Chapter 18
"Lux, ano ba?! Itigil mo na 'yan!"
"Pare, dalawang araw mo nang pinapatay ang sarili mo."
"Lux, gising na! Tama na ang pagiging tanga!"
Dinig ni Lux na sermon nina Giorgio at Zetter sa kan'ya. Dalawang araw na siya rito sa Laguna at dalawang araw na rin siyang nagsusunog ng atay dahil wala siyang patid sa pag-inom ng alak.
"T*ngina, pare! Ang sama mong lalaki. Itigil mo na 'yan," sabi ni Giorgio kay Lux, sinamaan na lang niya ito ng tingin bago siya muling tumungga sa baso ng alak.
"Baka hinihintay ka na ng girlfriend mo sa Manila, maawa ka naman sa girlfriend mo," sabi naman ni Zetter, sinamaan lang din naman siya ng tingin ni Lux.
"H'wag niyo akong pakialaman.," matigas na sabi ni Lux sa mga ito.
"Kaibigan ka namin, malamang pakikialaman ka namin kasi nag-aalala kami sa 'yo," dagdag pa ni Giorgio.
"Kung kaibigan ko kayo, ibalik niyo rito si Light," sabi niya, umiling-iling na lamang ang mga ito.
"Lux, may mga bagay na dapat kinakalimutan na lamang," wika ni Zetter.
"E di h'wag niyo akong pakialaman! Hindi niyo naman pala kayang ibigay ang hinihiling ko, e!" sabi ni Lux, naalala niya na naman ang pang-iiwan na ginawa sa kan'ya ng babaeng mahal niya.
"Pwes, kung hindi ka naaawa sa sarili mo, maawa ka naman sa mga taong nagmamahal at nag-aalala sa 'yo!" sigaw ni Zetter sabay suntok nang napakalakas kay Lux na naging dahilan kung bakit ito nawalan ng malay.
Napabalikwas ng bangon si Asyneth sa sofa na kan'yang kinahihigaan sa bahay ni Lux nang marinig niya na lumalangitngit ang pinto sa may salas.
Kaagad niyang kinuha ang magazine na nakapatong sa may ibabaw ng mesa at inirolyo niya iyon pagkatapos ay naglakad na siya sa patungo sa may pintuan sa salas.
"S-Sino kayo?" tanong niya sa dalawang matikas na lalaki na bumungad sa kan'ya pagkabukas niya ng pinto.
"Are you Lux's girlfriend?" tanong sa kan'ya ng lalaki na may kulay blue na mata.
"A-Ako nga. Bakit? Ano ang nangyari sa kan'ya?" tanong ni Asyneth sa lalaki.
Umalis naman sa harapan niya ang isa pang lalaki na nagtataglay ng dark brown eyes, pagkatapos ay naglakad ito patungo sa kotse na nakaparada sa may harap ng bahay, at nang buksan nito ang pinto ng kotse ay tumambad sa kan'yang paningin ang kasintahan niyang mukhang walang malay.
Kaagad niya itong nilapitan, hindi niya lubusang maisip kung ano ang nangyari nang mawala siya saglit sa piling nito.
May black eye kasi ito, magulo ang buhok, amoy alak, at mukhang hindi pa rin ito naliligo.
"Bubuhatin na namin siya papunta sa loob," anang lalaki na may kulay asul na mata. Sumang-ayon na lamang siya sa mga ito, nang maihiga na ng mga ito si Lux sa may sofa ay nagpaalam na rin kaagad ang dalawang lalaki na aalis na.
Nagpasalamat siya sa mga ito kahit hindi niya alam ang pangalan ng dalawa ay nasisigurado niya na mga kaibigan iyon ni Lux.
Nang makaalis na ang mga ito ay nilapitan niya ang kan'yang kasintahan at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na nakakalat sa gwapo nitong mukha.
"Ano ba ang nangyari sa 'yo?" naiinis ngunit nag-aalala niyang tanong. Isang mahinang ungol n lamang ang itinugon ni Lux sa kan'ya.
Umalis siya sa tabi ng kan'yang kasintahan upang kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo na gagamitin niya sa pagpunas sa katawan nito.
Nang makakuha na siya ay muli siyang lumapit sa binata at inumpisahan niya ng alisin ang butones ng suot nitong polo shirt, pagkatapos ay pinahidan niya ng basang bimpo ang mukha, leeg, braso pati na rin ang malapad nitong dibdib patungo sa walong matitigas nitong pandesal.
"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?" tanong niya muli, nakita niya namang bumukas nang kaunti ang mga mata ni Lux.
"L-Light, is that you?" tanong sa kan'ya ni Lux, nabitawan ni Asyneth ang hawak niyang bimpo nang marinig niya na binanggit nito ang pangalan ng babae na kailanman ay hinding-hindi niya magawang palitan sa puso nito.
"A-Anong sinabi mo?"
"L-Light, you're really here! You didn't leave me," masaya nitong wika habang sumisinok-sinok pa. "God, I miss you so much. Light."
Parang sinasaksak ng isang matalim at matulis na kutsilyo ang kan'yang puso habang paulit-ulit niyang naririnig ang pagbanggit ni Lux sa pangalan ni Light.
"I am not Light," mariin niyang wika, aalis na sana siya sa tabi nito ngunit hinuli nito ang kan'yang pulso. "Ano ba, Lux?!"
"Hindi sapat sa akin ang ilang araw na nakasama kita, Light. I want to be with you... forever," muli nitong wika, hindi na nga napigilan ni Asyneth ang kan'yang mga luha, ito na naman siya... umiiyak na naman siya nang tahimik.
"P-Paano si Asyneth?" tanong niya kay Lux habang pinapahid ang mga luha na patuloy na naglalandas sa kan'yang mga pisngi.
"I can leave her... for you," sagot ni Lux, tila ba'y sinampal si Asyneth ng katotohanan na kailanman ay hindi siya nito magagawang mahalin.
Pinilit niyang makaalis sa bisig ni Lux, at nang makaalis siya sa bisig nito ay malakas niyang sinampal ang pisngi nito.
"Bakit hindi mo ako magawang mahalin! Nagkulang ba ako sa 'yo, Lux?" tanong niya sa lalaki habang humihikbi.
Nanatili lang na nakatingin sa kan'ya si Lux, mukhang hindi naman nito nauunawaan ang sinabi niya.
"Bakit hindi na lang ako, Lux? Ano ba ang pagkakaiba naming dalawa?!"
"Mahal ko siya," sagot nit, pabagsak naman na napaupo si Asyneth sa sahig.
"Mahal kita, Lux! T*ngina mo!" sigaw niya, lumapit pa siya sa kaniya tsaka sumubsob sa dibdib nito, doon siya humagulhol ng iyak.
"M-Mahal kita, pero ayoko na... pagod na akong lumaban sa gerang alam ko naman na ako ang talo," sabi ni Asyneth habang umiiyak.
Naramdaman niya pa na marahang hinaplos ni Lux ang kan'yang balikat, kaya nama'y mas lalo lamang siyang napaiyak.
Mahal kita, pero sobrang sakit na.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
