Chapter 11

1.1K 23 2
                                        

Chapter 11

Nang makarating na sila ni Lux at Vale sa may daungan sa may Laguna ay kaagad na may sumalubong sa kanila na itim na Vios. Excited naman na bumaba si Light sa may yate.

"Giorgio!" masayang sigaw niya nang lumabas mula sa loob ng sasakyan ang kaibigan niya na matagal niya ring hindi nakita. Kaagad siyang tumakbo patungo sa lalaki tsaka sinunggaban ito ng yakap.

"Hinay-hinay lang, baby girl, baka tadtarin ako ng kasama mo," paalala ni Giorgio sa kan'ya habang nakatingin kay Lux.

Agad namang kumalas si Light mula sa pagkakayakap niya kay Giorgio, tinapik-tapik niya na lang ang balikat nito.

Knowing Lux, he is absolutely territorial.

"Kumusta ka na? It's been a long time." tanong sa kan'ya ni Giorgio.

"Maayos naman ako, ikaw ba?"

"I am also good, teka, sa hacienda na lang natin ipagpapatuloy ang kuwentuhan natin," sabi ni Giorgio sabay tingin kay Lux.

"Hoy, Griyego! Hindi nakamamatay 'yang matalim mong tingin sa akin," sigaw niya.

Akmang babatuhin sana ni Lux ang hawak niyang bag kay Giorgio, ngunit mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan ang lalaki.

"Lux," tawag niya sa pangalan nito tsaka pinandilatan ito ng mata. Agad namang ibinaba ni Lux ang hawak niyang bag pagkatapos ay biglang umamo ang mukha nito na parang isang tupa.

Lumapit si Lux kay Light tsaka walang permiso na hinalikan nito ang ka'yang labi. Hindi naman na siya nagulat sa ginawa nito.

Dahil noon pa man ay may pagka-maginoo na ito pero madalas ang pagiging bastos.

"Ómorfi, hop in," sabi ni Lux sa kan'ya. Papasok na sana siya sa loob ng sasakyan nang maalala niya ang lalaking naghatid sa kanila na si Vale kaya tiningnan niya ito.

"Ikaw?" tanong ni Light, tipid na lang siya nitong nginitian.

"I rather choose to stay in my yacht, thanks for inviting by the way," sabi nito. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ni Light ang lungkot na nakapinta sa mukha nito.

"H'wag mong isipin si Vale, gan'yan talaga 'yan," sabi sa kan'ya ni Lux, kaya hindi na siya muling nagtanong, sa halip ay pumasok na lang siya sa loob ng sasakyan.

"Kumusta ang mabuhay ng legal, ha?" tanong ni Giorgio sa kanilang dalawa ni Lux habang nagmamaneho ng sasakyan.

"Well, ako maayos, malayo sa droga, sa illegal firearms at sa iba pang gawain na gustong-gusto ni Satanas. Ikaw?" tanong naman ni Lux kay Giorgio, habang si Light naman ay nakasandal lamang sa balikat ni Lux at pinakikinggan lamang ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Mas maayos keysa sa dati," sagot ni Giorgio habang nakatuon ang mga mata nito sa daan na kanilang binabagtas.

Marami pang pinag-usapan ang dalawa habang nasa biyahe sila patungo sa hacienda, at sa halip na sumali sa usapan ng mga ito ay mas pinili niya na lang na makinig. Hindi kalaunan ay nakaramdam siya ng antok kaya ipinikit niya na ang kan'yang mga mata at natulog.

"Ómorfi, hey, wake up," anang malambing na tinig sa kan'yang tabihan habang mahinang niyuyugyog ang kan'yang balikat. Iminulat ni Light ang kan'yang mga mata, bumungad sa kan'ya ang gwapong mukha ni Lux.

"Nandito na ba tayo?" tanong niya habang iniuunat ang kan'yang braso.

"Oo, nandito ka na sa puso ko. Matagal na," sagot nito sa kan'ya, hindi niya naman maiwasan na mapangiti.

"Ang landi mo talaga!" pang-aasar niya sa binata. Natawa naman nang bahagya si Lux at sabay na nga silang dalawa ni Light lumabas sa sasakyan.

"Matagal na akong malandi," sagot ni Lux sabay haplos sa beywang ni Light.

"Lux!" saway ni Light sa binata.

"Hindi na nga," natatawang sagot nito sa kan'ya at inalis na nga nito ang kamay na nakahawak sa kan'yang beywang.

"Tara na sa loob, kanina pa kayo hinihintay ni Zetter," sabat ni Giorgio. Kinuha muna ni Lux ang kanilang mga gamit sa may compartment ng sasakyan pagkatapos ay lumakad na sila patungo sa isang mansyon.

Hindi maiwasan ni Light na mamangha sa kan'yang paligid ngayon. Ibang-iba ito sa kapaligiran sa Manila.

Maraming puno, sariwa ang hangin at ang huni ng mga ibon ang tanging ingay na naririnig niya, samantalang sa Manila naman ay ingay ng mga sasakyan ang palagi niyang naririnig.

"Light! Lux!" masiglang sigaw ni Zetter. Hindi naman namalayan ni Light na nakapasok na pala sila sa loob ng mansyon dahil sa sobrang pagkamangha niya sa paligid.

"After so many years, nagkita muli tayo!" dagdag pa ni Zetter pagkatapos ay lumapit ito kay Lux at mahigpit siyang niyakap.

"Ehem!" agaw ni Light sa atensyon ng dalawa. Humiwalay si Zetter mula sa pagkakayakap kay Lux, at noong akma itong yayakap sa kan'ya ay humarang sa pagitan nila ni Zetter si Lux.

"Back off. May asawa ka na at sa akin ang babaeng ito," sabi niya sabay hawak nang mahigpit sa kamay ni Light.

