Concealer

13K 21 1
                                    

Nagising si Lisa dahil sa ingay ng isang cellphone.

Sinubukang gumalaw ni Lisa ngunit pinipigilan sya ng mga brasong nakapulupot sa kanya

"Carlo, uy gising" Panggigising ng dalaga sa binatang katabi nya.

"Hmm bakit ba yun?" Tanong ni Carlo na pikit pa ang mga mata.

"Yung phone mo nagriring e" Saad ni Lisa at pilit na kumakawala sa yakap ni Carlo

"Hayaan mo sya, tutulog pa ko" Mas hinigpitan pa nya ang yakap dito at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Baka importante yun" Sabi ni Lisa kaya walang nagawa si Carlo kundi ang abutin ang cellphone nya at sagutin ang tawag.

"Hello" Pormal ang boses ni Carlo.

Nakatitig lamang si Carlo kay Lisa habang nakikipagusap sa kabilang linya. Nagtataka naman ang dalaga kung bakit ito nakatitig sa kanya.

"Bakit ba yun?" Tanong agad ni Lisa ng binaba na ni Carlo ang cellphone.

"Sa trabaho po. Hindi kasi mahanap ng secretary ko yung listahan ng mga materyales na gagamitin namin" Sagot naman ni Carlo

"Hindi yun. Bakit ka ba nakatitig sakin?"

"Gusto ko lang" Sagot naman ni Carlo at sinamahan pa ng tawa.

Mabilis syang hinalikan ni Carlo sa labi bago ito tumayo at nagunat ng katawan.

Inabot nya naman sa sahig ang mga damit nyang nagkakalat at isinuot ulit ito. Tignan nya ang oras sa kanyang cellphone.

"Shit! 4 na pala! Bakit hindi mo ko ginising?" Nagmamadali si Lisang ayusin ang kanyang sarili sa harapan ni Carlo.

"Napasarap yung tulog natin e" Pagpapaliwanag naman ni Carlo.

Hindi na sinagot pa ng dalaga si Carlo at nagmamadaling pumasok ito sa banyo upang maghilamos.

Napakunot naman ang kanyang noo ng makita ang mga markang nasa leeg nya.

'Shit ang daming hickeys naman nito' Problemadong saad ni Lisa sa sarili

"Ang dami namang hickeys na nilagay mo! Pano ko to itatago? Wala akong concealer" Reklamo ni Lisa pag labas nya sa cr.

"Sorry na hindi ko na pigilan e. Bili na lang tayong concealer" Suggestion naman ni Carlo.

Namimili si Lisa ng concealer na babagay sa kulay ng kanyang balat. Alam nyang natatawa ang mga sales lady na nakatingin sa kanya dahil sa ayos nya.

Suot nya ulit ang simpleng dress na suot nya kanina, nakalugay ang kanyang buhok na hanggang balikat lamang at may panyong nakatali sa kanyang leeg.

Ang panyong ito ang nagsisilbing pangtakip nya sa mga markang gawa ni Carlo.

Nang makapili si Lisa ay agad naman nya itong binayaran.

"Ihahatid na kita Lisa" Alok ni Carlo sa kanya.

"Wag na" Tanggi naman ni Lisa "Cr lang ako" Paalam nya pa dito

Ilang minuto lamang ang hinintay ni Carlo at lumabas na si Lisa, wala na ang panyong nakapulupot sa leeg nito dahil natatakpan na ito ng concealer.

"Please hatid na kita" Pagpapacute pa ni Carlo sa kanya.

"Sige, ihatid mo ko pero sa school lang namin" Kondisyon ni Lisa dito.

"Bakit sa school nyo? Hindi na lang sa bahay nyo" Inis na sabi ng binata.

"Hindi pwede dun, baka may makakita"
Wala namang nagawa si Carlo.

Nauunang maglakad si Lisa, nasa kanyang likod naman ang nakasunod na si Carlo, piniling nyang mauna dito sa paglalakad sa takot na may makakita sa kanila.
Sa pagsakay nila sa jeep ay may dalawang tao ang nakapagitan sa kanila

Carlo:
Kailangan ba talagang ganito tayo?

Lisa:
Oo, baka may makakita sating magkasama e

Carlo:
Tsk

Lisa:
Sorry na

Hindi na nagreply pa si Carlo kaya naman pasimpleng tinignan nya ito. Nakasimangot ang binata at kunot ang noo.

"Para po" Sabi ni Lisa kaya naman napatingin sa kanya si Carlo at sumunod ito sa kanyang pagbaba.

May pagitan pa din na naghihiwalay sa dalawa habang naghihintay si Lisa ng jeep sa harap ng kanyang school. Madami naman ang naghihintay kaya hindi halatang magkasama sila.

Lisa:
Sasakay na ko ng jeep. Dito na ko ah. Bye ingat.

Pagsakay ni Lisa ay sinulyapan nya si Carlo at pasimpleng kumaway dito nang makitang nakatingin ito sa kanya.

O(≧▽≦)O

Please support my another story entitled 'Part-time Lover'

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon