Chapter 6

1.7K 37 5
                                    

Chapter 6

Nakakunot ang noo ni Asyneth habang nakatingin sa kan’yang kasintahan na ngayon ay hindi ginagalaw ang pagkain na nakahain sa ibabaw ng mesa.

Simula nang bumalik ito sa Manila mula sa Taal kung saan nakipag-meeting ito sa Montemayor ay madalas niyang mapansin na tulala ito at parang wala sa sarili.

“May problema ka ba, babe?” nag-aalala niyang tanong kay Lux. Malungkot naman itong tumingin sa kan’ya.

“Paano kung dumating ang araw na bigla na lang kitang iniwanan?”

Nakaramdam siya ng takot at kaba dahil sa tanong nito, hindi niya inaasahan na ganito ang nasa isip ngayon ni Lux.

“Babe naman! Nakakatakot naman 'yang tanong mo!” Tipid naman siyang nginitian ni Lux.

“Sorry, babe,” paumanhin nito tsaka unti-unting ginalaw ang kan’yang pagkain.

Napatitig siya sa mukha ng kan’yang kasintahan, pakiramdam niya may ibig sabihin ang binitawan nitong tanong sa kan’ya.

“Hey, bakit ka nakatitig sa ‘kin?”

“Nothing, babe. I love you,” sabi niya tsaka matamis itong nginitian.

“I like you,” tipid na tugon ni Lux sa kan’ya, kahit sanay na siya na palaging gano’n ang sagot nito sa kan’ya ay hindi niya pa rin maiwasan na malungkot at masaktan.

Mukhang napansin naman ni Lux ang pagbago ng ekspresyon ng mga mata ni Asyneth.

“Kumain ka ng marami, babe, mamamasyal tayo mamaya,” nakangiting sabi ni Asyneth.

Isang tipid na ngiti na lamang ang itinugon ni Lux dito bago niya itinuon ang kan’yang buong atensyon sa pagkain.

---
“Misis ko, you look upset,” nag-aalalang wika ni Xenon sa kan’yang asawa na ngayon ay nakahiga sa kama habang naka-unan ang ulo sa braso niya.

“Ano ba ang nangyari sa meeting? Bakit gan’yan ka simula nang umuwi ka rito?” dagdag pa niyang tanong, talagang nag-aalala at nagtataka siya sa ikinikilos ng kan’yang asawa.

Tiningnan naman siya ni Light tsaka hinaplos ang kan’yang mukha. “H’wag kang magbabago, ha?”

Pinaningkitan niya ito ng mata dahil sa sinabi nito.

“And why would I change, huh?” nagtataka niyang tanong kay Light, ngunit hindi na nagsalita si Light at isang tipid na ngiti na lamang ang itinugon sa kan’ya.

Nang bumalik ito sa Maynila mula sa meeting nito with Shades of Dark ay kakaiba na talaga ang naging kilos nito, hindi maunawaan ni Xenon kung bakit madalas itong tulala at tensyonado.

“Misis ko, tatawagan ko lang ang secretary ko,” pagpapaalam niya kay Light, tumango-tango naman ito. Bumangon na siya sa kama at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table tsaka tuluyan na ngang lumabas sa kanilang kwarto.

Hindi niya naman talaga tatawagan ang secretary niya, ang totoo ay tatawagan niya ang numero ng Restorante De Taal upang alamin ang ilang bagay tungkol sa naganap na meeting doon ng kan’yang asawa.

“Hello, sir! What can I do for you? Reservation?” bungad sa kan’ya ng nasa kabilang linya.

“No, I just want to ask… how's the meeting of my wife yesterday?”

“Ahm, sir, okay naman po. Mabilis lang po natapos ang meeting ni madame kay sir,” sagot sa kan’ya ng babaeng nasa kabilang liny. Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa huling sinabi nito.

“Sir?”

“Opo. Lalaki po ang ka-meeting ni madame kahapon,” paglilinaw sa kan’ya ng nasa kabilang linya. Hindi na siya sumagot at tuluyan nang ibinaba ang tawag habang nanghihina ang kan’yang mga tuhod.

Umakto na lang siyang parang walang bagay na natuklasan nang muli siyang mahiga sa kama, sa tabi ng kan’yang pinakamamahal na asawa.

“Misis ko, kumusta ang meeting kahapon?” Umilap ang mga mata nito.

“O-Okay naman. Madali kaming nagkaintindihan, dahil siguro pparehas kaming babae.” Pagkasagot ni Light sa tanong niya ay kan’ya itong niyakap nang mahigpit.

“I love you and I trust you, misis ko.” 'Yon na lamang ang nasabi niya. Ayaw niyang ungkatin pa ang nangyari sa meeting dahil baka may malaman siyang bagay na maaaring makaapekto sa pagsasama nilang dalawa.

Hindi niya hahayaang may bagay silang pag-aawayang dalawa ni Light.

Hindi niya kakayanin na mawala ito sa buhay niya dahil sobrang mahal na mahal niya ito.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon