kan'yang ina, hindi niya maunawaan kung bakit may likidong namuo sa gilid ng kan'yang mga mata.

"Anak, he doesn't deserve you."

Mahal ko siya mama, at handa akong magpakatanga para sa kan'ya.

Hindi na lang nagsalita si Asyneth at niyakap na lang ang kan'yang ina. May tiwala siya kay Lux, kaya gagawin niya ang lahat para lang mas tumagal pa ang kanilang relasyon.

---
Nakayakap sa beywang ni Light si Lux habang kinakain ang sinigang na hipon na niluto nito para sa kan'ya.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Light sa kan'ya.

"Gustong-gusto ko," sagot niya habang panaka-nakang humihigop ng sabaw.

"Mabuti naman at nagustuhan mo," nakangiting wika sa kan'ya ni Light.

"Syempre naman, magugustuhan ko talaga ito, pero mas magugustuhan ko ito kung kakandong ka sa akin.," sabi ni Lux, kaagad namang umupo sa kan'yang kandungan si Light.

"Ano ba ang gagawin natin ngayon, Lux?" tanong nito sa kan'ya.

"Horseback riding, kaya mag-practice ka na ngayon," pagbibiro niya.

"Lux!" saway nito sa kan'ya at pinandilatan ito ng mata.

"Joke lang, όmorfi! Pero magho-horseback riding talaga tayo. Uubusin ko lang ito," sabi niya kay Light habang binibilisan ang pag-ubos ng niluto nito para sa kan'ya upang makabayo niya na agad ito, este mangabayo silang dalawa.

Malawak naman na napangiti si Light nang maubos na ni Lux ang pagkain na inihanda niya para rito.

"Ómorfi, tara na sa labas," pagyayaya sa kan'ya ni Lux habang hawak-hawak nito ang kan'yang kamay.

"Wait, liligpitin ko lang itong pinagkainan mo," sabi niya at akmang kukunin ang pinggan na nakapatong sa mesa, ngunit ayaw namang bitawan ni Lux ang dalawa niyang kamay.

"Lux, bitawan mo muna ang kamay ko."

"Ayoko."

"Ayan ka na naman e, ang kulit mo na naman," sabi niya habang nakatulis ang kan'yang labi.

"Pagbigyan mo na, Light, mamaya gumulong pa 'yan sa sahig," sabat ni Giorgio na hindi nila namalayan na nasa kusina rin pala. Napabuntong-hininga na lang si Light.

"Sige na nga," sabi niya, isang malawak na ngiti ang pinakawalan ni Lux sa labi bago sila lumabas sa mansyon at nagtungo sa kuwadra kung saan nakakulong ang kabayo ni Zetter.

Naabutan nila si Zetter sa may kuwadra na hinihimas-himas ang isang puting kabayo. Tinapunan sila nito ng tingin pagkatapos ay iniabot ang tali ng puting kabayo kay Lux.

"Ingatan niyo itong si Snowball, ha?" paalala sa kanila ni Zetter.

"Bakit Snowball ang pangalan niyan?" nagtatakang tanong ni Light kay Zetter.

"Si Kaze ang nagpangalan diyan e, sige na, mamasyal na kayo," sabi ni Zetter tsaka pinuntahan pa ang ibang kabayo.

"Are you ready, my princess?" tanong niya kay Light. Nginitian naman siya ng dalaga.

"Ready na ako," sagot nito kaya binuhat niya na ito upang makasakay na ito sa kabayo. Nang nakasakay na si Light, sumunod na rin naman si Lux sa pagsakay.

"Kailan ka pa natutong mangabayo?" tanong ni Light sa kan'ya habang tinatahak nila ang mabatong daanan.

"Matagal na, hindi mo lang kaagad nalaman kasi hindi naman tayo nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal dito dati," sagot niya kay Light habang nakatingin sa mga puno na kanilang nadadaanan.

"Lux."

"Hmm?"

"Parang ayokong maging masaya habang kasama ka," sabi ni Light tsaka binagalan ang kan'yang pagpatakbo sa kabayo.

"L-Light, ano ang sinasabi mo?" kinakabahan na tanong ni Lux. Hindi pa siya handang bitawan ang babaeng mahal niya, hindi niya kaya.

"Kasi ang bilis ng takbo ng oras, nahihirapan na ako."

"Nahihirapan ka na sa sitwasyon natin? Ako rin naman nahihirapan, pero patuloy akong lalaban," sagot niya sabay yakap kay Light.

"L-Lux, sobrang saya ako sa piling mo," sagot nito sa kan'ya habang garalgal ang tinig nito.

"H'wag mong sobrahan ang pagiging masaya mo. Tsk! Lalong bibilis ang oras niyan, e," pagbibiro niya kay Light, mahina namang natawa ang babae.

"Mahal na mahal kita, Light," sabi niya sabay halik sa buhok ng babaeng sinasamba niya.

"M-mahal din kita, Lux," nauutal na sabi ni Light.

Hindi niya na talaga kayang itago ang nilalaman ng kan'yang puso. Mahigpit na niyakap ni Lux si Light at pareho na lamang silang nakangiti habang pinagmamasdan ang mapayapang paligid, kung saan maaari nilang gawin ang lahat ng bagay...

Kung saan malaya nilang maipapahayag ang pagmamahal sa isa't isa..

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon