Parents

12.3K 22 1
                                    

Isang simpleng dress ang sinuot ni Lisa dahil sa isang restaurant sila pupunta ni Nico para kitain ang mga magulang nito.

Bumukas ang pinto ng kanyang silid at pumasok ang kanyang ina.

"Nak, si Nico nasa baba na" Pagbibigay alam ng kanyang ina.

"Opo ma, tapos naman na ako" Turan ni Lisa at sumabay sa ina paglabas sa kanyang silid.

Humakbang sya papalit sa nakangiting si Nico habang masayang nakikipagusap sa kapatid nya.

'Aba ang loko close agad sa pamilya ko ah' Natatawang bulong ni Lisa sa isip.

"Oh ayan na pala si ate e" Sabi ng kapatid nya ng makita sya nito kaya naman napalingon si Nico sa kanya.

"Wow" Manghangang sabi ni Nico ng masilayan sya.

Hinampas nya ang braso ni Nico kaya naman napatawa ito.

"Tara na nga" Masungit na sabi nya dito.

"Tita aalis na po kami" Pagpapaalam ni Nico.

"Sandali lang" Habol ng ginang sa kanila.

"Kuhaan ko muna kayo ng picture, ang cute nyong tignan e" Sabay tutok sa kanila ng camera.

Pumulupot ang kanang braso ni Nico sa kanyang bewang at mas hinapit sya papalapit dito. Kaya naman napatingin sya kay Nico na may lawak na ngiti habang nakaharap sa camera.

"Isa pa nga, hindi nakatingin si Lisa e" Reklamo ng ina dahil ang unang larawan ay si Nico lamang ang nakatingin sa direksyon nya.

Kaya naman inayos na ni Lisa ang kanyang puwesto, inihilig nya ang kanyang ulo sa balikat ni Nico at isang masayang ngiti ang lumarawan sa kanyang mukha.

"Ayan okay na, bagay na bagay kayo" Masayang sabi ng ginang.

"Alis na kami mama" Pagpapaalam ni Lisa sa ina.

"Sige na, huwag magpapagabi ah" Bilin ng ina.

Pagdating nila sa restaurant ay agad na pinuntahan ni Nico ang kanyang mga magulang na naghihintay sa isang lamesa.

Bumagal ang kanyang lakad dahil nangangatog ang kanyang tuhod sa kaba.

"Babe wag kang masyadong kabahan" Natatawang sabi ni Nico at hinila si Lisa papalapit sa lamesa.

"Babe ka dyan" Bulong na saway ni Lisa na nginisian lang ni Nico.

"Mom, Dad I want you to meet Lisa my girlfriend" Magalang na sabi ni Nico sa harap ng mga magulang nito.

"Hindi pa kita sinasagot" Agad na reklamo ng namumulang si Lisa.

"Sus doon din naman tayo papunta e. Patatagalin pa" Saad ni Nico kaya naman napatawa ang mga magulang nito.

Umupo na ang dalawa sa bakanteng upuan. Pinuri sya ng mga magulang nito dahil bumagay sa kanya ang suot na dress.

Akala ni Lisa ay masusungit ang mga magulang ni Nico at hindi sya magugustuhan ngunit nagkamali sya. Mababait ang mga ito, madaldal ang ina nito na walang ibang ginawa kundi ang ikwento ang pagkabata ni Nico, kung gaano katigas ang ulo nito. Ang ama naman ng binata ay minsan lang kung magsalita pero kadalasan naman pagbibida kay Nico ang sinasabi nito na tila binebenta ng mga ito ang binata sa kanya. Si Nico naman ay walang ibang ginawa kundi sawayin ang ina dahil sa mga kwento nito at si Lisa naman ay halos hindi na makain ang pagkaing nasa harap nya dahil sa kakatawa.

Natapos ang masaya nilang tanghalian, kailangan kasing bumalik agad ng mga magulang ni Nico dahil naghihintay dito ang kanilang bunsong anak.

"They like you" Nakangiting saad ni Nico sa kanya.

"Sure?" Paninigurado ni Lisa.

"100% sure na sure" Sagot naman ni Nico.

Kinapa ni Lisa ang kanyang cellphone para icheck ito. Nakita nya na madaming missed call at texts si Carlo.

Carlo:
Nasan ka na? Otw na ko.

Carlo:
Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?

Carlo:
Tangina Lisa!

Carlo:
Nag-aalala na ko. Sumagot ka naman.

Carlo:
Nandito na ko. Hihintayin kita. Siguraduhin mo lang na pupunta ka.

"Hmm Nico-" Naputol ang sasabihin n Lisa ng sumabat si Nico.

"Lisa sorry ah. Pinapatawag kami ni coach e" Hinging tawad ni Nico sa kanya.

Nakahinga ng maluwag si Lisa dahil sa sinabi ng binata.

"Okay lang! Okay lang talaga" mabilis na sagot ni Lisa

"Ihahatid na lang kita sa inyo" Alok ni Nico sa kanya.

"Wag na, kaya naman umuwi magisa e" Pagtanggi naman ni Lisa dito.

Pinauna na nyang umalis si Nico para masiguradong hindi sya mahuhuli nito. Nang makalayo layo na ang jeep na sinasakyan nito ay agad syang tumawid patungo sa kabilang kalsada.

Habang sakay ng jeep ay kinuha ni Lisa ang kanyang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Carlo.

Lisa:
Otw na ko. Sorry, medyo naging busy lang.

Carlo:
Mabuti naman nagreply ka na. Nandito na ko. Mag ingat ka.

Mabilis na reply ni Carlo sa kanya. Humugot ng malalim na hininga si Lisa.

┐(´•_•')┌

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon