"Lisa matapang ka ba?" Panghahanom ni Danielle sa kanya.
"Oo naman. Bakit sino ba babanatan?" Sagot naman ni Lisa sa kanyang kaibigan.
"Gaga walang babanatan. Laro tayo ng dare. Game ka?" Pagpapaliwanag ni Jasmin sa kanya.
"Ay ganun ba. Sige sige. Game ako." Excited na sagot ni Lisa.
"Ganto ah. Dahil pare-parehas tayong may crush. I dare you na mag confess sa mga crush natin.'' Paghahamon ni Danielle sa kanila.
"Pano kung hindi ginawa?" Tanong ni Jasmin. Mahiyaing babae si Jasmin kaya madalas hindi sya sumasabay sa kalokohan ng dalawa.
"Manlilibre ng lugaw mamayang uwian!" Sagot agad ni Lisa.
"Libre ko na lang kayo." Sagot agad ni Jasmin.
Agad na napangiti ang dalawa sa narinig. Nakalibre na naman kasi sila.
>Vacant
"Game ka na ba Lisa?" Pagtatanong ni Danielle sa kanila.
"Oo naman nu. Ako pa ba? Hahahahaha." Lakas loob na sinabi ni Lisa bago lumunok.
Tanaw sa kanilang table si Jerick na nagbabasa ng libro sa field.
"Galingan mo bestie ah." Pagpapalakas ng loob na sabi ni Jasmin.
Tumayo si Lisa sa pagkakaupo at sinimulang ihakbang ang kanyang mga paa papalabas sa pinto ng canteen kung saan kitang kita nya si Jerick na tahimik na nag-aaral.
Sa bawat hakbang na ginagawa ni Lisa papalapit kay Jerick ay dama nya ang kabog ng kanyang dibdib at panginginig ng kanyang kamay.
"Lisa naman ilang taon na kayong magkakilala ni Jireck. Ngayon ka pa ba mahihiya? It's time na para umamin."
Sambit ni Lisa sa sarili.Limang hakbang na lamang ay biglang nag-angat ng tingin si Jerick at isang matamis na ngiti ang ginawad nya kay Lisa.
"Uy Lisa. Upo ka dito oh. Tabi ka sakin." Pagbati ni Jerick kay Lisa.
Walang pagdadalawang isip na umupo si Lisa sa tabi ni Jerick. Parehas na katanaw ang dalawa sa mga soccer player na nagpapractice.
"Kumain ka na ba?" Tanong ni Jerick kay Lisa.
"Ahh hindi pa e. Hehehehe." Kabadong sagot ni Lisa.
Inilabas ni Jerick ang kanyang baon na kanin at ulam.
"Tara. Kain tayo." Pag-aaya ni Jerick.
Ibigay nya kay Lisa ang kutsara at sya ang gumamit ng tinidor.
"Lisa may itatanong sana ako sayo." Pagsisimula ni Jerick.
"Ano yun?" Tanong naman ni Lisa na busy sa pagkain.
"May gusto ka ba sakin?" Deretsahang tanong ni Jerick sa kanya.
Sa gulat ay napaubo si Lisa dahil sya nahirinan. Agad naman syang inabutan ng tubig ni Jerick.
"Ok ka lang ba? Hala sorry. Nagulat ata kita e." Nag aalalang sabi ni Jerick habang tinatap ang likod nya.
"Ok na. Hahahahaha." Nasagot na lang ni Lisa.
"So ano? May gusto ka ba sakin?'' Pag uulit ni Jerick.
"Pano kung oo?" Hindi makatinging sabi ni Lisa. Nakayuko lamang sya at ayaw tignan ang magiging reaction ni Jerick.
"Ayos lang nu. Sistah pa din tayo." Masiglang sagot ni Jerick sa kanya.
Napapikit na lang si Lisa sa narinig na sagot. Nag angat ng tingin si Lisa at itnuon ito sa mga soccer player na nagpapractice pa din.
"So ano nga? Meron?" Paguulit ni Jerick.
"Meron nga e!!" Pag-amin ni Lisa.
Wala sa sariling napatakbo si Lisa pabalik sa canteen kung saan nakatanaw pa din ang dalawang kaibigan.
"Ano nangya--" Hindi na natapos ang tanong ni Jasmin dahil tuloy tuloy lang sa pagtakbo si Lisa palabas sa kabilang pinto.
Nagkatingin ang dalawa at agad na sumunod kay Lisa.
Sa kabilang banda...
"Anong nangyari bakit tumakbo si Lisa?" Takang tanong ni Nico sa sarili.
"Rosales focus!!"
"Yes coach" Sagot ni Nico at itinuloy ang kanyang training.
Muling sinipa ni Nico ang bola habang nasa isip pa din ang katanungan.
〣( ºΔº )〣
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!