"May asawa ka na?" hindi makapaniwalang tanog ni Light kay Zetter.

"Yep."

"You'll be surprised kapag nakilala mo kung sino ang asawa niya," sabat ni Giorgio na nasa likuran nila ni Lux.

"Let's eat first, my wife prepared something to eat," pag-imbita sa kanila ni Zetter at nagsimulang lumakad patungo sa dining kitchen.

Ibinaba na muna ni Lux ang kanilang mga gamit tsaka nagtungo na sila sa kinaroroonan ni Zetter.

"Ano ang ginagawa ng babae na 'yan dito?!" pasigaw na tanong ni Light nang makita niya sa may dining kitchen ang babaeng nagpahamak sa kanilang lahat, ang babaeng dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Lux... si Kate.

"Ahh, όmorfi..Siya ang asawa ni Zetter," malumanay na sagot sa kan'ya ni Lux.

"H-Hello," nahihiyang bati sa ka'nya ng asawa ni Zetter, inilahad pa nito ang kaniyang kanang kamay sa harapan ni Light.

"Hi," ganti niyang pagbati dito at kahit pa nga na naiinis siya sa presensya nito ay tinanggap niya pa rin ang nakalahad nitong kamay.

"Kumain muna tayo, I know you guys are hungry," sabat ni Zetter kaya umupo na sila sa upuan sa may hapag-kainan.

"Kumain na kayo, hon, pupuntahan ko lang ang anak natin sa kwarto niya," sambit ng asawa ni Zetter, humalik pa ito sa pisngi ni Zetter bago ito umalis sa harap ng mesa.

"Kumusta ang buhay na merong asawa, Z" tanong ni Light kay Zetter habang hinihiwa ang pritong tilapia na nasa kanyang harapan. Matamis naman siyang nginitian ng lalaki.

"Masaya, lalo na't may anak na kami. Kayo? Kumusta ang buhay mag-asawa?" tanong sa kan'ya ni Zetter, nilagok niya naman ang sarili niyang laway samantalang nasamid naman si Lux.

"Z, don't ask her about our married life," seryosong sabi ni Lux habang nakatingin sa kan'ya. Mukhang naguluhan naman si Zetter sa sa inasal nilang dalawa at sa tingin niya ay ganoon din si Giorgio.

"Okay, if you say so," sabi ni Zetter, itinuon na lang nila ang kanilang mga atensyon sa pagkain. Akala ni Light ay matatapos silang kumain nang tahimik, ngunit may bumulabog sa kanilang katahimikan nang may marinig silang tinig mula sa kanilang likuran.

"Brader Lulu! Manghihingi na naman ako ng ulam kina kitty! Kalerki talaga kayo!" sigaw ng lalaki na may matinis na tinig.

"Tumigil ka, Rain! Nabi-bwisit na talaga ako!" sabi naman ng lalaki na may pagka-husky ang boses.

"You guys, stop. Act like a professional," anang lalaki naman na malumanay ang boses.

"Z, who are they?" tanong ni Lux kay Zetter.

"Ahh, mga pinsan ko 'yan," sagot nito tsaka lumapit sa tatlong lalaki na nagbabangayan.

"Giorgio, Light and Lux. I want you guys to meet my cousins," sabi nito pagkatapos ay isa-isa nitong nilapitan ang mga pinsan nito upang ipakilala sa kanila.

"This is Thunder Desiderio, professor and slight puk* master," pagpapakilala ni Zetter sa lalaking may malumanay na boses, akmang babatukan ng nagngangalang Thunder si Zetter pero mabilis itong nakaiwas.

"Ito naman si Storm Desiderio, antique collector at legendary puk* master," pagpapakilala ni Zetter sa lalaking husky ang boses, napailing-iling na lamang ito sa sinabi ni Zetter.

"At syempre, ito naman si Rain, ang pinsan ko na gustong magkaroon ng puk*," wika ni Zetter, ngumiti naman ng napakalawak si Rain sabay finger heart.

"Hello, buddies," sabi ni Giorgio. "I am Giorgio Valderrama."

"Lux Zervoullakos, it's nice to meet you, guys," pagpapakilala ni Lux.

"Light Monte –Russo," pagpapakilala niya sa mga ito, nginitian lang din naman siya nito.

"Uminom tayo ng alak," aya sa kanila ni Zetter.

"Oo nga, nakaka-miss din ang bonding natin," sabi naman ni Giorgio.

"Call kami diyan, hindi ba, Thunder at Rain?" tanong ni Storm sa dalawa nitong kapatid.

"Sure," sagot ni Thunder.

"Kering-keri, mga fafa!" sagot naman ni Rain. Tinitigan naman ni Lux si Light sa kan'yang mga mata na animo'y humihingi ng permiso sa kan'ya na payagan niya itong uminom ng alak.

"Sige na, makipag-bonding ka na sa kanila," sabi ni Light, umabot naman hanggang taenga ang ngiti ni Lux dahil sa sinabi niya.

"Si Light? Hindi natin isasama?" tanong ni Giorgio.

"Hindi siya umiinom ng alak. Pero pwede nating isama 'tong baby ko sa ibang bagay," sagot ni Lux kay Giorgio habang marahang pinipisil ang palad ni Light.

"Sa may garden tayo uminom alak," sabi ni Zetter. "Light, doon ka muna kay Kate."

"Sige na, όmorfi, doon ka muna. Mamaya, pagkatapos naming uminom, magpapakalasing naman tayo sa halik ng isa't isa," wika ni Lux sa kan'ya, pagkatapos ay hinalikan nito ang kan'yang noo bago ito nagtungo sa may garden ng mansyon.

Napangiti at napailing-iling na lamang si Light habang naglalakad patungo sa ikalawang palapag ng mansyon.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon