Chapter 3

2.4K 50 1
                                    

VOTES WILL BE HIGHLY APPRECIATED :)

Chapter 3

Naabutan ni Light ang kan'yang asawa sa opisina nito na hinihilot ang sentido habang nakatingin sa mga papeles na nakatambak sa ibabaw ng mesa niya. Nilapitan niya ito pagkatapos ay iniyakap ang kan'yang mga kamay sa leeg nito.

"Misis ko," mahinang wika sa kan'ya ni Xenon, hinawakan nito ang kamay niya at marahan itong hinaplos.

"You're stressing yourself again," nag-aalala niyang wika rito. Nilingon siya nito at hinalikan ang kan'yang labi.

"I am not stressed, misis ko."

Kumandong siya sa mga hita nito. "Bakit gan'yan ka? Bakit mukha kang stressed?"

"Dahil dito." Itinuro nito ang isang larawan ng isang simple ngunit eleganteng restaurant na nakapatong sa ibabaw ng table.

Shades of Dark restorante.

"Ano ang meron diyan?"

Dinig ni Light ang pagbuntonghininga ng kan'yang asawa bago ito magsalita. "Because they're our new client, and I am glad that our company is the one who'll be going to advertise their mounting restaurant."

"You should be happy, mister ko."

"Yeah, I should... but–"

"But?"

"I want to announce this good news to our employees, but I don't know how to do it," malungkot nitong tugon sa kan'ya.

Her husband has a glossophobia, meaning he is anxious when it comes in speaking in public.

Naaalala niya pa rati, pinilit niya ito na magsalita sa isang press conference, ngunit bigla na lamang itong nahimatay. Kaya simula noon, hindi niya na ito pinilit na labanan ang takot nito sa pagsasalita sa harap ng maraming tao.

"It's okay mister ko, let your secretary announce the good news. You are a good boss, I'm sure that they'll understand you."

Hinaplos nito ang kan'yang pisngi. "And you are a good wife."

Napangiti naman siya sa tinuran nito.

"Misis ko, I think we need to take a trip. Bigla ay nasabi nito sa kanya.

Inarkuhan niya ito ng kilay. "At bakit naman?"

"Na-miss ko lang ang maglayag sa dagat at ang yacht ko. I miss driving it."

"Game ka ba, misis ko?"

"Paano ang restaurant ko?"

"Restaurant pa rin iyon, pag-uwi natin. Sige na, pumayag ka na," wika nito sa kan'ya habang nagpa-puppy eyes.

"Sige na nga, pumapayag na ako!" sagot niya, agad naman siyang niyakap nang mahigpit ng kan'yang asawa.

---

Panay ang lagok ni Lux ng alak habang umiindayog sa saliw ng musika sa loob ng kan'yang audio room. Ganito ang paraan ng kan'yang pagce-celebrate sa tuwing may magandang nangyayari sa buhay niya.

Katulad ngayon, pinirmahan na ng Montemayor Advertising Company ang kanilang application upang ito ang mag-advertise sa kanilang restaurant. At dapat talaga iyong ipag-celebrate dahil hindi ito basta-basta na kompanya, kilala ito sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asya.

"D-Dancing with a-a-a stranger!"
Napatigil siya sa pagsasayaw nang madinig niya ang pag-awit ng kasama niya ngayon sa audio room.

Si Asyneth.

Pagewang-gewang na ang kan'yang kasintahan habang sumasayaw ito at kumakanta.

Kasama niya ito sa pagdiwang sa bawat tagumpay na kanilang nakakamit, at kagaya niya, gusto rin nito na dito na lang sa kan'yang bahay mag-celebrate upang hindi malaki ang gastos.

"Babe, you drink too much," awat niya sa kan'yang kasintahan nang tangkain pa muli nitong kumuha ng isang bote pa ng Double Black na nakapatong sa mesa.

"W-What? What did you say?" tanong nito sa kan'ya habang sumisinok-sinok at namumungay pa ang mga mata.

"Stop drinking."

"I am not Light! Yeah! I know that you can't love me back because of her!" sigaw nito sa kan'ya at talaga namang nagulat si Lux dahil dito.

"Babe, lasing ka na." Akmang hahawakan niya sana ang braso nito pero itinulak siya nito papalayo.

"Why c-can't you love me back?" sumisinok-sinok na tanong ni Asyneth sa kan'ya. Nilapitan niya ito at niyakap, ngunit nagpumiglas ito habang nasa mga bisig niya.

"I'm such a fool to fall in love with a man who loves another woman."

"Babe."

"Ano ba ang kulang sa 'kin? Bakit hindi na lang ako?" tanong ni Asyneth sa kan'ya, ramdam niya pa ang likidong tumutulo sa kan'yang braso.

"Ssh... babe. I like you. stop crying," wika ni Lux habang hinahagod ang likod nito.

"I was the one who stayed with you when you were at your worst, but why can't I have you now when you're already at your best? Tell me why!" sigaw nito sa kan'ya,  hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.

"Babe..."

"Tell me, Lux, what should I do?" tanong ni Asyneth kay Lux, pinatingin naman ito ni Lux sa kan'ya. Hindi niya maiwasan ang masaktan para kay Asyneth habang nakatingin sa luhaan nitong mga mata.

"Just stay with me and I will teach my heart to love you," usal ni Lux, pagkatapos ay hinagkan niya ang noo nito.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang siyang napatitig sa isang sulok ng silid. Hindi siya sigurado sa sinabi niya kay Asyneth, pero susubukan niya, susubukan niyang burahin sa puso niya ang kan'yang unang pag-ibig.

Si Light...

—————————
Connect with me on Instagram 🐦👇
https://mobile.instagram.com/ricafiery

Sinful Desire (Published Under DJEB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon