Lisa

34.5K 55 1
                                    

Simpleng babae lamang si Lisa. Hindi pansinin. Hindi kagandahan. Matalino at ginagalang sa school na pinapasukan nya.

Sa unang tingin ay tahimik at suplada sya. Iilan lamang ang mga kaibigan nya sa school nila.

Nakasuot ng makapal na salamin sapagkat malabo ang kanyang mata simula pagkabata. Hindi siya palaayos. Kahit simpleng lipstick ay hindi sya marunong mag-apply. Chubby si Lisa. Hindi din kaputian ang balat nya.

Pagtapos ng skwela niya ay sa bahay agad ang punta niya. Madalas naiiwan si Lisa sa kanilang bahay sapagkat parehong may trabaho ang mga magulang nya at laging nasa comshop ang nagiisang kapatid nyang lalaki.

"Gusto mo talaga si jerick, Lisa?"  tanong ng kaibigan nyang si Jasmin. Isa sa pinakaclose nyang kaibigan simula ng mag-senior high school sya.

"E diba bakla yun? Mas malandi pa nga sayo yun e." Saad ni Danielle na isa ring malapit na kaibigan nya.

"Hindi sya bakla, Okay? Bi sya. Meaning. Nagkakagusto sya sa babae at lalaki. Nung Grade 7 nga kami may nililigawan syang classmate namin e. At take note babae yun."  Pagtatanggol ni Lisa.

Si Jerick Cortez, ang unang kaibigan ni Lisa ng mag-high school sya. Hindi malapit ang loob ni Lisa sa mga lalaki. Ilang sya sa mga ito. Malapit sya sa mga babae at mga kasapi sa LGBT. Si Jerick ang kanyang long time crush simula ng 12 years old sya at hanggang ngayon na 16 years old sya.

Kung titignan lamang sya at hindi kikilalanin ay mapagkakamalan syang inosente. Pero sa likod ng 'Inosente-looks' nya ang isang pilyang Lisa na sya lamang ang nakakaalaman.

(づ ̄ ³ ̄)づ

Lisa's SEXcapade (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon