Hello to AveryFernandez9 thank you for reading my story!
Chapter 7
Pilit na itinuon ni Light ang kan’yang atensyon sa pagche-check ng stocks ng kan’yang restaurant upang mawala sa isipan niya si Lux, ngunit mahirap talaga itong alisin sa kan’yang sistema.
Dalawang araw na ang lumipas simula nang mag-krus ang kanilang mga landas pero kinakabahan pa rin siya…
Kinakabahan siya na baka bigla na lang itong sumulpot sa kan’yang harapan at masira nito ang kan’yang buhay may-asawa.
Ayokong mangyari iyon., pero paano kapag puso na ang umiral sa akin? Oo, mahal ko si Xenon pero no’ng muli kong nakita si Lux ay napagtano ko na mas mahal ko talaga si Lux keysa sa kan’ya.
“Ma'am, may naghahanap po sa inyo,” pukaw sa atensyon niya ng isa niyang trabahador kaya natigilan siya sa pag-iisip tungkol sa bagay na iyon.
“Sino?”
“Hindi ko po kilala. Lalaki po, tapos ang gwapo po!” sabi nito sa kan’ya at animo'y kinikilig ito.
Sino namang gwapo ang bibisita sa akin?
“Nasaan iyong bisita na sinasabi mo?”
“Ah, ma'am, nasa office niyo po. Sinabi ko po na doon na lamang po kayo hintayin.”
“Okay,” maikli niyang tugon dito tsaka nagsimula nang lumakad papunta sa kan’yang opisina.
Wala siyang kaide-ideya kung sino ang bibisita sa kan’ya. Alam niyang hindi iyon ang kan’yang asawa dahil kilala ito ng mga trabahador niya.
Nang tumapat siya sa pintuan ng kan’yang opisina ay kaagad niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kan’yang paningin ang hindi niya inaasahang bisita… si Lux.
“A-Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong niya sa binata at akmang lalabas sana ng opisina niya ngunit mabilis itong lumapit sa kan’ya, iniharang nito ang kan’yang katawan sa pintuan.
“Baby, I have my ways,” nakangising sagot nito sa kan’ya. Pinandilatan niya naman ito ng mata.
“Ano ba, Lux? Tigilan mo na ako!”
“I can't do that, baby.”
“Bakit? Lux naman… hindi na tayo teenager! May asawa na ‘ko!” sigaw niya sabay duro sa malapad nitong dibdib. “At may girlfriend ka na! Kaya tigilan mo na ‘ko!” dagdag pa niya, ngunit isang nakakalokong ngiti lang ang itinugon ni Lux.
“May anak na ba kayo?”
“Wala.”
“So, wala pala akong dahilan upang makonsensya kapag inagaw na kita sa asawa mo,” sabi niya tsaka biglang hinapit ang katawan ni Light patungo sa katawan nito.
“Ano ba?! Please, Lux! Let me go!” sigaw niya sa binata, pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi niya magawang makaalis sa bisig nito.
“I badly miss you, Light,” mahinang wika nito sa kan’ya, damang-dama ni Light ang lungkot sa boses nito kaya saglit siyang tumigil mula sa pagpupumiglas. I miss you too, Lux… Gusto niya sanang isatinig iyon ngunit alam niyang hindi maaari.
“Lux, mali ito.”
“Alam ko, pero lahat ng mali, lahat ng masama, ay siyang masarap gawin,” wika ni Lux tsaka biglang kinabig ang batok ni Light at siniil ng halik ang kanyang labi.
Maingat, marubdob at mainit ang iginagawad nitong halik sa kan’ya, kaya kahit anong pilit niya na labanan ang nagsusumiklab na apoy sa kan’yang damdamin ay hindi niya pa rin magawa.
Wala sa sariling tinugon niya ang halik nito, hindi niya napigilan ang mapayakap sa leeg nito habang nag-eeskrimahan ang kanilang mga dila.
“May pag-asa pa talaga ako sa ‘yo,” mahinang wika sa kan’ya ni Lux nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“L-Lux.”
“See you again, baby. I love you,” sabi nito sabay halik muli sa kan’yang labi bago ito tuluyang lumabas ng kanyang opisina.
