Chapter 4

2.1K 37 3
                                        

Chapter 4


Hindi maiwasan ni Light na mapangiti habang nakatingin kay Xenon na ngayon ay nakikipaglaro kay Hunter, si Hunter ay anak ng kuya niya at ni Aneceta.

Dito kasi silang dalawa dumiretso sa bahay ng kan’yang kuya pagkatapos nilang mamasyal sa dagat gamit ang yate ng kan’yang asawa, gusto niya kasing bisitahin si Hunter at pati na rin ang kuya niya na hindi niya na madalas nakakasama.

“Tito pogi! Gutso ko pa tokolet cake!” sigaw ni Hunter kay Xenon habang itinuturo ang chocolate cake na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

“Gumawa na rin kayo ng gan’yan, masarap sa pakiramdam kapag may bata sa bahay,” sabat ng taong nasa tabi niya ngayon, ito ay ang kuya niyang si Night.

Nginitian niya na lang ang kan’yang kapatid bilang tugon.

Gusto na nga nilang magkaroon ng anak ni Xenon, ngunit mukhang ayaw pa ng Panginoon na magkaroon sila ng supling.

Lahat naman ng posisyon ay ginawa na nila, tumagilid, tumihaya, dumapa at marami pang iba, ngunit hindi talaga sila makabuo ng bata.

“Nakapag-usap na ba kayo ng ex mo? 'Yung Lux?” biglang tanong sa kan’ya ng kaniyang kuya.

“Huh? Bakit mo naman natanong, kuya?”

Nagkibit-balikat naman ang kuya niya.
“Nothing, matagal na kasing nakalaya si Lux. Baka lang kako nag-usap na kayo.”

Totoong nagulat siya mula sa narinig niya mula sa kan’yang kuya.

Matagal na siyang laya? Bakit hindi man lang siya nagparamdam sa ‘kin? Naaalala niya pa ba ako?

“Don't tell me, hindi mo alam na nakalaya na siya?” Umiling-iling siya.

“Kailan pa siya lumaya?”

Umarko ang kilay ng kuya niya na animo’y parang nag-iisip.

"Siguro two years na rin siyang laya, hindi ka ba nanonood ng tv? Bakit hindi mo alam?"

Mapait siyang napangiti ng dahil sa kan’yang narinig..

Dalawang taon na pala siyang malaya,hindi man lang siya nagparamdam sa akin.

Tama lang pala na pinakasalan kona si Xenon, dahil kung hinintay ko pa ang pagbabalik niya… maghihintay lang ako sa wala.

"Light, are you okay?" pukaw sa kan’ya ng kan’yang kapatid.

“I’m good, kuya, basta huwag mo na lang ulit babanggitin ang pangalan ng lalaking iyon,” sabi niya rito at lumapit kan’yang asawa na ngayon ay sinusubuan ng chocolate cake si Hunter.

---
Panay ang punas ni Lux ng medyo basang bimpo sa mukha ni Asyneth hanggang sa leeg nito, nilagnat kasi ito dahil sa sobrang kalasingan.

“Uhm!” impit na ungol ng dalaga, senyales na malapit na itong gumising.

“Babe, matulog ka muna. You need to rest,” malambing na wika niya habang sinasalat ang noo nito.

“M-May meeting pa tayo bukas kasama ang mga Montemayor,” sabi ni Asyneth at akmang babangon sana mula sa kama nang pigilan ito ni Lux.

“Bukas pa naman iyon e, magpahinga ka na muna, babe. Ako na ang makikipag-meeting sa kanila.”

“Paano ako? Maiiwan ako rito mag-isa?”
malungkot na tanong ni Asyneth sa kan’ya habang nakatulis ang nguso. Marahan namang hinaplos ni Lux ang pisngi nito.

“Tinawagan ko ang ate mo, sinabi ko na maiiwan kang mag-isa rito bukas at sinabi ko rin na samahan ka niya. Pumayag naman ang ate mo.”

“Pero–”

“No more buts, babe, you have to rest and that’s final,” mariin niyang wika, narinig niya naman ang pagbuntong-hininga ni Asyneth.

“Saan nga pala ang meeting, babe?” tanong niya kay Asyneth nang makalimutan niya ang lokasyon kung saan magaganap ang meeting.

“S-Sa Taal Batangas, babe.”

“Bakit do’n?”

“Ewan ko, basta do’n ang gusto ng president ng Montemayor, e. Wala tayong magagawa.”

“Ang president ang magkikipag-meeting? Wala ba siyang secretary? Assistant?”

“Meron, pero gusto raw talaga niya na siya ang nakikipag-meeting, e. Masyado daw 'yun mahigpit pagdating sa pagkuha ng mga kliyente, kaya galingan mo bukas ang pagsagot, ha?”

“Sure, babe. Anyways, babae ba o lalaki ang presidente?” tanong niya kay Asyneth habang sinusuklay ng kan’yang sariling mga daliri ang kan’yang buhok.

“Lalaki.”

“Dapat lang pala talaga na ako ang makipag-meeting do’n,” sabi niya at tinabihan niya sa kama ang kan’yang kasintahan na may lagnat.

“Seloso!” natatawang sagot nito sa kan’ya na tila ba nakalimutan na nito ang mga pinagsasabi sa kan’ya kagabi.

---
“Mister ko, ako na lang ang makikipag-meeting sa kliyente natin bukas,” sabi ni Light sa asawa niya na ngayon ay ginagawang unan ang kan’yang mga hita habang nakahiga sa sofa.

“At bakit naman?” nagtatakang tanong sa kan’ya ni Xenon. Pinisil naman ni Light ang tungki ng ilong nito.

“E, kasi naman, mister ko! Babae ang ka-meeting mo bukas! Nalaman ko sa secretary mo, ako na lang talaga ang makikipag-meeting doon!”

“Ang selosa naman ng misis ko,” natatawang sagot nito sa kan’ya tsaka bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa at nang makabangon na ito ay pinisil din nito ang ilong ni Light.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin na babae pala ka-meeting mo? Huh?”

Nakakalokong ngumiti sa kan’ya si Xenon, inakbayan pa siya nito pakatapos. "Misis ko naman, kahit maghubad pa ‘yon sa harapan ko, hinding-hindi ako maaakit, sa ‘yo lang kaya ‘to tumitigas,” sabi ni Xenon tsaka itinuro ang nasa pagitan ng kan’yang mga hita. Namula naman bigla ang mukha ni Light.

“Ang manyak mo!”

“Sa ‘yo lang, misis ko,” nakangising tugon nito sa kan’ya, naramdaman niya pa ang paglikot ng kamay ng kan’yang asawa.

“X-Xenon, nandito tayo sa bahay ni kuya,” saway niya kay Xenon, laking pasasalamat naman niya nang makinig ito sa kan’ya.

“Are you sure na ikaw na ang makikipag-meeting bukas sa Shades of Dark Restorante, misis ko? Paano ang restaurant mo?”

“Bukas lang naman, e, kikita pa rin ang restaurant ko kahit wala ako doon,” may pinalidad na sagot niya sa kan’yang asawa.

“Okay, misis ko, hindi na ako sasama.”
Nginitian niya na lang ang kan’yang asawa at inihilig ang kan’yang ulo sa balikat nito.

“I love you, Light.”

“Same to you,” sagot niya, narinig niya naman ang pagbuntong-hininga ni Xenon bago siya tuluyang niyakap.

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon