Chapter 19
Nakatingin sa kawalan si Light habang umiinom ng mango shake na ginawa niya kaninang umaga nang lumapit sa kan'ya ang kan'yang asawa.
Umupo rin naman ito sa tabi niya pagkatapos. Para siyang napaso nang lumapat sa kan'yang braso ang braso ito, bahagya siyang dumistansya rito upang hindi magdikit ang kanilang mga balat.
"It's been three weeks, misis ko, since I got home, and I am just wondering... why are you acting this way? Why are you so cold? Did I do something wrong?" sunod-sunod na tanong nito sa kan'ya, nakokonsensya kasi siya sa ginawang panloloko niya dito.
Umiling-iling naman si Light bilang tugon.
"Wala kang ginawang mali, Xenon."
Ako... ako ang may ginawang mali.
"Then, why are you acting this way? Nag-aalala na ako sa iyo," sabi nito sa kan'ya, damang-dama ni Light ang pag-aalala sa boses ng asawa niya.
"Sorry," paumanhin ni Light tsaka malungkot na tiningnan si Xenon.
"You are my wife, kaya iintindihin kita palagi," nakangiting wika nito sa kan'ya.
Maiintindihan mo pa kaya ako kung sabihin ko sa iyo na mahal ko pa rin si Lux?
Maiintindihan mo pa rin kaya ako kapag sinabi kong ayaw ko na sa piling mo?
"Misis ko, our company organized a masquerade ball, it will occur next week. And all of our clients are invited," anunsyo ng kan'yang asawa, bigla namang nakaramdam ng kaba at excitement si Light.
Kliyente nila si Lux. Meaning to say, maaring makita niya ito sa event. 'Yon ay kung dadalo ito.
"Your mood lighted up," puna nito ni Xenon sa kan'ya nang mapansin ang pag-ngiti niya.
"Namiss ko lang mag-attend ng party," pagsisinungaling niya, dahil ang totoo ay nae-excite siyang makita muli si Lux.
Pero dadalo kaya ito? Gayong, hindi maganda ang naging pamamaalam nila sa isa't sa.
"Nakangiti ka na kanina, tapos ngayon nakasimangot ka na naman?" nagtatakang tanong nito sa kan'ya.
"Hindi ako malungkot, nasanay lang akong mag-poker face," sagot ni Light, napailing-iling na lang din naman si Xenon.
Mukhang naguguluhan si Xenon sa inaakto ng kan'yang asawa.
"Magpatahi ka na ng gown mamaya, misis ko. Ipapahatid na lang kita sa driver ko," sabi ni Xenon sabay halik sa noo ni Light.
"Pwede bang ngayon na?" nae-excite niyang tanong dito, hindi niya na nga napansin ang paghawak niya sa kamay ni Xenon dahil sa tindi ng kan'yang nararamdaman.
"You're so excited, huh?" tanong nito sa kan'ya, inubos na lang ni Light ang mango shake niya pagkatapos ay nagpaalam na siya rito na maliligo na.
Agad siyang nagtungo sa may banyo at mas mabilis pa sa alas-quatro ang ginawa niyang pagligo.
Nang makatapos na siyang maligo ay nagbihis kaagad siya at pinuntahan ang asawa niyang iniwan niyang mag-isa kanina sa may kusina.
"Ipapahatid na ba kita, misis ko?" tanong nito sa kan'ya, tumango-tango naman si Light bilang tugon. Lumapit si Xenon sa kan'ya, naramdaman pa ni Light ang pag-akbay sa kan'ya ng asawa.
"Mag-iingat kayo sa biyahe, ha? At h'wag daring na gown ang ipapatahi mo," paalala nito sa kan'ya tsaka iginiya na siya patungo sa Lexus LS nito sa may garahe kung saan naghihintay ang personal driver niya.
"Mang Jose, please take care of my wife," paala ni Xenon sa kanilang driver.
"Yes, sir," sagot ng driver pagkatapos ay binuksan na nito ang pinto ng magarang kotse.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