Hinang-hina namang napaupo si Light sa sahig ng kan’yang opisina.
Paano ko ba lalabanan ang tukso? Kung ito na mismo ang lumalapit sa akin?
---
Nakangiti si Asyneth habang nakatingin sa kan’yang kasintahan na ngayon ay nagmamartsa papasok sa loob ng kanilang restaurant.Todong-todo na sana ang ngiti niya, pero biglang napalis ang kan’yang ngiti nang makalapit ito kay Lux dahil may napansin siya sa labi nito.
“Bakit may kalat-kalat na pula 'yang labi mo?” Pinahid naman ni Lux ang sarili niyang labi.
“Kumain kasi ako ng barbeque, hindi ko napansin na may kumalat na palang sauce sa labi ko,” sagot ni Lux tsaka mahigpit na niyakap si Asyneth.
“H’wag ka sanang magagalit sa akin balang-araw.” Nagtataka man, sinuklian pa rin ni Asyneth ang yakap nito sa kan’ya.
“Bakit naman ako magagalit sa ‘yo? Mahal kaya kita.”
“I know you love me… I know,” sabi nito habang may kakaibang emosyon ang dumaraan sa kan’yang puso. Hindi niya iyon kayang ipaliwanag, hindi iyon literal.
---
Pagkababa pa lamang ni Xenon sa kan’yang Ferrari ay sinalubong na agad siya ng guwardiya ng restaurant ng kan’yang asawa tsaka pinagbuksan ng pinto.“Good afternoon, sir, nandiyan lang po sa loob ng opisina si ma'am,” nakangiting wika nito sa kan’ya, nagpasalamat siya rito bago siya naglakad patungo sa opisina ng kan’yang asawa. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang kan’yang asawa na nakatulala habang nakaupo sa swivel chair nito.
“Misis ko,” pukaw niya sa atensyon nito.
“Ahh, mister ko! Nandito ka na pala,” sabi ni Light, umalis ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya upang lumapit kay Xenon.
“Bakit tulala ka na naman? May problema ka ba, misis ko?” tanong niya sa kan’yang asawa, binuhat niya pa ito patungo sa mesa at iniupo do’n.
“Wala,” maikling sagot nito sa kan’ya, bigla namang napatingin si Xenon sa mga labi ni Light.
“Bakit kalat-kalat ang lipstick mo? Nauna ka na bang kumain, misis ko?” nagtataka niyang tanong dito.
Simula kasi nang maging mag-asawa sila ay nakasanayan na nilang magkasabay kumain, lalong-lalo na kapag lunch. At kahit pa nga hectic ang schedule niya ay pinipilit niya na palaging mapuntahan ang kan’yang asawa upang masabayan niya itong kumain.
Umilap ang mga mata ni Light sa kan’ya.
“Ahh, hindi pa, mister ko. Binubura ko kasi ito kanina, hindi ko namalayan na kumalat na pala,” sagot nito sa kan’ya. Nginitian niya lang ito tsaka niyakap.
Tila nanlamig at namanhid ang kan’yang katawan nang sumamyo sa ilong niya ang amoy ng kan’yang asawa. Hindi ganito ang amoy ng kan’yang asawa at hindi rin ito amoy ng isang babae.
Niyakap niya nang mahigpit ang kan’yang asawa, hindi niya maiwasan ang mangamba.
“I love you so much, misis ko,” bulong niya.
“Same to you, mister ko,” sagot nito sa kan’ya, niluwagan niya na rin naman ang pagkakayakap niya rito. Napakagat siya sa sariling labi at napapikit na lamang habang iwinawaksi sa kan’yang isipan ang bagay na kinatatakutan niyang mangyari.
Sana mali ako ng akala.
Sana mali ako ng iniisip... at kung tama man ang hinala ko, handa akong magpakatanga dahil mahal na mahal ko ang aking asawa.
——————————
DON'T FORGET TO VOTE and ALSO, I WANNA READ YOUR COMMENT 😘😘Scream kumare's!
Scream!
![](https://img.wattpad.com/cover/197068679-288-k681851.jpg)
BINABASA MO ANG
Sinful Desire (Published Under DJEB)
Romance"If loving you is a sin, I am willing to be a sinner..."