"Uy Nico gutom na ko" Reklamo ni Lisa sa kanyang katabi na si Nico.
"Kumain muna tayo ng fishball tsaka siomai" Dagdag pa ni Lisa.
Napansin nyang wala sa sarili si Nico, hindi ito pala kwento katulad ng mga nakaraang araw.
Nakagawian na nila na sabay umuwi kaya naman mas naging malapit ang loob ng isa't isa.
Sa mga araw na sabay umuwi ang dalawa nalaman nyang sadyang palakwento ang lalaki kaya nagaalala si Lisa sapagkat ngayong araw lamang ito tahimik.
"Uy Nico!" Sabay tapik ni Lisa sa balikat. Napatingin si Nico dahil dito.
"Bakit?" Takang tanong ni Nico.
"Sabi ko po gutom na ko kumain muna tayo." nakasimangot na sagot ni Lisa. Napatawa ng mahina si Nico dahil dito.
"May problema ka ba Nico? Bakit ang tahimik mo?" Nag aalalang tanong ni Lisa dito.
Napatigil si Lisa sa pagtatanong ng makarating sila sa bilihan ng Fishball at agad na nanghingi si Lisa ng plastik na baso upang doon ilagay ang kanyang bibilhin, ganun din ang ginawa ni Nico.
"Break na kami" Biglang sabi ni Nico kay Lisa.
"Ha? Hala bakit?" Tanong ni Lisa bago sumubo ng isang pirasong fishball.
"Pinagpalit sa malapit." Sambit ni Nico at sinamahan pa ng mapait na tawa.
Natahimik si Lisa dahil dito.
---------
Mabilis lumipas ang panahon para kay Lisa.
Mas lalong naging close si Nico at Lisa. Marami syang bagay na nalaman dito at natuklasan nyang marami silang pagkakapareho ng binata.
Katulad ng kinagawian, sabay na naglalakad ang dalawa palabas ng kanilang paaralan.
"Lisa may sasabihin sana ako sayo" Kinakabahang sambit ni Nico.
"Ang kabado mo naman. Ano ba yun?" Takang tanong ni Lisa at sinamahan pa ng malakas na tawa.
Huminto si Nico sa paghakbang kaya napahinto din si Lisa at tinitigan si Nico.
Tatlong lunok ang ginawa ni Nico upang alisin ang nararamdamang bara sa kanyang lalamunan.
"Matagal tagal na din tayong magkakilala. Sa mga panahon na yun mas nakilala kita---"
"Nico aware naman ako dun. Kaya sabihin mo na ang sasabihin mo kasi uwing uwi na ko e" Napakamot pa si Lisa sa kanyang ulo.
"Gusto kita Lisa!" Mabilis na sambit ni Nico na nagpatanga kay Lisa.
"Pwede ba kitang ligawan?" Lakas loob na tanong ni Nico.
Hindi man halata sa mga kilos ng dalaga. Itanggi nya man ito sa iba maging sa kaniyang sarili, alam niyang nahuhulog na din sya binata. Ayaw nya lamang tanggapin ito dahil sa takot na baka maulit lamang ang nangyari sa kanila ni Jerick.
"Hindi naman kita minamadali, maghihintay ako. Alam kong hindi ka pa sigurado sakin pero papatunayan ko sayong totoo ang nararamdaman ko." May bahid determinasyon ang boses ni Nico.
"Okay." Simpleng sagot ni Lisa.
"O-okay?"
"Okay. Pumapayag na kong manligaw ka." Pigil ang ngiti ni Lisa.
Nagkatitigan ang dalawa at sabay na nagtawanan ang dalawa. Makikita ang saya sa mga mata ng dalawa.
Bahay.....
Nakahiga si Lisa sa kanyang higaan, pigil ang ngiti habang mabilis na nagtitipa sa kanyang cellphone at kausap si Nico.
Carlo sent a message.
Carlo:
Hi LisaLisa:
Uy Carlo kamusta?Carlo:
Okay lang naman. May ibabalita sana ako sayo.Lisa:
Sure! Ano yun?Carlo:
Nandito na nga pala ako sa Cavite.Lisa:
Talaga?!Carlo:
Oo, hmm Lisa pwede ba tayong magkita?Agad na napaupo si Lisa sa kanyang nabasa. Dama nya ang kabog ng dibdib at kalituhan kung ano ang isasagot sa tanong ni Carlo.
❂.❂
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!