Pag-uusap

9.1K 24 1
                                    

Sa init na gumagamapang sa kanyang katawan ay naitulak ni Lisa si Carlo dahilan para makawala sya sa kayap nito.

"Anong problema Lisa?" Takang tanong sa kanya ni Carlo

"Itigil na natin to!" Matigas na sabi ni Lisa kanya

"Ano?" Naguguluhang tugon ng binata

"Huwag na tayo magkita ulit. May boyfriend na ko. Mahal ko sya" Paliwanag ni Lisa kanya

Kumirot ang puso ni Carlo sa narinig nya.

"At tingin mo papayag ako?" Nanghahamon na sabi ni Carlo.

"Bakit naman hindi? Madami pang babae dyan Carlo! Makakahanap ka pa!" Sagot naman ng dalaga sa kanya

"Hindi ako papayag Lisa" Lumapit si Carlo sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso nya

"Mahal kita Lisa, iiwan mo lang ako basta basta para sa lalaking yun?" tila baliw na sabi ni Carlo sa kanya

Mabilis na pag-iling ang ginawa ni Lisa dito "Hindi mo ko mahal! Akala mo lang yun! Ayun lang yung naiisip mo! Init lang ng katawan yan Carlo! Magkaiba ang pagmamahal sa tawag ng laman!"

"Damdamin ko to Lisa! Kaya alam kong pagmamahal to. At hindi ako papayag na iiwan mo lang ako ng ganun kadali pagtapos ng lahat" Sigaw ni Carlo sa kanya.

Nagsisimula na syang matakot kay Carlo lalo ng madama nya ang paghigpit ng hawak nito sa kanyang braso

"Carlo nasasaktan ako" Nagbabadya na ang mga luha ni Lisa ngunit hindi sya pinakinggan nito

"Hindi yung atin ang ititigil mo Lisa, kundi yung pakikipagrelasyon mo sa gagong yun! Makipagbreak ka dun kung ayaw mong ako mismo ang magpakilala sa kanya. Naiintindihan mo ba ko Lisa?" Galit na sigaw pa din ni Carlo sa kanya, mas lalong humihigpit ang hawak nito sa kanyang braso.

Tuluyan ng napaiyak si Lisa sa takot na nararamdaman nya, lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Carlo, kitang kita ang pamumula sa kanyang braso dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya nito

"Li-Lisa" Nauutal na tawag sa kanya ni Carlo ngunit hindi nya pinansin ang binata at tuloy pa din ang kanyang pag-iyak.

"I'm sorry. I'm sorry Lisa, tahan ka na" Pagpapakalma sa kanya ni Carlo

Tinignan nya sa mata si Carlo gamit "Please Carlo, tigilan na natin to. Ihinto na natin to. Ayokong mawala sakin si Nico. Mahal ko sya Carlo. Mahal na mahal ko sya. Please itigil na natin to" Pagmamakaawa ni Lisa sa kanya

Napapikit na lamang si Carlo. Hindi nya alam kung ano ang mas masakit, ang pag-iyak ba ni Lisa sa harapan nya at sya ang sanhi nito o paulit ulit na pagsasabi ni Lisa sa harap nya kung gaano nya kamahal si Nico at takot syang mawala ito

"Ang sakit naman nun Lisa, handa kang talikuran ako para lang sa kanya. Ako yung bibitawan mo para sa kanya. Ako na nga yung tinago mo e ako pa yung iiwan mo. Tangina wala man lang akong laban sa kanya. Ni hindi mo lang naisip ang nararamdaman ko Lisa" Hinanakit na sabi ni Carlo sa kanya

"I'm sorry Carlo, I'm sorry" Ang tanging naging sagot ni Lisa sa kanya

"Papakawalan na kita Lisa" Napatigil naman sa iyak si Lisa "Pero may kapalit" Dugtong ni Carlo

"A-ano yun?" Kabang sabi ni Lisa

"Hayaan mo kong paligayahin ka sa huling pagkakataon"

Nilapitan syang muli ni Carlo at agad na ikinulong nito ang kanyang mga labi para sa isang mainit at mapusok na halik, ginantihan naman ni Lisa ang mga halik na ibinibigay si Carlo sa kanya.

○(・x・)○

Please support my another story entitled 'Part-time Lover'

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon