Chapter 15
Hindi mapigilan ni Light na mapabunghalit sa pagtawa habang pinagmamasdan niya sina Lux na nakikipaglaro kay Kaze ng banggit-lata.
Hindi kasi natataya ng mga ito ang batang si Kaze, at kapag naman ibinabanggit na ng mga ito ang tsinelas, ang taya ang natatamaan sa halip na ang lata.
"Ang saya nila, ano?" sambit sa kan'ya ni Kate na ngayon ay pinapanood din ang pakikipaglaro nina Lux sa anak nitong si Kaze.
"Oo nga, ang sarap palang manirahan sa ganitong bukid. Tahimik at presko ang hangin," sabi ni Light tsaka kinuha ang puting towel na nakapatong sa may mesa nang makita niya na papalapit sa kan'ya si Lux, marahil ay tapos na ang mga itong maglaro.
"Basang-basa ka na dahil sa pawis, halika nga at papahirin ko iyan," dagdag pa ni Light, matamis na ngumiti sa kan'ya si Lux bago ito lumapit sa kan'ya. Kaagad namang pinunasan ni Light ang leeg at mukha nito.
"Sana oil," sabay-sabay na wika ni Giorgio at ng dalawang Desiderio.
"Tumalikod ka, pupunasan ko ang pawis mo sa likod," sabi niya, kaagad namang tumalikod si Lux.
"Misis na misis ang datingan, ah," pabirong wika ni Zetter habang pinupunasan ni Kate ang pawis nito sa leeg.
"Kaya nga Z, misis ko na nga ang itatawag ko rito, eh," sagot ni Lux kay Zetter, natigilan naman si Light sa pagpunas sa likuran ni Lux dahil sa sinabi nito.
"Don't call me that," mahina ngunit madiin niyang wika kay Lux.
"Bakit naman?"
"Basta, ayoko," sabi ni Light at hindi na muling nagsalita.
Ayokong tawagin mo akong misis ko, dahil iyon ang tawag sa akin ni Xenon..
"Ómorfi, gusto mo bang sumama sa amin nina Zetter?" tanong ni Lux kay Light kaya naudlot ang pag-iisip niya tungkol sa kan'yang asawa.
"Saan naman?" tanong ni Light dito tsaka humarap sa kan'ya.
"Sa may farm, magtatanim. Gusto mo ba?" tanong nito sa kan'ya. Na-excite naman si Light dahil sa sinabi ni Lux.
"Sige! Sasama ako. Kailan ba?"
"Ngayon na, kaya maligo na tayo," sabi ni Lux tsaka pilyong nginitian si Light.
"Hindi ka pwedeng maligo, pinawisan ka oh!" sabi ni Light at itinuro ang sentido nito na may butil-butil pa ng pawis.
"E di, ikaw na lang ang maligo. Sasamahan na lang kita sa loob ng banyo," nakangising sabi ni Lux, hindi na rin naman nakaangal pa si Light dahil kaagad siya nitong inakbayan at iginaya na siya patungo sa banyo sa loob ng kwartong tinutuluyan nila.
"Lux, diyan ka na lang sa labas," utos niya sa binata nang sumama pa ito sa loob ng banyo, pinapanuod [a nito ang ginagawa niyang paghuhubad ng kan'yang kasuotan.
"Ayoko."
"Lux! Kapag hindi ka lumabas, hindi ka makaka-score sa akin mamaya," pagbabanta niya sa binata, mukhang natakot naman si Lux sa sinabi niya dahil umalis na ito sa loob ng banyo.
Napailing-iling na lang si Light nang maisip niya na uuwi siya sa bahay nila sa Maynila na laspag na. Wala kasing pinalilipas na gabi si Lux na hindi siya nito inaangkin.
Mapait siyang napangiti nang dumaan sa kan'yang isipan si Xenon. Hindi niya na yata kakayanin na makatabi ito sa pagtulog.
Hindi niya na yata makakayang gampanan ang pagiging asawa niya dito..
Siguradong nag-aalala na iyon sa akin, hindi bale. Bubuksan ko mamaya ang cellphone ko para masabi ko sa kan'ya na okay lang ako.
Hindi niya maiwasan ang malungkot para kay Xenon. Her husband doesn't deserve this.
"Baby, matagal ka pa ba?" Lux interrupted her thought.
"I'm almost done," she answered, ibinalot niya na rin naman ang kan'yang katawan sa towel na dala-dala niya. Nang lumabas siya ng banyo ay naabutan niyang nakaupo si Lux sa may gilid ng kama at wari'y hinihintay talaga nito ang paglabas niya.
"Magbihis ka na, όmorfi," wika ni Lux habang malagkit na nakatitig sa kan'ya.
"Magbibihis na nga po," sabi niya, binuksan niya ang bag niya na naglalaman ng kan'yang mga undergarments, ngunit nang pagbukas niya ay walang kahit ni isang panty siyang nakita.
"Lux, nasaan mga panty ko?" tanong niya sa binata na ngayon ay nakangisi habang nakatitig sa kan'ya.
"I love your red lace panty, it suits you well," mapang-akit na sambit sa kan'ya ni Lux pagkatapos tsaka may kinuha mula sa likuran nito. Pinandilatan naman siya ni Light ng mata.
"Lux! Akin na 'yang panty ko!" sigaw niya sa binata.
"Kiss me first, baby," pilyo nitong wika sa kan'ya. At dahil ayaw niya na wala siyang panty na maisuot, ay umupo siya sa kandungan nito at tsaka hinalikan siya.
"Akin na, Lux, nahalikan na kita, e."
"Not enough, baby. I want you to kiss my whole face," malambing na wika nito sa kan'ya. Kaagad niya namang hinalikan ang buong mukha ni Lux.
"Na-kiss na kita, akin na 'yang panty ko. Pati na rin 'yung iba," sabi ni Light, ibinigay na rin naman sa kan'ya ni Lux ang red lace panty niya, ipinakita pa nito ang ibang panty niya na itinago pala nito sa ilalim ng kumot.
"Put some clothes now on your luscious body, baby," bulong nito sa kan'ya. "Bago ko pa maisipang taniman ng halik ang buong katawan mo," dagdag pa ni Lux tsaka hinampas ang kan'yang puwetan bago ito lumabas ng kwarto.
Gosh.
Isinuot niya ang longsleeves na kan'yang unang nakita mula sa mga damit na kan'yang dinala at pinaresan niya iyon ng leggings, pagkatapos ay ipinusod niya ang kan'yang buhok at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
"Ómorfi," papuri sa kan'ya ni Lux, parang manghang-mangha pa ito habang nakatingin sa kan'ya.
Hindi naman maiwasan ni Light na kiligin dahil sa uri ng pagtitig nito sa kan'ya. Bago pa siya tuluyang mangisay sa kilig, niyaya niya na si Lux patungo sa farm.
"Si Snowball ulit ang gamitin niyo," sabi sa kanila ni Zetter. Niyakap muna ni Zetter sina Kate at Kaze bago siya sumakay sa itim na kabayo.
"Hindi kayo sasama, Kate?" tanong ni Light sa asawa ni Zetter.
"Nako! Dito na lang kami, magpapasaway lang si Kaze doon," sagot nito sa kan'ya habang nakahawak ito sa manggas ng damit ni Kaze dahil umiiyak ang bata at nagpupumilit na makaalis kay Kate dahil gustong sumama ng bata sa ama nito.
"Gano'n ba? Sige, kami na lang ang pupunta. Pero teka lang, nasaan si Giorgio?"
"Nauna na sa farm, kasama ang mga Desiderio," sagot ni Zetter sa kan'ya.
"Let's go, όmorfi," sabi ni Lux kay Light habang nakalahad ang kamay nito sa babae. Tinanggap naman iyon ni Light kaya ibinuhat na siya ni Lux para makasakay na siya sa kabayo.
"Hold on tight, όmorfi, and don't let go," sabi sa kan'ya ni Lux bago nito tuluyang pinatakbo ang kabayo.
"Bakit ang tagal niyong dumating?" naninitang tanong ni Giorgio sa kanilang dalawa ni Lux pagkababa pa lamang nila sa kabayo.
Tiningnan naman ni Light nang masama si Lux bago nito sagutin ang tanong ni Giorgio.
"Ito kasing kaibigan mo, masyadong binagalan ang pagpapatakbo ng kabayo."
"Nilalasap ko kasi ang bawat segundo na kasama kita," sabi sa kanya ni Lux sabay yakap sa kan'yang beywang.
"Magtanim muna bago harot!" natatawang sita sa kanila ni Giorgio habang lumalakad ito papalayo. Umiling-iling na lang sina Lux at Light.
"Ang payapa dito, 'no?" wika ni Lux tsaka nginitian si Light. "Kung bubuo ako ng pamilya, gusto ko... dito sa bukid."
"Bakit naman dito?"
"Kasi simple lang ang pamumuhay dito. Gusto ko dito tayo bumuo ng pamilya," sabi ni Lux. Bahagya namang nagulat si Light dahil sa sinabi ng lalaki. "K-kung ako ang pipiliin mo, iyan ang pangarap ko para sa ating dalawa."
Naramdaman ni Light ang lungkot sa boses ng binata kaya tumingkayad siya upang magpantay ang kanilang mga mukha tsaka tumitig sa mga mata nito.
"Pwede bang h'wag muna nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan? Maaari bang maging masaya lang muna tayo? Habang kapiling pa natin ang isa't isa." Hinaplos naman ng binata ang kan'yang kanang pisngi.
"Gusto kong maging masaya habang kapiling kita, ngunit mas bibilis na naman ang oras kapag ganito," nakangiti ngunit malungkot na sabi ni Lux kay Light habang nakatitig sa mga mata niya.
Ilang minuto silang nanatiling gano'n bago sila tuluyang nakabalik sa kanilang mga wisyo.
"Tara na nga doon! Gusto ko nang magtanim, e," pagyayaya ni Light sa binata. Hindi na lang nagsalita si Lux, sa halip ay mahigpit na lang nitong hinawakan ang kamay niya.
Kaya ang resulta ay magkahawak-kamay silang lumakad patungo sa kinaroroonan nina Zetter.
"Love birds, ano ang gusto niyong itanim?" tanong sa kanila ni Giorgio na ngayon ay abala sa pagtatanim ng kamatis. Inilapit naman ni Lux ang mukha niya sa taeng ni Light.
"Gusto kong magpunla ng binhi ko sa loob mo," malanding bulong ni Lux kay Light, siniko ni Light si Lux sa kan'yang tiyan, ngunit parang hindi man lang nasaktan ang binata.
"Ano ba ang pwede naming itanim?" tanong ni Lux kay Giorgio habang natatawa pa rin dahil sa inasta ni Light.
"Petsay. Doon kayo sa dulo, para makapaglampungan kayo," sagot ni Zetter tsaka ibinigay sa kanilang dalawa ang mga buto ng petsay.
"Doon daw tayo," sabi ni Light kay Lux at itinuro ang bakanteng lupa sa may dulo ng bukid. Nginitian naman siya ni Lux.
"Maganda sa pwesto na iyon, solong-solo kita," komento ni Lux tsaka hinawakan muli ang kamay ni Light.
Nang makarating na sila sa kanilang pagtataniman ng petsay, pinaghiwalay na nila ang magkahawak nilang kamay para makapag-umpisa na sila sa pagtatanim.
"Ómorfi," tawag sa kan'ya ni Lux habang ibinabaon nito sa lupa ang punla ng petsay.
"Hmm?"
"Nami-miss na kaagad kita," sabi sa kan'ya ni Lux, hindi naman maiwasan ni Light na mapangiti dahil sa sinabi ng binata.
"Miss mo na agad ako? Magkasama pa naman tayo ah!" Nag-pout ng lips si Lux bilang tugon.
"Namimiss na agad kita, e! Halika nga rito," sabi ni Lux, sinunod naman ni Light ang sinabi ng lalaki.
Nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong yakapin nang mahigpit. "My life will be a mess if you leave me," dagdag pa ni Lux tsaka mas hinigpitan pa ang yakap sa kan'ya.
Sobrang higpit ng yakap ni Lux sa dalaga, 'yung tipong parang mawawala na siya ngayon sa piling niya.
"Ako rin naman, hindi ko na yata kakayaning malayo pa sa piling mo," sabi niya tsaka niyakap pabalik si Lux.
"I love you, Light, you are my Achilles heel," sabi ni Lux tsaka kumalas na sa pagkayakap sa kan'ya. Akala niya ay kung bakit, 'yon pala ay dahil papahiran siya nito ng putik sa mukha.
"G*go ka talaga! Sinira ang moment natin!" natatawang sigaw ni Light sa binata. Kumuha rin siya ng putik at tsaka ibinato iyon sa mukha ng binata.
"Light! Baby!" natatawang sabi sa kan'ya ng binata. Nagsimula na rin namang tumakbo si Light no'ng makita niyang may hawak na rin na putik si Lux.
Akala niya ay ligtas na siya, ngunit mabilis siyang naabutan ng binata at niyakap siya nito mula sa likuran.
"I will follow you wherever you go." Muling napangiti si Light dahil sa sinabi ng binata.
"I love you, Lux."
"I love you too, Light. I love you more than anything else," bulong sa kan'ya ni Lux. Lalong lumawak ang mga ngiti ni Light, nag-uumapaw ang sayang nararamdaman niya ngayon, para bang hindi matutumbasan ng malawak na lupain na nasa harapan nila ang sayang kasalukuyan niyang nararamdaman.
At dahil nga sa tindi ng sayang nararamdaman nila, hindi na naman nila napansin ang pagbilis na pagtakbo ng oras.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
