Chapter 26
"JUSMIYO CORAZON naman Light!"
"Paano nangyari sa iyo ang ganito?"
"Kapag nakita ko yang gagong griyego na yun babasagin ko ang mukha noon!"
Sunud-sunod na sermon ang natanggap ni Light mula sa kanyang kuya at mga magulang.
Dito kasi siya pansamantala sa bahay ng magulang niya tumuloy. noong dumating siya dito kahapon ay wala pa ang mga ito dahil bumisita ang mga ito sa bahay ng kanyang kuya.
Att ngayon na nakauwi na ang mga ito, ay abot-abot na sermon ang kanyang natanggap.
Ibinulgar na kasi ng kanyang kuya ang ginawa niyang pangangaliwa at tutal ay alam na ng mga ito ang lahat, ay sinabi niya rin ang kanyang pinakamalaking rebelasyon.
Na buntis siya at si Lux ang ama.
"Lintik na buhay ito! ano bang naging pagkukulang namin sa iyo Light? mali ba ang naging pagpapalaki namin sa iyo?" tanong ng ama niya sa kanya habang nakasabunot ito sa sariling buhok.
"A-anak ko, bakit?" tanong sa kanya ng mama niya habang malungkot na nakatingin sa kanya.
Hindi naman na nagsalita ang kuya niya, sa halip ay nanatili lang ito na nakatingin sa kanya habang nag-uumigting ang panga.
"S-sorry.. ma, pa.. kuya." sinserong paghingi niya ng tawad sa mga ito habang nakahawak sa tiyan na wala pang umbok.
"Ano pa nga bang magagawa namin? edi,haharapin na lamang natin yang problema mo.. nandiyan na yan eh. tsk." dismayadong wika ng ama niya.
"M-mama, sorry." sabi niya at yumakap siya sa kanyang ina at humagulhol siyasa pag-iyak sa balikat nito.
"Ssh. tahan na anak ko, hindi na natin maibabalik ang nakaraan.. ang dapat nating gawin ngayon ay ang harapin ang problema mo, wag kang mag-alala dahil sasamahan ka namin anak sa laban mong ito." sabi nito at mas lalong lumakas ang kanyang pag-iyak ng dahil sa sinambit ng kanyang ina.
Naramdaman niya na hinagod nito ang kanyang likod. "Dadamayan ka namin anak sa problema mo, sabi nga sa misa kanina.. kapag ang anak ay may problema dapat ay ginagabayan ng magulang at hindi dapat iniiwan." dagdag pa nito at parang matutunaw sa galak ang kanyang puso dahil sa suporta na ipinaparamdam nito sa kanya.
Tumigil siya sa pag-iyak ng marinig niya na may kumakatok mula sa pinto sa labas ng kanilang bahay.
"May inaasahan ba tayong bisita?" tanong ng ama niya sa kanyang ina.
Nagkibit-balikat ang kanyang ina. "Wala, check mo na lang anak Night kung sino yung kumakatok."
Kaagad namang sinunod ng kanyang kuya ang sinabi ng kanilang ina. "Ay putangina!" isang malutong na mura ang narinig niya mula sa kanyang kuya at napatingin siya sa kanilang pintuan.
"L-lux.." naibulalas niya ng makita niya na ang taong nakatayo sa kanilang pintuan ay walang iba kung hindi ang lalaking mahal niya.
Bumilis ang pintig ng kanyang puso ng lumapit kay Lux ang ama niya at ng kaladkarin nito si Lux sa kanyang harapan.
"Ito ba?! ito ba ang lalaking nakabuntis sa iyo?" tanong sa kanya ng ama niya habang nakahawak sa kwelyo ng suot na polo shirt ni Lux.
Nagkatitigan silang dalawa ni Lux at ramdam na ramdam niya sa bawat titig nito ang pangungulila nito sa kanya.
At ganoon din siya, namimiss niya rin ito..
"P-papa.."
"Ako nga po, ako po ang nakabuntis sa anak niyo." sagot ni Lux at nanlaki ang mga mata niya sa sunod na nangyari.
Sinuntok ito ng ama niya sa may tiyan nito at sinuntok naman ng kuya niya ang mukha nito.
"Papa! kuya!" sigaw niya at akmang lalapit siya sa mga ito ngunit pinigilan siya ng kanyang ina.
"He deserved it." usal ng kanyang ina.
"Ma! he doesn't deserve it! parehas kaming nagkamali, hindi lang siya.." sabi niya at muli siyang napaiyal.
"I-I love you, όmorfi.." pautal-utal na wika sa kanya ni Lux habang patuloy pa rin itong binubugbog ng kanyang ama at kapatid.
"Lux! please pa, kuya! wag niyo naman siyang saktan!" pakiusap niya sa kanyang ama at kuya ngunit tila ay hindi siya naririnig ng mga ito.
"I-I'll be fine, I love you so much.." nakangiting wika ni Lux sa kanya at mukhang hindi nito iniinda ang mga suntok na ipinalalasap dito ng kanyang ama at kapatid."
"Mama! si Lux, ma!" umiiyak na wika niya sa kanyang ina habang ipinapadyak niya ang kanyang mga paa.
"Ssh. anak, nakikipag-bonding lang ang kuya at papa mo sa lalaking mahal mo."
Napatingin siya kay Lux na ngayon ay nakaluhod na sa sahig.
She wanted to help him, pero paano?
"I love you όmorfi.. ikaw lang ang nag-iisang babae na minahal ko ng ganito." pautal-utal nitong wika habang nakatingin sa kanya.
"Lux!" sigaw niya sa pangalan nito ng makita niya na bumagsak na ang katawan nito sa sahig.
Akmang lalapitan niya ito ng marinig niya ang dumadagundong na boses ng kanyang ama. "Go to your room Light! or else I will kill this bastard!" asik nito sa kanya at kahit labag sa kanyang kalooban ay sinunod niya pa rin ito.
NAPAPAKAGAT na lamang sa kanyang ibabang labi si Lux habang malayang tinatanggap ang mga suntok at sipa sa kanya ng ama at kuya ni Light.
"Bakit ang anak ko pa!" sigaw sa kanya ng ama ni Light at muli nitong sinuntok ang kanyang tiyan.
"M-mahal ko ang anak niyo.." pautal-utal niyang sagot at napahawak na lamang siya sa kanyang tiyan na sinuntok nito.
"Pa, siguro dapat itigil na natin ito.. baka mapatay natin yan, ayoko namang lumaking walang ama ang magiging pamangkin ko." suway ng kapatid ni Light at halos sambahin niya na lahat ng santo sa buong mundo ng itigil na ng mga ito ang pagbugbog sa kanya.
"Gaano mo kamahal ang anak ko?" tanong ng ama ni Light at kahit nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pasa na nakuha niya mula sa mga suntok ng mga ito ay pilit siyang tumingin ng diretsyo sa mata ng ama nang babaeng mahal niya.
"Mahal ko si Light, higit pa sa buhay ko.." sinsero niyang wika.
Dinig niya ang pagbuntung-hininga ng ama ni Light. "Wala na talaga kaming magagawa para mapaghiwalay kayo.. sige na Night, dalhin mo na yan sa kwarto ng kapatid mo." utos ng ama nito at wala siyang narinig na pagtutol mula kay Night.
"Alagaan mo ang kapatid ko, sobrang mahalaga iyon sa akin.. ayokong nasasaktan siya." sabi ni Night at inalalayan siya nitong maglakad patungo sa kwarto ng babaeng mahal niya.
"Kahit hindi mo sabihin, gagawin ko talaga yan.. mamahalin ko siya at aalagaan." sabi niya ng makarating na sila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Light.
"Hindi ako masaya na ganito ang nangyari sa kapatid ko, pero.. wala akong magagawa, pag-ibig yan eh' at ang pag-ibig ay hinahamak ang lahat kahit pa nga makasakit pa ito ng damdamin ng ibang tao." pagkawika nito ay iniwan na siya nito sa tapat ng kwarto ni Light.
Napabuntung-hininga siya ng maalala niya si Asyneth. siguro nga ay nasaktan niya ito, pero naniniwala siya na balang-araw ay mapapatawad rin siya nito dahil mayroon itong mabuting puso.
And hopefully, mapatawad rin siya ng ex-husband ni Light.
Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto at tila nabawasan ang sakit ng kanyang katawan ng bumungad sa kanyang paningin ang mala-anghel na mukha ng natutulog na si Light.
Marahil ay nakatulog na ito mula sa pag-iyak dahil namamaga ang ilalim ng mga mata nito.
Lumapit siya dito pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang noo nito.
"I don't care if the world is against us, as long as you are with me.. I am brave enough to welcome all the waves of problem, I am willing to be kick and punch by your father and brother.. handa akong harapin lahat, basta wag ka lang mawala sa akin. I love you, όmorfi.." bulong niya kay Light bago siya tuluyang nahiga sa tabi nito.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romansa"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
