Lost

6.7K 23 4
                                    

"Tama, ikwento mo kung gaano kasarap sa pakiramdam ang gaguhin ako"

Mabilis na inilingan nya ang binata "Hindi ganoon yun Nico!"

"So ano yung nakita ko Lisa?! Ginagago mo ba talaga ako?!" Gigil na tanong nito sa kanya.

"Nakilala ko si Carlo bago ka pa dumating sa buhay ko!" Sa tarantan ay ayun na lamang ang nasabi nya.

"Sya pala talaga ang nauna" Sabi nito sa kanya.

"Hindi Nico! Mahal kita!" Sigaw nya sa binata.

Napangisi ang binata sa sinabi nya "Mahal? Seryoso ka ba dun?"

"Mahal kita Nico! Mahal na mahal kita!" Paulit ulit na sabi nya dito.

Isang mapanuyang tawa ang ibinigay sa kanya kaya naman sya ay natigilan.

"Sayang, na-eenjoy na kita e" Mayabang na sabi nito sa kanya.

"A-ano?" Naguguluhang tanong nya dito.

"Nung una kasi pampalipas ka lang, ikaw kasi yung nandyan ng magbreak kami ni Jane. Mukhang ang dali mong mauto" Kwento nito sa kanya.

'Hindi! Nagsisinungaling sya' ayaw nyang tanggapin ang mga sinabi ng binata.

"Tapos ayun napasagot nga kita, tama nga yung mga tropa ko. Easy to get ka" Isang sarcastic na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

"H-hindi, nagsisinungaling ka lang Nico! Nasaktan kita kaya ka nagsasabi ng ganyan!" Maluha luhang sabi niya dito.

Hinawakan nya ang kamay nito ngunit marahas na tinabig iyon ni Nico.

"Wag mo kong hawakan! Nandidiri na ko sayo!" Sigaw nito sa kanya.

"Sana pala hindi na ako nagpigil sayo, sana pinagsawaan din kita ang daya naman nun Lisa ako ang nobyo mo pero hindi man lang kita natira kahit isa" Mapang insultong sabi nito.

Natutulala na lamang sya sa mga sinasabi nito.

"Magbreak na tayo" Kaswal na sabi nito sa kanya.

"No! Hindi ako papayag Nico!" Pagmamakaawa nya dito.

"Mahal mo ko Nico! Wag mo kong basta bitiwan! Aayusin natin to!" Hindi na nya napigilan ang sarili at niyakap ng mahigpit ang binata.

Mas malakas ang binata sa kanya kaya naman nakalas nito ang mga braso nyang nakapulupot sa bewang nito.

"Hindi kita mahal! Libangan lang kita! Si Jane ang mahal ko! Magbreak na tayo, nagkabalikan na kami ni Jane! Humahanap lang ako ng timing para hiwalayan ka. Sakto gumawa ka ng kahihiyan!" Madiing sabi nito sa kanya kaya tuluyan ng nanghina si Lisa.

Nakatanaw na lamang si Lisa likod ng lalaking mahal nya na naglalakad palayo sa kanya.

Hindi alam ni Lisa kung paano sya nakauwi sa kanila. Maraming mapanuring mata ang dumapo sa kanya. Mga mapanghusgang bulong ang mga narinig nya. Walang syang paki sa mga sinasabi nito. Lutang sya sa sakit dahil kay Nico.

'Tama nga sila. Too good to be true sya' nasabi na lamang  ni Lisa sa isip.

Pagpasok nya sa pinto ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya.

"M-mama" Gulat na sabi ni Lisa.

"Ikaw bata ka! Anong kalokohan ang pinaggagagawa mo?!" Galit na sigaw ng kanyang ina at muli syang sinampal.

Hikbi lang ang kayang isagot ng dalaga sa ginang.

"Nakakahiya kang bata ka! Ganyan ba kita pinalaki ha?! Ganyan ba ang turo ko sa inyo?!" Patuloy na sigaw ng kanyang ina habang dinuduro sya.

"Palayasan mo yang batang yan dito! Ayokong makita yan sa loob ng bahay na to!" Biglang sigaw ng kanyang ama.

Kaagad na napaangat ng tingin si Lisa.

"P-pa wag naman po" Pagmamakaawa nya dito ngunit hindi man lang sya pinakinggan.

"Ang landi mong bata ka! Pinagmamalaki ka pa naman namin sa iba kasi akala naman matino kang babae!" Galit na sigaw ng ama nito sa kanya.

Sa isang sulok ay walang tigil sa pag-iyak ang kanyang kapatid habang nakamasid sa nangyayari.

"Sorry po! Sorry po!" Paulit ulit na sabi nya sa mga ito habang nakaluhod na.

Nalalamon ng galit ang kanyang magulang, hindi nila magawang pakinggan ang dalaga.

"San kami nagkulang Lisa? Anong pagkakamali namin sayo?" Umiiyak na tanong ng kanyang ina. Iling lang ng iling ang ginawa ni Lisa.

Nagulat ang mag-iina ng biglang hatakin ng Ama ng tahanan si Lisa palabas sa bahay nila. Marahas nyang binatawan ang braso ng dalaga.

"Umalis ka sa pamamahay na to! Simula ngayon ayoko ng makita ang pagmumukha mo dito! Wala akong anak na malandi" Sigaw ng kanyang ama sa kanya habang nakasalampak sa lupa at dinuduro sya.

Maraming tao ang nakapalibot sa kanila, iba't ibang komento ang kanyang naririnig.

Padabog na sinara ng kanyang ama ang pinto ng kanilang bahay.

Masakit na mawala si Nico sa buhay nya pero mas doble iyon dahil pati ang mga magulang nya ay tinakwil sya.

Nag-angat ng tingin si Lisa at saktong nakita nya ang mga kaibigan. Nabuhayan ng loob si Lisa ng magtama ang kanilang mga mata.

Ilang segundo lamang ang naging titigan ng tatlo hanggang sa nag-iwas ng tingin sa kanya ang mga ito.

Tuluyan ng nawalan ng Pag-asa si Lisa.

Iniwan na sya ng lahat. Lahat ng taong pinili nya.

'Tama ka Carlo. Tatalikuran nga nila ako. Panalo ka na"

Hindi alam ni Lisa kung saan sya pupunta, nagpalakad lakad lamang sya at wala sa sariling sumakay ng bus.

Mabuti na lamang may pera si Lisa kaya nakapagbayad sya. School uniform pa ang suot nya at gamit pangeskwela ang mga dala.

"Neng! Gising na! Nasa terminal na tayo!" Gising sa kanya ng kundoktor.

Kaagad na napaatras ang dalaga ng maramdaman ang marahang pagyugyug nito sa kanya.

"na-nasan tayo?" Kabadong tanong nya dito.

"Nasa bicol tayo" Sagot nito sa kanya. Napakunot ng noo ang lalaki. "Naglayas ka ba?" Tanong nito sa kanya ng mapansin ang kasuotan nya.

Tinulak nya ang lalaki at nagtatatakbong bumaba sa bus.

Walang direksyon ang mga daang tinatahak nya. Wala syang mapuntahan. Wala syang kakilala doon.

Nagsimulang manubig ang sulok ng kanyang mata ng maalala ang nangyari.

Ang pakikipaghiwalay ni Nico sa kanya at pakikipagbalikan nito sa dating nobya.

Ang pagkaladkad ng kanyang Ama at pagtakwil sa kanya.

Ang pag-iwas ng tingin ng kanyang mga kaibigan.

Ang mga mapanghusgang tingin na ipinupukol sa kanya.

Everything is perfect but suddenly she felt lost.

Nabuhayan ng loob si Lisa ng makakita ng isang lugar para matutuluyan nya ng gabing iyon.

"Sandali po" Pigil sa babae na magsasara na sana ng pinto.

"Pwede po ba akong tumuloy?" Magalang na tanong nya dito.

Walang pagaalinlangan syang pinagbuksan nito ng pinto.

'Sa lugar na to walang manghuhusga sakin'
Napangiti si Lisa.

≖‿≖

Ilang chapters na lang matatapos na ang kwento ni Lisa!

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon