Chapter 22

568 17 1
                                        


Sorry mga kumare sa late UPDATE sobrang daming ganap sa life ng kumare niyo nitong nagdaang araw eh HAHA, by the way! enjoy reading!

Chapter 22

NAKAUPO sa may bar stool ng mini bar sa bahay ng kaibigan niyang si Caleb si Xenon habang umiinom ng tsaa na inihanda ng asawa nito para sa kanya habang nakatingin sa kambal nitong lalaki na nagbi-binata na.

"So, what brought you here?" tanong sa kanya ni Caleb habang ihinehele nito ang pangatlo nitong anak na kambal din.

"I need a friend, who will listen to me." sagot niya at nagtataka itong tumitig sa kanya.

"Talk."

"Paano kapag nalaman mo na niloloko ka na ng asawa mo?"

"What kind of question is that?""

"Just answer my question, Caleb."

Ibinaba ng kaibigan niya ang kambal nitong sanggol sa crib pagkatapos ay naupo ito sa katabi niyang bar stool. "I will do everything para hindi niya ako lokohin, I'll make sure na palagi niyang mararamdaman na mahal ko siya para hindi na siya mangaliwa." sabi nito pagkatapos ay tumingin ito sa asawa nito na pinagsasabihan ang panganay na kambal. "Ako, I am hundred percent sure na hindi ako lolokohin ng asawa ko. sa amin pa nga lang, ubos na oras niya eh. tsaka alam kong mahal niya ako."

Mapait siyang ngumiti dito at naisip niya na sana ay ganoon din sa kanya ang asawa niya. "Paano kung ginawa mo na ang lahat pero nagawa ka pa ring lokohin?"

"It's time to quit and to take a rest kapag ginagago ka pa rin. pero nasa iyo pa rin ang desisyon, kung lalaban ka pa ba o susuko na lang. teka, bakit mo nga pala naitanong?"

"Wala." sabi niya pagkatapos ay inubos niya lang ang kanyang tsaa at umalis na siya sa bahay ng kanyang kaibigan.

NAKAUPO sa may harap ng refrigerator si Light habang humahanap ng pagkain na magpupunan sa food cravings niya ngayong umaga.

"Ma'am, ano po bang hinahanap niyo?" tanong sa kanya ng kasambahay nila.

"Hindi ko rin po alam eh." sagot niya pagkatapos ay kinuha niya ang ubas at teriyaki sauce sa refrigerator.

"Ma'am, kakainin niyo iyan?!" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Opo manang, mukhang masarap eh." sagot niya at kitang-kita niya kung paano nangasim ang mukha nito ng isawsaw niya sa teriyaki sauce ang ubas.

"Manang! masarap kaya! try mo." masigla niyang pag-aalok dito ngunit iling lang ang naging tugon nito sa kanya bago nito ipinagpatuloy ang paglilinis sa kanilang bahay.

"It's not good for your health." anang tinig niya sa kanyang likuran.

Umikot siya paharap sa taong nagsalita mula sa kanyang likuran. "I-ikaw pala, m-mister ko." sabi niya.

Lumapit sa kanya ang asawa niya at ng akma nitong hahalikan ang kanyang mukha ay kaagad niyang iniiwas ang kanyang mukha.

Dumistansya sa kanya ang asawa niya pagkatapos ay mapakla itong tumawa. "I knew everything has changed."

Muli niyang iniharap ang mukha niya dito at malungkot niya itong tinitigan.

"Do I deserve this? do I deserve to be betrayed by my own wife?" tanong nito sa kanya at pakiramdam niya ay nangatal ang buo niyang katawan ng dahil sa sinambit nito.

"X-xenon.."

"I knew from the start that you are so much in love with your ex boyfriend.." sabi nito at malungkot itong ngumiti sa kanya. "But you became my wife, and I believe that I can take care and love you better than he can.. pero mali pala ako, dahil kahit anong gawin ko.. hinding-hindi na siya mabubura sa puso mo!" sabi nito at sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nito napagtaasan ng boses.

Hindi niya magawang makapagsalita, nanatili lang siyang nakatingin sa kanyang asawa na ngayon ay lumuluha na ang mga mata.

"Bakit hindi na lang ako? ano pa bang kulang sa akin?" tanong nito sa kanya habang walang patid ang pag-agos ng luha nito sa sariling pisngi.

Bumaba siya mula sa may island counter at nilapitan niya ang kanyang asawa. "W-walang kulang sa iyo.."

"Walang kulang? ah, siguro wala ngang kulang.. siguro nasobrahan ako ng pagmamahal sa iyo kaya tayo nagkaganito." sabi nito pagkatapos ay bumuntung-hininga ito.

"Bakit mo ako nagawang lokohin Light? hindi ba a-ako naging mabuting asawa sa iyo?" dagdag pa nito at puno ng pait at sakit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Mabuti kang asawa.."

"Kung ganoon, sabihin mo sa akin kung bakit pinaranas mo sa akin ang ganitong klase ng sakit?"

Tumalikod siya sa kanyang asawa. "K-kasi mahal ko si Lux.. pagmamahal na kailanman ay hindi ko naramdaman sa iyo."

Pagkawika niya ay narinig niya ang pagkabasag ng mga gamit sa loob ng kusina.

Nilingon niya ang kanyang asawa at kitang-kita ng kanyang dalawang mata na ang sakit na dulot niya dito ay ibinubuhos nito sa pamamagitan ng pagsuntok, pagkalat at pagsipa sa lahat ng bagay na nakikita nito.

"X-xenon.." nangangatal niyang pagtawag sa pangalan ng kanyang asawa at hindi niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha habang pinapanuod ang asawa niyang nagdadalamhati sa sakit na siya mismo ang nagdulot..

"X-xenon, please! wag mong sirain ang buhay mo ng dahil sa akin!" sigaw niya sa kanyang asawa at naramdaman niya na biglang sumakit ang kanyang tiyan.

"X-xenon!" pagbanggit niya muli sa pangalan nito at naramdaman niya ang unti-unting panlalabo ng kanyang paningin.

Pero bago pa tuluyang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig ay naramdaman niya na may bisig na sumalo sa kanya.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon