Chapter 12
Naabutan ni Light si Kate na nakaupo sa may gilid ng kama habang kinakantahan nito ang anak na nakahiga sa kama. Hindi niya naman maiwasan na mapatitig sa mag-ina.
Ano kaya ang pakiramdam ng may anak?
"Light, nandiyan ka pala," sambit sa kan'ya ni Kate nang mapansin siya nito na nakasandal sa may hamba ng pintuan."P-pasok ka," dagdag pa nito,
halatang-halata na nahihiya ito sa kan'ya.
Pumasok siya sa loob ng kwarto pagkatapos ay umupo siya sa may couch sa may paanan ng kama. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Kate.
"P-Pasensya ka na nga pala sa nagawa ko dati," paghihingi ni Kate ng paumanhin sa kan'ya. Tamad naman itong nginitian ni Light.
"Okay lang, matagal na rin namang nangyari 'yon," sabi niya, dumako naman ang paningin niya sa anak nitong nakahiga sa kama.
"Ang gwapo ng anak niyo ni Zetter."
"Kamukha ng daddy niya, kayo ni Lux? May anak na ba kayo?" tanong nito sa kan'ya, nagulat naman si Light dahil sa tanong ni Kate.
"Ha?"
"May problema ba kayong dalawa? Ikaw?" tanong sa kan'ya ni Kate, huminga naman nang malalim si Light, hindi na sana siya magsasalita ngunit nilapitan siya bigla ni Kate. "Nararamdaman ko na may problema ka, Light. Come on... tell me."
Bahagya siyang dumistansya kay Kate, hindi siya komportable sa inaakto nito.
"W-Wala kaming problema, ano ka ba!" sabi niya tsaka umiwas ng tingin para hindi malaman ni Kate na nagsisinungaling lamang siya.
"Light, h'wag mo nang i-deny, nararamdaman ko na meron," sabi nito, napahinga na lang uli nang malalim si Light.
Grabe talaga ang instincts ng mga babae.
"Ano ang problema mo, Light?" tanong muli sa kan'ya ni Kate. Napabuga siya ng hangin bago nagsalita.
"Hindi ko kasi asawa si Lux," pag-aamin niya rito. Bigla namang napatingin si Kate sa kamay ni Light.
"Bakit may wedding ring ka? Don't tell me..."
"Kabit ko si Lux," sagot niya kay Kate.Hindi alam ni Kate kung ano ang dapat niyang sabihin kay Light kaya nanatili na lamang siyang nakatingin dito habang gulat na gulat pa rin sa kan'yang natuklasan.
---
"Walang aalis na hindi lasing, ha!" sigaw ni Zetter habang binubuksan nito ang pang-apat na bote ng quatro kantos.
"Cousin! 'Di ko na keribels! Uwi na ditey!" sambit ni Rain tsaka lumakad na papalayo sa kanila. Hindi na rin naman nila ito pinigilan.
"Buti naman at umalis na ang bakla kong kapatid," wika ni Storm habang kumakain ng pulutan.
"Lux, kumusta ang buhay na may asawa?" tanong bigla ni Giorgio. Ininom na muna ni Luxt ang purong alcohol na nakalagay sa shot glass bago siya sagutin.
"A-ano ba naman 'yang tanong mo, Giorgio!" natatawa niyang wika habang palipat-lipat ang kan'yang paningin sa kan'yang paligid.
"Simple lang naman ang tanong niya, Lux, bakit hindi mo masagot?" nagtatakang tanong sa kan'ya ni Zetter. "Kasi ako, masaya ako sa piling ng asawa ko."
"Oo nga, tsaka I'm sure na kasal na kayong dalawa ni Light. Nakita ko na may suot siyang singsing,e," sabi naman ni Giorgio.
"Baka kabit si Lux," pabirong wika ni Zetter, nabigla pa si Lux nang bigla nitong hinawakan ang dalawang kamay niya pagkatapos ay ipinatong iyon sa mesa."T*ngina!? Kabit ka nga?" tanong sa kan'ya ni Zetter, lahat ng atensyon ng kainuman niya ay nabaling sa kan'ya.
"O-Oo, kabit nga ako," pag-aamin niya sabay subsob ng kan'yang mukha sa mesa.
"F*ck, bud! Inuman lang, walang iyakan," sabi ni Zetter.
"Tell us your story, maybe I can give you some advice," sabat naman ni Thunder.
"P-paanong nangyari na kabit ka?" hindi makapaniwalang tanong naman ni Giorgio.
"That's why I hate falling in love," sabi naman ni Storm.
"Ano ba ang nagyari?" sabay-sabay na tanong ng tatlo, halatang naiintriga ang mga ito tungkol sa kanilang dalawa ni Light.
Nag-angat siya ng mukha pagkatapos ay isa-isa niyang tiningnan ang mga ito at napabuntong-hininga na lamang.
"Masyado ko siyang mahal, kaya kahit alam kong mali... nananatili pa rin ako sa tabi niya," malungkot niyang sabi sa mga ito.
"Alam ba ito ng asawa niya?" tanong ni Giorgio sa kan'ya.
"G*go! May kabit ba na nagpapaalam pa sa asawa ng kakabitan niya, ha?" sagot naman ni Zetter kay Giorgio.
"You are in a very complicated situation, mahirap mamangka sa dalawang ilog," wika naman ni Thunder.
"Ako, kaya kong mamangka sa dalawang ilog. Dalawa ang kamay ko, e." nakangising sabi naman ni Storm habang patuloy pa rin itong kumakain ng pulutan.
"Hindi kayo nakakatulong! Mga walang kwenta!" sabi ni Zetter habang nakatingin ito kina Giorgio. "Ikaw? Wala ka bang sabit, Lux?"
"Meron, may girlfriend ako," amin niya pa.
"Kingina mo ka! Ang dami niyong masasaktan," sabi ni Zetter habang matalim na tinitingnan si Lux. "Alam mo, itigil niyo na ni Light 'yang ginagawa niyo hangga't maaga pa."
"I agree with Zetter, dapat doon kayo sa tama," sabi ni Thunder.
"Doon ako sa ipaglalaban nila ang isa't isa," sabi naman ni Giorgio. Lalo lang naguluhan si Lux nang marinig niya ang iba't ibang opinyon ng mga ito.
"Kung ako ang asawa ni Light, baka grinipuhan na kita sa tadyang, Lux," sabi ni Zetter.
"Kung ako si Lux, babaliin ko 'yang leeg mo," sambit naman ni Storm. Napahinga siya nang malalim at tumayo mula sa kan'yang kinauupuan.
"Saan ka pupunta?" tanong sa kan'ya ni Giorgio.
"Sa loob, lasing na ako," sagot niya, napailing-iling na lamang siya nang marinig niya na pinag-uusapan pa rin ng mga ito ang pagiging kabit niya.
"Ang hirap humingi ng advice kapag mga demonyo ang nasa paligid mo," bulong niya sa hangin bago tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.
---
Naputol ang masayang usapan ni Light at Kate nang narinig nila ang isang katok sa pinto.
"Ako na ang magbubukas," nakangiting wika niya kay Kate sabay lakad patungo sa may pintuan, binuksan niya rin naman ito pagkatapos.Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kan'ya ang malamlam na mukha ni Lux. "T-tapos na kayong uminom ng alak?"
"Hindi pa, pero mas gusto kong makipag-bonding sa 'yo, kasi alam kong may hangganan ito," malungkot na wika ni Lux sa kan'ya sabay yakap sa kan'ya nang napakahigpit. Napangiti na lamang siya tsaka sinulyapan si Kate.
"K-Kate, saan kami pwedeng magpahinga?"
"Ah, diyan sa kabilang kwarto. Bakante 'yan," nakangiting sagot sa kan'ya ni Kate.Nagsalita pa ito ngunit walang boses ng "Sige na, i-enjoy niyo ang araw na magkasama kayo."
Nagpasalamat lang siya sa babae pagkatapos ay naglakad na sila patungo sa loob ng bakanteng kwarto at sabay silang nahiga ni Lux sa kama.
"Light, alam mo... mahal na mahal kita," mahinang wika sa kan'ya ni Lux habang nakatingin ito sa kisame ng kwarto.
"L-Lux," sabi ni Light nang kinubabawan siya ni Lux.
"Pwede bang lasingin muna natin ngayong gabi ang sarili natin sa pagmamahal nating dalawa sa isa't-isa? Kasi pagkagising natin, nasa reyalidad na naman tayo," malungkot at pumipiyok-piyok na sambit sa kan'ya ni Lux.
"L-Lux."
"Sulitin natin ang bawat sandali na sa akin ka, at sa iyo ako," malumanay na wika sa kan'ya ni Lux, hindi niya na napigilan ang paglagablab ang apoy ng kan'yang damdamin..
Iniyakap niya ang kan'yang dalawang kamay sa leeg ng binata tsaka sinunggaban niya ng halik ang labi nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/197068679-288-k681851.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romantik"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."