Dedicated to EsmhaelBongaitan thankyou kumare kong OFW sa pagbabasa ng story ko! saludo ako sa iyo 🥰
Chapter 24
NAKASUNOD ang sekretarya ni Xenon sa kanya habang naglalakad siya patungo sa may elevator ng kanyang opisina.
"Sir, may meeting po kayo with Mr. Vale Damon Lucero."
"Sir, may kontrata pa po kayong kailangang pirmahan."
Nilingon niya ang kanyang sekretarya ng makapasok sa sila sa loob ng elevator. "Cancel all of my appointments."
Namilog ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Hah? sir paano ko po---"
"Gawan mo ng paraan, ikaw na ang bahala diyan." sabi niya at ng tumunog na ang elevator ay lumabas na siya doon at naglakad na siya patungo sa may ground floor kung saan naghihintay ang kanyang personal driver.
"Sir, saan po tayo?" tanong sa kanya ng driver niya.
"Shades of Dark Restorante." tipid niyang sagot dito pagkatapos ay naglakad na sila palabas ng building at nagtungo sa sasakyan niyang nasa harap ng building ng kanyang kompanya.
NAPAHAWAK na lamang si Lux ng mahigpit sa sandalan ng sofa sa loob ng opisina sa kanyang restaurant.
Bigla na lamang kasing sumakit ang kanyang tiyan, marahil ay gawa ng hindi pa siya kumakain ng umagahan. lumapit siya sa fridge sa loob ng kanyang opisina upang kumuha ng tubig. ngunit naantala ang kanyang pagkuha ng tubig ng padabog na bumukas ang pinto ng opisina niya.
"Who are you?" tanong niya sa lalaking nangahas na buksan ang pinto niya.
Napatitig siya sa lalaki at nangunot ang kanyang noo habang nakatingin dito, pamilyar ang hitsura nito sa kanya. hindi niya nga lang maalala kung saan at kailan niya ito nakita.
"Are you the Greek Lux Zervoullakos? the one who stole my wife?" dire-diretsyo nitong tanong sa kanya.
So, siya pala ang asawa ni Light. kaya pala pamilyar. wika niya sa kanyang isipan.
Nginisian niya ang lalaki. "Have a seat." sabi niya at parang nawala ang sakit ng kanyang tiyan dahil sa tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ngayon ng asawa ni Light.
"I came here to say that, I am giving up on my wife. pero sa nakikita ko ngayon, parang ayokong ipaubaya siya sa iyo.." sabi nito at tumingin ito sa fridge niya na naglalaman ng mga alak..
Bote ng alak na wala ng laman.
"Sa tingin mo susukuan ko si Light? sa tingin mo uurungan kita?" tanong niya dito at nagulat siya sa sumunod na nangyari, lumapit ito sa kanya pagkatapos ay kinwelyuhan siya nito.
"Light, doesn't deserve man like you!" nangangalit na wika nito sa kanya at nagdilim ang kanyang paningin sa tinuran nito.
Inundayan niya ng suntok ang kalamnan nito na naging dahilan upang mapaatras ito at bumitaw sa kanyang kwelyo.
At nagulat siya sa sumunod na nangyari, dahil sinuntok siya nito at tumama iyon sa kanyang mukha.
"Sana hindi ka na bumalik! sana habang buhay ka na lang na nakulong! sana masaya pa kami ni Light hanggang ngayon!" sigaw nito sa kanya at patuloy silang nagpambuno sa loob ng kanyang opisina.
Tumigil lang sila sa pagsusuntukan ng napansin nila na may mga tao na nakikiosyoso sa kanila at ang iba ay vine-videohan pa sila.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at ng makatayo na siya ay inilahad niya ang kanyang kanang kamay sa lalaki upang tulungan niya itong makatayo.
"Ano ba talagang dahilan mo at pumunta ka dito?" tanong niya sa lalaki habang inaayos ang damit niyang nagusot.
"I came here to say that, pinoproseso ko na ng annulment papers namin ni Light.."
Napamulagat siya sa sinabi nito. "S-susukuan mo na siya?"
"Sad to say, yes. dahil alam kong mula umpisa pa lang ay talo na ako." malungkot na wika nito sa kanya pagkatapos ay nagmartsa na ito papalabas ng kanyang opisina.
"Pero kung hindi mo siya sinukuan, lalabanan pa rin kita!" sigaw niya at sinigurado niyang aabot iyon sa pandinig ng lalaki.
"I know!" pabalik na sagot naman sa kanya ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."
