After 5 years...
"Anak naman miss na miss ka namin dito oh, uwi ka na please" Pagpupumilit ng kanyang ina sa kabilang linya.
Napangiti naman si Lisa kahit hindi nya nakikita ang ina ay alam nyang nakasimangot ito.
"Mama uuwi nga ako" Nakailang ulit na si Lisa sa kakasabi nito sa kanyang ina
"Aba dapat lang na umuwi ka na dito ah. Masyado ka ng nasiyahan riyan. Ilang okasyon na ang absent ka" Semron ng kanyang ina.
"Darating ako mama, magugulat ka na lang paggising mo isang araw nandyan na ko" Sabi nya sa ina. Natatawang binaba ni Lisa ang tawag.
"Melisa? Iha?" Tanong ng isang babae sa labas ng kanyang kwarto pagtapos kumatok.
"Sister Tessa kayo po pala" Ang sabi ni Lisa pagkabukas nya ng pinto.
Pinapasok nya ito sa loob ng silid, naupo naman ang ginang sa gilid ng kama.
"Aalis ka na ba talaga iha?" Malungkot na sabi ng ginang sa kanya.
"Sister bibisita lang po ako kina mama. Tapos babalik din po ako dito" Pangako nya sa ginang habang patuloy na nag-aayos ng gamit.
"Mag-iingat ka ha?" Bilin sa kanya ng ina.
"Mag-iingat po ako" Tinigil ni Lisa kanyang ginagawa at naupo sa tabi ng ginang "Natatakot po ako sister Tessa" Naluluhang sabi nya dito.
"Labanan mo ang takot iha, hindi ka papabayaan ng Diyos" Nakangiting sabi nito sa kanya bago hawakan ang kanyang kamay at marahang pinisil ito.
"Kailangan mo silang harapin ulit para tuluyan mo ng mapatawad ang sarili mo at makawala na sa nakaraan anak" Payo sa kanya nito.
Niyakap ng dalaga ang ginang, sa loob ng ilang taon ito na ang tumayong nanay nya.
"Salamat po talaga" Sinserong sabi nya dito.
"Tapos ka na ba sa pag-aayos ng gamit ha? Ihahatid ka namin ni Ryland sa sakayan" Tanong nito sa kanya.
Pinagpatuloy ni Lisa ang ginagawa habang kausap ang ginang.
"Father aalis na po ako" Paalam nya kay Father Fernan.
"Mag-iingat ka. Aasahan namin ang pagbalik mo dito Melisa" Nakangiting sambit sa kanya nito.
'Melisa' Napangiti sya sa tinawag ng Padre sa kanya.
Inihatid sya nina Sister Tessa at Ryland sa sakayan ng bus.
"Ikaw muna ang bahala sa mga bata ah. Wag kang pasaway kina Padre ha?" Bilin nya sa binatang si Ryland.
Alam nya namang maaasahan ito dahil responsableng binata ito.
Sa byahe pabalik sa lugar kung saan sya nagmula ay matingding kaba ang kanyang nararamdaman. Bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari ng huling araw mya dito. Simula ng umalis sya sa Cavite ay hindi na sya ulit bumalik dito.
"Salamat po" Pasasalamat ni Lisa sa taxi driver at iniabot nya ang bayad dito.
Pagkababa ni Lisa sa taxi ay inilibot nya ang tingin sa lugar kung saan sya lumaki.
'Ang daming nagbago' Nasambit ng dalaga sa kanyang isip ng mapansin ang pagbabago sa lugar.
Sa bawat paghakbang ng kanyang paa papalapit sa bahay nila ay palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Napangiti si Lisa ng makita ang likod ng kanyang ina. Naglalakad ito at may bitbit na plastic. Hindi nya napigilan ang sarili at sinugod nya ng yakap ang ginang.
Napatalon ang ginang ng biglang may yumakap sa kanya ng mahigpit mula sa likuran.
"Lisa anak? Ikaw ba yan?" Gulat na sabi nito ng makita sya.
"Mama naman! Ako nga! Masayang sabi nya dito.
"Lisa! Ang anak ko!" Niyakap sya nito ng mahigpit.
Naglakad ang mag-ina habang magkahawak ang kanilang kamay.
"Bakit hindi mo sinabing pauwi ka na? Edi sana nasundo ka namin ng kapatid mo" Sabi ng ginang sa kanya.
"Mama surprise nga e. Pagsinabi ki edi hindi na surprise yun" Biro nya sa ina.
"Nandito na si Lisa!" Sigaw ng ina pagpasok nila sa bahay.
"Ate!" Masayang sinugod sya nito ng yakap na syang ginantihan nya.
"Aba ang laki mo na ah. Nung huling kita natin mas matangkad ako sayo ngayon mas matangkad ka na sakin" Sabi ni Lisa habang tinatanya ang tangkad ng kapatid.
"Ate si papa" Bulong sa kanya ng kapatid.
Nahagilap ng kanyang mata ang amang nakatayo at nakatanaw sa kanya.
"Wala akong anak na malandi!" Bumalik sa alaala nya ang huling sinabi nito sa kanya. Kitang kita nya ang sa mga mata nito ang galit, pagkadismaya, at sakit. Ngunit ang mga mata nito na nakatingin sa kanya ay sumasalim ang lungkot at pangugulila.Dahan dahan syang humakbang papalapit dito. Inilahad ng kanyang ama ang mga kamay nito. Napangiti ng malaki si Lisa sa ginawa nito at sinugod nya ito ng isang mahigpit na yakap.
"Papa sorry" Umiiyak na sabi nya dito.
"Shh patawad din anak" Maluha luhang bulong nito sa kanya.
Sa loob ng limang taon na pamamalagi nya sa bicol ay hindi sya kinakausap ng ama, buong akala nya ay galit pa din ito sa kanya ngunit ang totoo pala ay nahihiya ito sa kanya dahil sa pagpapalayas sa kanya. Puro ang ina at kapatid lamang nakakausap nya sa telepono at ang mga ito din ang nagbabalita sa ama kung ano ng nangyayari sa kanya.
Isang masayang salo-salo ang pinagsaluhan ng kanilang pamilya. Napupuno ng galak ang kalooban ni Lisa dahil matagal nyang hinintay na muling makasabay ang pamilya sa pagkainan.
"Kailangan mo lang palipasin ang panahon ate Melisa, makakalimutan din nila ang nangyari dahil natanggap na nila ito. Kailangan ng oras para ihanda ang sarili at maghilom ang lahat" Naalala nya ang sinabi sa kanya ni Ryland ng unang beses na mag-usap sila nito.
✖‿✖
BINABASA MO ANG
Lisa's SEXcapade (COMPLETED)
RomanceSamahan natin si Lisa sa kanyang Sexcapade. ⚠ WARNING ⚠ ITO AY SPG. FOR OPEN MINDED AND ADULTS ONLY. KUNG IKAW AY MINOR AY LUMAYO LAYO KA NA. Note: I'm not promoting anything!