Friend Request

32K 41 0
                                    

"May wifi na tayo!" anunsyo ng ina ni Lisa.

"Ha? Bakit naman mama?" Takang tanong naman ng kapatid ni Lisa na si Lloyd.

"May pinasa kasing app  yung katrabaho ko na pang hack ng wifi. E diba may wifi na yung kapitbahay natin,  ito sakto." Paliwag ng ina.

Hindi magkanda-ugaga ang dalawang anak nya sa pagpasa ng nasabing app. Si Lloyd ay cellphone ang gamit samantalang si Lisa ay tablet. Mabilis na naconnet ang dalawa kaya naman dali-daling nag-open si Lisa ng kanyang Facebook account. Ilang linggo na din naman na hindi siya nakapag-open ng account nya.

Hindi mahilig magfacebook si Lisa. Hindi din sya mahilig magpost o kung anu-ano pa. Ang kanyang profile ay si Kim Hyun-Ah, isang sikat na kpop idol na kasali sa grupong 4Minute.

"Hala! Anyare? Bakit ang daming friend request sakin?" Takang tanong ni Lisa sa sarili. Habang tinitiganan ang mga kalalakihang nag-friend request sa kanya.

Carlo Santos sent you a friend request
Accept      Delete

Dali daling pinindot ni Lisa ang accept pagkatapos ay tinignan ang profile ni Carlo.

Puro babae ang mga kaibigan nito. Magaganda, mapuputi, at mga sexy ang mga profile picture ng mga babae.

'Padila naman oh!!!! 👅👅👅'

'Shiiiit! Lamig!!! Tara girls painit tayo!! 😉👉👌💦'

'Sop? Sino game?'

Ilan lamang sa mga nabasang post ni Lisa sa profile nito. Binalikan ni Lisa ang iba pang nag-friend request sa kanya. Ang karamihan ay denilete nya. Ang iba ay inaccept nya.

"Sa wakas online ka na din." Nakangiting sambit ni Lisa ng makitang online na si Jerick.

Lisa:
Hi Jeck!! Musta?

Jerick:
Ito gwapo pa din. 😎

Lisa:
Wow. Hangin ah. Ang lamig grabe.... Brr... Feeling ko liliparin ako e. Hahahaha.

Jerick:
Lah. Sige ganyan ka na ah. Samantalang dati. Support na support ka ah. Hahahaha.

Lisa:
Dati yun nu! Hmp! Binalikan mo na naman.

Jerick:
Hahahahaha. Joke lang. Sige ah. Matutulog na ko. Maaga pasok ko e. Matulog ka na din para tumangkad ka.

Good night Lisa 😘.

Lisa:
Night jeck 😊

Ngiting paalam ni Lisa kay Jerick at kinilig kilig pa dahil sa kiss emoji na sinend ni Jerick sa kanya.

Carlo:
Hi!

Lisa:
Hello!

Carlo:
Thank you sa pag-accept ah.

Lisa:
Ay wala yun. Hahahahahahaha.


Masayang kausap si Carlo kaya naman hindi namalayan ni Lisa ang oras.

"Hoy! Gabi na! Matulog ka na may pasok ka pa bukas ng maaga!" Sigaw ng nanay ni Lisa kaya muntik na nyang mabitawan ang tablet na hawak nya sa gulat.

Lisa:
Uy sige ah. Tulog na ko. Maaga pasok ko bukas e.

Carlo:
Ay ganun ba? Sige sige. Good night Lisa. Next time ulit.

\(*^▽^*)/

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon